PROLOGUE

97 3 0
                                    

FLASHBACK

Naglalakad ako sa hallway papasok sa school ng bigla akong napahinto.

“Ah pangit ng mukha” sigaw ng kaklase ko.

“mukhang biik”sabi naman ng kasama nito.

“pangit na nga,mataba pa, maitim pa ay naku Czarelle reyna ka talaga ng kamalasan” sabi pa ng isa.

Hay heto nanaman sila. Halos araw araw ay  nakakatangga ako ng mga panlalait at mga masasakit na salita galing sa mga kaklase ko.dahil na rin siguro sa mukha ko.

Alam ko naman na totoo naman ang mga sinasabi nila pero nasasaktan parin ako sa tuwing may naririnig akong maghsasabi noon dahil kahit wala naman akong ginagawang masama ay patuloy parin sila sa pang aapi sa akin.

“hay ano ba kayo hindi niyo ba titigilan si Czarell?” wika ni Mitchie.

“Hay Michie bat ba lagi mong pinagtatanggol ang pangit na yan?” sabi ng isa sa mga nangaapi sa akin.

“Kung may pangit man dito, kayo yon! Parang mga ugali niyo.” Sigaw ni Czarelle.

“Mitchi saying ka maganda ka panama sana kayo pumapangit ka kapag kasama mo ang pangit nay an” sabi ni Niko kaklasi ko.

“Hindi ba kayo titigil diyan? Gusto niyo atang isumbong ko kayo sa Disiplinary Office” aning baritong nagsalita.

“Uy tara na” narinig kong sigaw ng mga nang aapi sa akin at nagsialis na sila isa isa.

Pagtingin ko ay si Aiden pala yong nagsalita. Tuloy tuloy lang ito sa paglalakad na parang wala ako sa daanan.

“thank you” tanging nasabi ko. Pero ni hindi man ito lumingon.

“Tara na girl pasok na tayo baka malate pa tayo sa klase” sabi ni Mitchie at pumunta nakami sa classroom.

END OF FLASHBACK

Dahil sa pang iinsultong natatanggap ko noon dahil lamang sa aking itsura ay naging mababa ang aking self-confidence. Naubusan na din ako ng pag asang makipagkaibigan dahil ang itinuring kong kaibigan na akala ko aking masasandalan, tutulong sa aking problema ay siya palang sisira sa akin. Mabuti nalang ay nariyan palagi ang kababatang si Mitchie na laging nandyan para tumulong sa akin. Si Mitchie ay maganda at mayaman. Hindi lingad sa akin na siya ay isa sa mga pantasya ng mga kalalakihan sa aming paaralan.

Naging nagbago din ang pananaw ko ng makilala ko si Aiden, isang sikat na basketbolista sa aming paaralan. Maliban sa mayaman ito din ay gwapo kaya naman talagang hinahangaan. Naging magkalapit kami ni Aiden dahil sa magkagrupo kami sa isang subject.Naging close siya kami nito at dahil doon dumami ang mga nakikipagkaibigan sa akin dahil doon lalo na si Jennie na sikat din sa ami ng paaralan.  Sa araw araw na nagdadaan ay hindi ko namalayan na nahulog na pala ang loob ko kay Aiden. Hindi nagtagal ay niligawan ako nito at syempre sino ba naman ang tatanggi sa kanya eh siya ay pantasya sa aming paaralan.

Naging maayos naman ang pagsasama naming ni Aiden sa loob ng dalawang buwan. Marami mang kontra sa pagiibigan naming aybinabalewala ko nalang ito dahil para sakin mas importante ang nararamdaman naming dalawa kaysa sa nararamdaman ng iba. Ngunit ang akala kong tulad din sila ni Mitchie at Gianna na mabait at aking maaasahan ay tulad din pala siya ng kanyang mga kaibigan na laging nambubully sa akin. Nakita ko lang naman siyang may dalang bulaklak at kayakap ang aking kaibigan na si Jenie at inamin din ni Jenie sa akin na may relasyon sila ni Aiden. Akala ko noon wala ng mas sasakit sa mga salitang sinasabi nila tungkol sa akin, pero meron pa pala.

Sobra akong nasaktan sa araw na yon kaya naman nagpasya akong sumama na sa aking magulang sa Paris para doon na mamuhay.

Makalipas ang anim na taon ay handa na ako para bumalik sa Pilipinas. Ang Czarelle Sanchez na binubully noon ay isa ng Prinsesa. Pinaghandaan ko talaga ang aking pagbabalik ko.

Nagpaganda ng husto at ngayon na ang tamang panahon para gumanti sa mga nang api sa akin at nasa unang listahan ang hinayupak na Jett Aiden Dela Vega.

Magagawa niya nito ang kanyang pinlano napaghigantihin si Aiden? Kung sa una palang ay talon a siya?

Ikaw ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon