CZARELLE’S POV
Tatlong araw na ang nakakalipas ng tinawagan ako ni Kurt. Ngayon ang araw ang uwi ko sa Pilipinas at si Gianna at Kurt lang ang may alam. Pinili kong itago ito kay Mitchie dahil nais ko siyang surpresahin sa aking pagbabalik.
Noong nasa Paris pa ako ay lagi niya akong dinadalaw kapag bakasyon at pinipilit na umuwi nang Pilipinas pero lagi ko siyang tinatanggihan at sinasabi na masaya na ko sa Paris pero ang totoo ay hindi pa ako ready na harapin ang mga tao sa Pilipinas dahil sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari ay may kirot parin akong nararamdaman sa aking puso.
Matapos ang Ilang oras na byahe ay nakalapag na din ang eroplanong aking sinasakyan. Pagkalabas ko ng Airport ay nakita ko kaagad si Gianna at Kurt na patakbong papalapit sa akin. Sinalubong naman kaagad ng yakap ni Gianna.
“Hello! Czarelle I miss you so much “ sabi nito sakin
“I miss you too” sabi ko habang kayakap siya.
“Welcome to the Philippines Czarelle.” Sabi naman ni Kurt.
“Thank you Kurt!” sabi ko
“tara na naghihintay na si Manang Elsa sa sasakyan” yaya ni Gianna.
Si Manang Elsa ang aking tagapagalaga sa akin noon. Maliban kay Gianna at Kurt si Manang lang ang may alam na uuwi ako.
Nang Makita ko ito ay kaagad ko siyang sinalubong ng yakap. Close na close kami ni Manang Elsa noon pa man, halos siya lang kasi ang kasama ko noon dahil sa busy sa business ang mga parents ko siya ang tumayong nanay sa akin. Siya rin ang naging sandalan ko nong mga panahong hinuhusga at iniinsulto ako. Si Manang ang nakasaksi sa lahat ng kalungkutan ko sa buhay.
“kamusta na ang alaga ko?’’ panimula nito.
“I’m Okay Manang Imiss you so much” sagot ko at niyakap siyang muli.
“Na miss ko din ang alaga ko. At siguradong matutuwa din ang ibang tao sa bahay sa paguwi mo” sabi ni Manang.
Pagkatapos ng dramahan ay umuwi na kami sa bahay. Pagkakita nila saakin ay halos maiyak ang mga tao sa bahay dahil sa tuwa.“ Na miss ka namin Mam Czarelle” ani Rose isa sa mga kasambahay naming na medyo kaedaran ko.
“Na miss ko din kayo.” Sabi ko
“Kaya pala nagpahanda ng marami si Manang Elsa. Akala ko naman uuwi na sila Mommy mo.” Ani Rose“BTW Bat mag is aka lang?” tanong ni Rose
“UHh?. Sila mom baka next month pa daw uuwi.” Sagot ko
“No. Di naman sila ang tinatanong ko What I mean nasan na yung hinihingi kong Foreigner sayo bat wala kang kasama” sabi niya sabay halakhak.
“Akala ko bang may boyfriend kana? Yung Xuimin ba yon?” Patanong kong sabi
“Ay mam nasa military pa yon .” sabi niya
“Ay ganon ba hayaan mo bukas na bukas ipapa package ko” Pagsakay ko sa biro nito.“Tigilan niyo muna ang kwentuhan kumain ka na muna Czarelle pinagluto kita ng paborito mong Sinigang at para makapagpahinga ka na rin siguradong may Jetlag kappa. Francis pakidala sa kwarto ni Czarelle ang mga maleta niya” sabi nito dali dali kaming pumunta sa kusina
“Sabayan niyo na akong kumain Manang. Namiss ko ang luto niyo ditto doon kasi puro French foods ang mga inaahin mas masarap parin ang lutong pinoy.” Ika ko.
“BTW paki gising po ako manang ng alas tres ah. Aalis kasi kami ni Gianna mamaya.”
“osige’’
“salamat po Manang” sabi ko at dali daling pumunta sa aking kwarto.
Ang sasakyan ni Gianna ang ginamit naming papunta sa working place si Mitchie. Habang nasa byahe ay di ko maiwas I kumpara ang dating lugar sa ngayon. Anim na taon lang ang nakalipas pero ang daming mga nagbago. Mas dumami ang mga buildings at mas lalo atang bumigat ang traffic. Napansin pala ni Gianna ang pag mumuni muni ko kaya ng tumapat kami sa isang billboard ay tinuro niya ito.
“Kilala mo ba yan?’ turo nito si Billboard. Pinaka titgan ko naman ang billboard at familiar nga ang mga modelo doon.
“Yan si Troy. Classmate natin dati isa na siyang modelo ngayon at ang katabi niya naman ay si Hailey na school mate naman natin.”.
“ah kaya pala familiar. “ sagot lo naman
Pagkadating naming sa office ni Mitchie ay nalaman naming na may meeting pala ito sa office nito sa JAD Hotel and Restaurant, kaya naman dali dali naming itong pinuntahan. Isa ang JAD Hotel and Restaurant sa pinaka sikat na hotel sa Pilipinas. Karamihan sa mga nag checheck in ditto ay ang mga mayayaman tulad ng mga politicias, business man, celebrities at iba pa.
Sa harapan palang ng hotel ay makikita mong mga may pera lang ang makakapunta dito. Habang nag papark si Gianna ay hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng hotel. Siguro kung magpapakasal ako mas pipiliin kong ditto gawin ang reception. Sa gate palang na mukhang gate ng isang palasyo. Puro ginto ang mga gamit at some are made of glass. Parang kinuha ang disensyo nito sa ibbat ibang magagandang hotel sa mundo. Pero ang isang ito ay classic na kahit bata, matanda at teenager ay pu pwede dito.Pagkapasok ng hotel ay sinalubong kaagad kami ng staff ng hotel na pati uniform nila ay parang pang flight attendant.kinausap naman ni Gianna ang receptionist at nagtanong kung nasaan ba si Mitchie. Medyo stick ang hotel na ito pero hindi ko alam kung anong sinabi ni Gianna para mapapayag na papasukan kami kung nasaan si Mitchie. Hinatid pa kami nito hanggang sa pinto
Naunang pumasok sa akin si Gianna sa opisina at ako naman ay naiwan sa nakabukas na pintuan.“Good afternoon Miss. Have a sit” narinig kong sabi nito. Pa anyaya ni Mitchie kay Gianna at itinuro ang bakanting upuan. Nang mapansin na si Gianna ito ay kaagad itong sumigaw.
“GIANNA! What are you doing here? At maty pa rekla reklamo ka pang nalalaman ah! Para lang makapasok ka ditto” natatwang sabi nito.Tumawa din naman si Gianna sa inasal ng kaibigan.
“ayaw mob a akong Makita? E sige aalis nalang ako. Saying may surprise panama ako at tiyak na sasaya ka.” Nakapout na sabi nito.
“ano ba yon? Bat di ka nagsabi o nagtext na pupunta ka?” sagot naman nito.
“ e syempre kaya nga surprise e.’’
“Ano ba yon? May pa surprise surprise ka pang nalalaman” naiiritang sabi nito.Kaagad naman akong hinila ni Gianna papasok sa loob ng opisina.
“Surprise!!!” sabi ni Gianna
“Oh my G! Czarelle!” sabay tili nito at patakbong tinungo ito at niyakap ng mahigpit.“Kamusta ka ng bruha ka ang ganda ganda mo na ah at seksi pa. bat di ka nagsabi sa akin na uuwi ka? Uhmp! Nagtatampo ako bat mas nauna pang nalaman ni Gianna” kunwari’y pagtatampo nito ngunit hindi nito mapigilan ang kanyang tawa.
“Welcome back Cza! I’m so happy that you’re finally back. And I miss you so much” yakap uli nito.
“Haler! Baka nakakalimutan nyong nandito din ako” sabi ni Gianna at sumali sa yakapan naming ni Mitchie.
“Mitchie libre mo naman kami ng miryenda” natatwang sabi ni Gianna.
“Ikaw talaga kahit kalian ang takaw takaw mo! Nagpa check up ka na ba? Baka buntis kana “ natatawang sabi ni Mitchie
“Halina na nga kayo pumunta na tayo don sa restaurant. Magkwentuhan tayo habang nag mimiryenda” sabi nito at hinila na nya kami sa restaurant.
-DAWN OF THE LIGHT