Typo ang grammatical error ahead!!
# 2_Reallan flashback 1.1..
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang naghahanda ng tanghalian para sa amin ng Kanye ko.
Ayiieh! Kinikilig ako sa tuwing sasabihin kong "KANYE KO." Ko na siya. Basta, he is mine now. At ito ang unang araw naming magkasintahan.
Ehem! Kasi may first kiss na kami kaya naman kami na. At ngayon naman, ipaghahanda ko siya ngayon ng tanghalian na siguradong magugustuhan niya.
Bumili pa ako ng special lunchbox para lang maging mainit pa hanggang tanghalian ang iluluto ko so here I am now, maaga akong nagising para lang ipaghanda siya ng sasaluhan namin mamaya.
Mabuti na lang ako lang mag isa sa apartment na binigay sa akin ng lolo niya dahil isa na iyon sa kasama sa pagiging scholar ko.
Malayo kasi ang probinsya namin at sa kabutihang palad, kumpleto sa scholarship na bigay ng lolo niya, ahem. Lolo namin pala. At kumpleto ang allowance ko na binibigay nito. Para na nga akong buhay mayaman dahil doon. Pero di ko naman sinasayang ang scholar na ibinigay sa akin dahil nag aaral naman ako ng mabuti.
"Lala lalalala lalala." Napapakanta pa ako habang patapos na ako sa paghahanda. "Hmmmm. Ang sharap." Ngising ngisi pa akong ibinaba ang kutsara ng tikman ko ang niluto ko.
Ng matapos ay naligo na ako at siniguradong maayos ang hitsura ko at syempre dapat mabango ako at fresh na fresh ang hininga ko. Bumili pa ako ng listerine para lang matagalan ang fresh na hininga ko baka kasi maghalikan na naman kami.
Ayieeeh! Kinikilig na naman ako. Hmmm???? Ano kaya ang pakiramdam ng halikan niya. Iyong hindi lang dampi.
Napalunok pa ako sa sarili kong laway ng maisip ko na ipapasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Ahhhhhh! No!!! Behave lang dapat ako sa pagkakataon ganito. Malalaman ko na lang iyan kapag hinalikan niya ulit ako.
Ay! Kapag hinalikan ko pala siya ulit, pero gagawa ako ng paraan para siya na ang kusang humalik sa akin.
Eiiiii! Me gesh! I can't. I can't behave kung ganito ang laman ng isip ko.
Nah! Mag fo-focus nga muna ako. Ready na akong pumasok ng paaralan.
Muli akong napapakanta habang naghihintay ng masasakyang tricycle dahil isang kilometro lang naman ang layo ng paaralan namin sa apartment ko kaya mabilis lamang akong makakarating.
Sinamahan ko pa kasi ng breakfast ang tanghalian dahil nalaman ko na madalas na maaga siya pumapasok para sa mga gagawin niya.
Doctor ang kinukuha niyang kurso, na sinasamahan pa ng extra unit para sa BSBA kaya naman working hard din siya sa pag aaral.
At habang nag aaral siya ako ang mag aalaga sa kanya. Dahil ayaw kong mapabayaan niya ang sarili sa pag aaral niya ng halos panabay na kurso.
"Ui! Rea, pagkain pa natin ang dala mo?" Kuway tanong sa akin ni Cheska ng mabungaran ko ito sa harapan ng eskwelahan namin na palaging naghihintay sa akin.
"Nah! Hindi ah! Di pa nga nag go-good morning sa akin, pagkain na agad ang nasa isip mo. Hmmp." Kuway tampo ko naman.
"Good morning bestie." Paglalambing naman niya at sinakyan ang kunwari pagtatampo ko saka humawak sa kamay ko. "Tara kainin na natin iyang dala mo."
BINABASA MO ANG
✅Kanye Anderson - POSSESSIVE HEIRS 2 [BXB][MPreg]
RomanceSTATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Story: Siya si Kanye Anderson. Akala niya ay maayos na ang lahat. Nasa kanya na ang lahat lahat maliban sa isang bagay. Ang isang maganda at masayang pamilya kasama ang mahal niya sa bu...