TSB 05

140 41 12
                                    

The Sadist Beast

Kabanata 05

Kinakabahan akong pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Tiyo Arman at Tiya Beth.

Ginabi na ako ng uwi galing trabaho. Ang dami kasing costumer sa restaurant kaya napa-overtime tuloy ako. Sayang din kasi 'yon. Dalawa ang trabaho ko.

Sa umaga,naglilinis ako ng bahay. Nakapag-apply kasi ako sa isang kompanya. Ang kalingan ko lang gawin ay maglinis ng bahay or apartment or condo. Ibibigay lang sa akin ang address tapos gora na. Sa gabi naman, waitress ako sa isang high class restaurant.Ala sais hanggang alas onse ang oras ko. Malaki laki rin ang sahod kaya pinatos ko na.

Nataranta ako ng marinig kong umiyak ang sanggol na bitbit ko.

"Ate, dito ka na pala. Kanina ka pa dyan?" muntik ko nang mabitawan ang sanggol na hawak ko ng marinig ko ang boses ni Anneth.

"Ano ba yan Ann, ginugulat mo naman ako." sabi ko sa kanya. Hindi niya ako tiningnan dahil nakatuon ang atensyon niya sa sanggol na dala dala ko.

"At nagdala ka pa talaga dito ng dagdag palamunin." inis na may haling galit na saad ni Tiyo Arman. Napayuko naman ako sa sinabi niya. Pilit naman siyang pinapakalma ni Tiya Beth.

"Huminahon ka nga Arman." bumaling naman ang atensyon sa akin ni Tiya. "Isla,saan mo ba nakuha ang batang 'yan?" mahinahong tanong sa akin nito.

"Tiya Beth." Bumuntong hinihga muna ako bago nagsalita. "Don po sa likod ng restaurant na pinagtratrabahuan ko, malapit po sa may basurahan. Iyak po kasi nang iyak kaya po kinuha ko. Nilalanggam na po kasi siya, naawa po ako kaya kinuha ko po. Di po kaya ng konsensya ko na iwanan sya doon."

"Dios mio! Sino naman ang walang pusong magulang ang mag-iiwan nila sa basurahan. Ang mga tao talaga ngayon puro pasarap nalang." rinig kong sabi ni Tiyo Arman. "Oh, ano ng plano mo jan?Dalhin nyo yan bukas sa inauukulan para doon alam nating kung anong gagawin sa bata." nakatingin na ito sa akin.

Tiningnan ko naman ang sanggol na hawak ko. Nakatingin ito sa akin. Napansin kong maypagkaginto na parang may pagka brown ang mga mata nito. Ang ganda naman.

Nakatingin ito sa akin. Hinawakan niya naman ang daliri ko, mabilis ko naman itong tinangaal. Umiyak naman ito nang malakas. Tiningnan ko si Tiya Beth para humingi ng tulong. Taranta naman itong lumapit sa akin para subukang patahanin ang bata. Pero wala epek talaga.

Hinaplos ko nalang ang kaniyang mabibilog na pisngi. Mabilis niya namang kinuha ang aking daliri at hinawakan. Ayaw pakawalan.

"Mukhang gusto ko ng bata hija." napatingin ako kay Tiya na nakangiti.

Nang nakitang mahimbing na ang tulog ng sanggol. Lumabas ako ng aking silid para kausapin si Tiyo at Tiya. Nakupo sila sa mahabang kahoy na upuan. Umupo naman ako sa harap nila.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo Isla sa pagdala sa bata pero natutuwa ako dahil hindi mo parin siya iniwan doon.Oh,ano ngayon ang plano mo sa bata?" 'yan agad ang bungad sa akin ni Tiyo Arman. Si Tiya naman nakikinig lang.

"Gusto ko po sanang dito nalang sa atin ang bata." magsasalita sana si Tiyo ngunit pinigilan siya ni Tiya Bath. "Parang hindi ko po kaya na ipamigay siya sa iba. Hindi po kaya ng konsensya ko. Wag po kayong mag-alala. Gagawin ko po ang lahat para hindi po sya maging pabigat. Magtatrabaho po ako ng maigi. Kahit triplehin ko pa po ang pagtatrabaho ko, pumayag lang po kayo na dito na sya sa atin tumira. Ako po ang magpapalaki sa kaniya." lakas loob kong sabi sa aking Tiyo. Nakangiti naman ng malawak ang asawa nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sadist BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon