cheer up!♥️
"BATANGAS, LABAN!"
MAHAL KONG LALAWIGAN, KAY DAMING TAONG NAG-IIYAKAN
SA PAG-AALBUROTO NG BULKAN, DI MAGKAMAYAW ANG TAUMBAYAN
DATING MAKULAY AT NAGBIBIGAY NG ALIW SA MGA TURISTA
NGAYON KUNG TITINGNAN MO AY 'DI MO NA HALOS MAKILALAANG MGA HAYOP NA NAGBIBIGAY NG KABUHAYAN SA MGA TAO
NARIYA'T TULONG SA TURISMO KATULAD NG MGA KABAYO
KINIKILALANG MALAKAS NGUNIT NGAYO'Y NAKAPANLULUMO
KALABAW, BAKA, IBON, ASO, MAGING SILA'Y NAGSUSUMAMOIHINAHON MO ANG IYONG LAHAR, KUMALMA KA AMING MAHAL,
ALAH EH, WAG NANG ISISINGKAR, MAHAL NAMING BULKANG TAAL
HUWAG DAGDAGAN PAGPAPAHIRAP SA MAHAL NATING KABABAYAN
HUWAG KANG MAGALIT, IYONG YAKAPIN ANG MAHAL NAMING LALAWIGANITONG PAGSUBOK NA DUMATING, SAMA-SAMA NATING HARAPIN
NARIYAN PA RIN ANG MAYKAPAL SA ATIN AY NAKATINGIN
ITO'Y PAGSUBOK NIYANG BIGAY SA'TING MGA BATANGUEÑO
WALANG SUSUKO, TAYO'Y LALABAN, AANGAT MULI ANG MGA BARAKO!HINTAYIN NINYONG KAMI AY MULI NA MAKABANGON
MULI KAYONG MAGBABALIK SAMING LUGAR T'WING BAKASYON
MAAARING WALANG MAKITA KUNDI ABO SA PANAHON NGAYON
NGUNIT KAMI AY BATANGUEÑO, YAYAKAP SA PANGINOON!MULI NINYONG TATANAWIN ANG GANDA NG BULKANG TAAL
SAPAGKAT ITO AY KAKALMA SA TULONG NG POONG MAYKAPAL
BAWAT NGITI SA MGA LABI AY MULI NIYONG MAKIKITA
MARIRINIG NINYONG MULI MALAKAS NA BOSES AT MGA TAWAMANANALIG, 'DI BIBITAW "BATANGAS,LABAN!" ANG SIGAW
MAGPASALAMAT SA MGA TULONG, DUMARATING AT UMAAPAW
DONASYON DITO DONASYON DIYAN, HINDI TAYO PABABAYAAN
KAPIT-KAMAY, SABAY-SABAY... BANGON BARAKONG LALAWIGAN!
♥️♥️
#LabanBatangas
BINABASA MO ANG
RANDOM THOUGHTS - POEMS
Poesíawrite what's on your mind, and you'll see your masterpiece. ✔