TSB02

251 112 18
                                    

Hello po sa mga nagbabasa nitong story ko!

Ito na po yong chapter two sana po magustuhan nyo pero kung hindi nyo feel ang story ko,you are free to leave.If you have suggestions just comment para po maayos ko at kung ano po yong mga hindi nyo nagugustuhan.

Thank you po sa mga nagbabasa!

Enjoy reading!

The Sadist Beast

Kabanata 02






"Noah, dito ka ba maghahapunan mamaya?" tanong ko sa asawa ko na ngayong uminom ng kape at busy sa pagkalikot ng phone nya.

"Anong gusto mong ulam for dinner?Para ma pre---"

"No."

Sumulyap ako sa kanya ng magsalita sya. No. No. Hindi na naman. Kelan ba kami sabay kakain ng dinner ng kaming dalawa lang?Tanong ko sa sarili ko. Pero atleast may nakuha akong sagot mula sa kanya.

Kahit alam ko naman ang sagot sa tanong ko nagtanong parin ako sa kanya.

hay...

Ganito nalang araw araw. Sa umaga pagsisilbihan ko sya. Ipaghahanda ko ang agahan at damit nya para sa pagpasok sa opisina. Swerte nalang kung uuwi pa sya sa gabi at malaking himala kung dito sya kakain ng dinner sa bahay.

Napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumayo at tumungo sa couch para kunin ang bag nya. Dali dali naman akong naglakad para maabutan sya palabas ng bahay. Sumakay agad sya sa kotse nya at mabilis itong lumabas ng gate.

"Ingat ka mahal." bulong ko sa sarili ko. Kahit sumigaw man ako hindi nya yon maririnig at wala syang pakialam.

Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa may sala namin.

"Naku! kelangan ko nang bilisan baka malate ako nito." sabi ko sa sarili ko.

Nagtatrabaho kasi ako sa isang restaurant bilang isang waitress. Bilyonaryo ang asawa ko pero kahit naman mayaman sya kelangan ko parin magtrabaho ,maliit nga lang ang sweldo ko pero okay na yon. Ayoko ko kasi na umaasa ako sa kanya.

Baka hindi nyo kilala ang asawa ko.?Hmmm....My husband is one of the richest and prominent person in business industry. He is a business tycoon came from a noble family. Sa dami ng negosyo nila hindi mo na mabibilang. In short, mayaman sila.Mayaman ang pamilya niya. Ang ibang relatives ng asawa ko ay nasa politiko kaya hindi sila basta basta na tao lang.

Inayos ko na ang sarili ko para makapunta na ako sa trabaho. Pupunta ako sa sakayan ng jeep ngayon, yon kasi ang palagi kong sinasakyan eh. Tsaka matipid kaya ang jeep.

Pinapayagan naman ako ng asawa ko na lumabas ng bahay. Sa totoo lang wala naman talagang pakialam sa kin 'yon. Malaki ang galit nya sa akin.

"Peeeep!!!..."

Napabalik tuloy ako sa realidad ng marinig ko ang busina ng jeep. Dali dali naman akong sumakay dahil sa sobrang dami ng pasahero ay nahirapan akong makipagsiksikan.

PAGDATNG ko sa restaurant ay binati agad ako ni manong guard.

"Good morning Isla! Ang aga mo yata ngayon ah." may ngiting sabi nya.

"Goodmorning din po!" 'yon lang ang tanging naging tugon ko sa kanya.

Pagpasok ko palang sa restaurant ay napansin kong aligaga ang lahat. Bakit parang ang aga naman yata ng ibang dumating pati yong sa nightshift nandito rin. Ano bang meron?

"Ano ba yan? Ayusin nyo ngang mabuti ang paglagay ng mga table cloth!" napatingin ako sa babaeng sumigaw, si ma'am Stella pala head ng resto.

"Uy Isla! Bilisan mo na nga at magbihis kana marami pa tayong aayusin dito. Wag tutunga lang." Agad naman akong nagmadali upang magtungo sa locker area ng mga employee.

The Sadist BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon