The Sadist Beast
Kabanata 04
Wala ako sa aking sarili habang nakatuon ang aking atensyon kay Tiyo Arman. Malakas ang paghagulgol nito na para bang kahit ano mang oras malalagutan na siya ng hininga dahil sa sobrang pag-iyak. Mabilis kong ipinahid ang luhang tumulo sa aking mga mata.
Kailangan kong maging matatag para sa kanila. Kailangan kong maging malakas para sa pamilya ko. Hindi ako pwedeng sumuko ngayon. Kailangan kong gumawa ng paraan para malagpasan ang pagsubok na dumaan sa aming buhay.
Napatayo ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa silid na aming inaakupa. Pumasok ang medyo may katandaan ng ginang na nakaputing lab gown at may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg.
Tumabi naman ako para matingnan niya ang kalagayan ng aking pinsan. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa mga sugat at pasa na nasa kaniyang katawan. Nakabenda rin ang kaliwang paa nito.
Pagkatapos ma-check ng doktor ang aking pinsan bumaling ito kay Tiyo Arman, ang tatay ni Anneth na aking pinsan.
"Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. Masyado pong maselan ang kalagayan ng inyong anak. Marami pong pasa at sugat ang kaniyang natamo, maging ang kaniyang binti ay gannon rin. Nalamog sa sobrang pagkakabugbog.We need to take good care of her. Hindi po basta basta ang naranasan niya. Kakailanganin niya ng agarang gamutan. Eto ho ang reseta ng mga gamot na kailangan niyang inumain at mga ointment para sa kaniyang mga sugat na kakailangan niya para mapabilis ang kaniyang paggaling." may inabot naman ito kay Tiyo na papel. Reseta siguro.
"Kailangan po kaya siya magigising dok?" tanong ni Tiyo sa doktora. Ngumiti naman ito ng pilit.
"As of now, hindi po namin 'yan masasabi. Grabe ang trauma na naranasan niya. Gising nga ang kaniyang diwa ngunit kapag ang isang tao na ayaw ng magising mahihirapan po tayong malaman kung kailan niya gustong imulat ang kaniyang mata. Mag-antay pa po tayo ng ilang araw." pagkatapos ng sinabi ng doktor nagpaalam na itong umalis dahil may rounds pa raw siya sa ibang pasyente.
Tiningnan ko naman si Tiyo Arman na hawak hawak ang kamay ni Anneth. Tumutulo na naman ang mga luha nito.
"San naman tayo kukuha ng pera pambili ng lahat ng ito. E kahit nga pagkain natin,hirap pa tayong makhanap." mahinang sambit nito na may kasamang hikbi.
Mabilis naman akong lumapit kay Tiyo Arman at madahang hinagod ang kaniyang likuran upang mabasan ang sakit na kaniyang nararamdaman.
"Wag po kayo mag-alala,hahanap po ako ng paraan." pagpapagaan ko ng loob niya. Hindi naman siya umimik.
Napagpasyahan ko munang lumabas sa silid ni Anneth upang silipin ang dalawa kong kapatid. Marahas akong napabuntong hininga at pinikit ang aking mga mata.
'Kaya ko ba 'to? Kaya ko pa ba?Tanong ko sa aking sarili.
'Panginnon gabayan niyo po ako.'
Habang naglalakad patungo sa silid ng dalawa kong kapatid napansin ko ang mga nurses na hindi magkandaugaga sa pagtakbo. Mayroon ring mga doktor, halata ang pag-aalala sa kanilang mukha. May dala pa sa kanila ang iba ng mga apparatus. Mas lalong nagkagulo at nagsisigawan narin ang ibang doktor at nurses.
Lakad takbo ang ginawa ko ng mapansin kong pumasok sila sa kuwarto ng dalawa kong kapatid. Halos mabingi ako dahil sa pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang mapagtanto ko kung ano ang nangyayari. Mas binilisan ko ang pagtakbo ko. Lumalabo na rin ang aking paningin dahil sa mga luhang tumutulo sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
The Sadist Beast
Romanceᴛʜᴇ sᴀᴅɪsᴛ ʙᴇᴀsᴛ "I will never forgive you!!!! Ever! Kahit anong gawin mo hindi kita mapapatawad. Sa lahat ng mga kasalanan mo ay tutumbasan ko ng paghihirap mo. I will make sure you will suffer. You don't know me woman I can turn myself into Satan...