7 years ago..... flashback 1.0..
# 1_Reallan
"Para sayo." Nakayuko akong itinaas ang kamay ko na may hawak na isang pirasong rosas na may kasamang note.
Naglakas loob akong pumasok sa Universidad na pinapasukan niya at nag disguise pa ako na college student at nagpagawa ng pekeng I.D para lang papasukin ako ng guard.
At ngayon, inabangan ko talaga siya sa department nila kaya heto at naglakas loob akong ibigay sa kanya ang rosas at loveletter. Isang buong linggo ko iyon isinulat. Kaya dapat basahin niya.
But I feel so disappointed ng iwaksi lang niya ang kamay ko kaya nahulog iyon sa semento. Parang gusto kong maiyak dahil inapakan pa niya mismo ang bulaklak ng akma ko iyong pupulutin saka ako linagpasan.
"Get out of my way if you don't like to get hurt." Pagtataboy niya na may kasamang pagbabanta bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa department nila.
"I love you Kanye Anderson. I love you." Sigaw ko na mas nakatawag ng pansin sa lahat maging siya ay marahas na napalingon sa akin na matalim na tinapunan ako ng tingin.
"You‐." Hindi nito tinapos ang sinasabi at nilapitan ako at kinuwelyuhan. "Ang daming taong pagtritripan mo, ako pa talaga ang napili mo. Baka magsisi ka at hindi mo kaya ang magiging kapalit ng kapangahasan mo." Ramdam ko ang gigil niya habang sinasabi iyon sa akin.
Napangiwi ako dahil halos umangat na ang mga paa ko sa semento dahil sa pagkakwelyo niya sa akin. Sa tanggkad ba naman niya habang ako ay nasa 5flat lang.
"Umalis ka na at huwag kang magpapakita sa akin, dahil hindi lang iyan ang aabutin mo." Saka niya ako binitawan. Nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa semento.
Maluha luha akong tumayo dahil masakit ang pagkakabagsak ko. Isama pa na ipinahiya niya ako sa harap ng karamihan.
Kasalanan ko ba na gusto ko siya. Hindi naman diba. Kaya hindi ako susuko. Ipapakita ko na talagang gusto ko siya kahit na ipagtabuyan pa niya ako.
Pinulot ko ang bulaklak na nasira kasama ang love letter bago ko nilisan ang University nila at nagtuloy na din ako sa school namin na sa kabilang kalsada lang. Inalis ang pinagawa kong uniform dahil sa ilalim nun ay ang uniform namin sa school.
At alam ko na sa ginawa ko ay kakalat iyon sa buong magkaharap na eskwelahan. But I don't care. I love him.
=
"Ui Rea, ano iyong ginawa mo?" Salubong na tanong sa akin ni Cheska ng narating ko ang classroom namin.
"Ang alin?" Balewala kong balik tanong dito.
"Anong alin? Agad na kumalat ang ginawa mo kanina lang ui. Grabe ka gurl. Ang lakas naman ng loob mo, kung ako iyon, jusko. Baka magtatago na lang ako sa saya ng lola ko."
Kikay na kikay ito kaya naman natawa na lang ako sa sinabi nito.
"Ang gwapo kasi niya bhe. Alam mo ba iyong pakiramdam na kapag tititigan ka ng mga mata niya ay matutunaw ang puso mo. Lalag panty talaga." And I feel like I'm in heaven habang sinasabi ko iyon.
Pinagsalikop ko pa ang palad ko at isinandal iyon sa baba ko habang nakatungkod ang siko ko sa lamesa.
"Gagi, baka brief ang sayo. Tigilan mo nga iyan. Grabe ka talaga gurl. Viral na viral na agad iyong ginawa mo. Isang Anderson pa talaga napagdiskitahan mo."
BINABASA MO ANG
✅Kanye Anderson - POSSESSIVE HEIRS 2 [BXB][MPreg]
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Story: Siya si Kanye Anderson. Akala niya ay maayos na ang lahat. Nasa kanya na ang lahat lahat maliban sa isang bagay. Ang isang maganda at masayang pamilya kasama ang mahal niya sa bu...