TSB 03

148 58 19
                                    

The Sadist Beast

Kabanata 03

PINAKALMA ko muna ang sarili ko bago ako pumasok ng gate. Kinakabahan talaga akong pumasok ng bahay, nakabukas kasi ang ilaw sa may sala.

'Naku! baka nakalimutan ko lang patayin ang ilaw kanina kaya naiwang nakabukas.' Sabi ko sa sarili ko. Baka nga, kasi nagmamadali  ako kaninang umalis.

Pero hindi parin mawala ang pangamba sa dibdib ko. Nanginginig akong binuksan ang pinto ng bahay. Pagpasok ko ay wala namang tao o kahit anino man lang ng asawa ko, baka napaparanoid lang talaga ako.

Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang kaba sa aking dibdib. Naglakad  ako papuntang kusina, doon kasi malapit ang kwarto ko sa may maid's quarter. Bago ako tumuloy sa aking silid, tumungo muna ako sa ref para kumuha ng tubig na maiinom. Nauhaw ako sa sobrang kaba.

Inilapag ko muna ang aking tote bag sa counter. Habang nagsasalin ako ng tubig,nakaramdam ako ng presensya sa aking likuran. Nagsimula na naman mangining ang buong katawan ko sa sobrang takot, pasimple kong hinaplos ang aking dibdib upang  mabawasan ang kabang nararamdaman.

Inaayos ko muna ang aking sarili bago humarap sa kaniya at magbigay ng mahabang paliwanag.

"FUCK!" malutong na mura ang lumabas sa kaniyang bibig.

Paano ba naman hindi siya mapapamura, nang kakalabitin niya na ang gatilyo ng kanyang Swamp Sniper biglang nawala ang target niya. Huminga siya ng malalim bago hinanap ang taong dapat mamatay ngayong gabi. Itinapat niya ang kanyang kaliwang mata sa lense ng kanyang sniper upang hanapin ang taong papasabugin niya ng bungo.

Nang makita niya na ito wala siyang sinayang na oras at itinutok muli ang sniper sa ulo nito. He make sure that everything is cleared before he pulled the trigger into the man's head. Everything is calculated according to the plan, the distance, the range and the duration. Everything is perfect.

"Good job Eros!" rinig nyang salita sa kabilang linya.

"Piece of cake."

Sinimulan niya nang ayusin ang kanyang gamit at mabilis na isinilid ang dala niyang baril sa kaniyang duffel bag. Inalis niya rin ang kaniyang gloves at inilagay sa bulsa ng kaniyang bag. Nang masigurong maayos ang lahat at walang naiwang bakas,umalis agad siya sa inakupahan niyang silid. Mabilis ang bawat galaw niya hanggang makalabas sya ng hotel ngunit hindi parin siya nagpakampante, baka merong nakakita sa kaniya at  mititktikan siya pero sinigurado niyang malinis ang trabaho niya.

Napasipol siya ng makita ang nakaparadang Audi sa may gilid ng kalsada. Mabilis siyang pumasok sa loob nito, buti nalang hindi ito nakalock at walang pakundangan nyang inihagis ang kaniyang duffel bag sa passenger seat.

"Pumunta ka sa HQ. ASAP." rinig niya nang may nagsalita sa kabilang linya,agad naman niya naman iyong pinatay. Before he start the engine,he took the small earpiece and throw it somewhere inside the car, wala siyang pakialam kung saan 'yon nahulog.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan patungo sa HQ. Habang binabaybay niya ang daan, hindi niya mapigilang mapapikit dahil sa sobrang pagod.

Ilang bungo ba ang pinasabog niya ngayong araw?

Mabilis niyang iminulat ang kaniyang mga mata nang lumabas ang imahe ng kaniyang asawa na hubo't hubad. Napahawak naman ito  nang mahigpit sa manibela nang maalala ang babaeng sumira ng buhay niya. Siya ang puno't dulo ng lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay niya.

Kung hindi lang sana ito dumating edi sana maayos at mapayapa ang buhay niya kasal na sana siya ngayon kasama ang babaeng mahal na mahal at kasama ang mga anak nila.

The Sadist BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon