A SharTin AU where free-spirited Sharlene gets transferred into the Star Section to "discipline her" for something that wasn't her fault, causing her to meet preppy Justin, one of the most famous people in campus.
[Ginagawa po ito ng school ko. Kapag may ginawa yung isang bata - usually from the last section - tinatransfer siya sa ibang section para maimpluwensyahan. Di ko alam kung effective o ano, pero ginagawa talaga nila. Last year, dalawang lalaki yung natransfer sa section ko kasi nakipagsuntukan sila. Different events, pero same yung consequences.]
Sharlene POV.
"You will be transferred to Section 10-A for your misbehavior, Miss San Pedro."
'Yan ang mga salitang sinabi ng Principal ko. Kasalanan ko bang inaway ako ng pokpok na yun?! Aba- nadamay lang ho ako!
Pero okay lang. Atlis hindi ko makikita yung mukhang 'yun. 'Tse!Pero seryoso... Badtrip. Malay ko ba anong pinagsasa-satsat ng Alexang 'yon! Bully daw ako, luh. Baka siya.
Pokpok. Harlot. Tangina niya. Stan Blackpink na lang, sis.
So ayun nga, naglalakad ako ngayon. Pinagtitinginan nila ako. Porket nanlaban?! Hoy mga ulol, di ako ang may sala!
Pero di ko na lang sila pinapansin, baka mapaaway na naman ako nito. Asan na ba yung 10-A? Kanina pa eh, baka malate ako nito gagi.
Tinapik ko yung isang kuya sa balikat. Di gaano katangkaran, di rin masyado maputi, pero may itsura. Parang pamilyar 'to ah...
"Kuya, asan po yung 10-A?" Mahinahon kong tanong. Nginitian ako ni kuya ng nakakasilaw na ngiti. "Uy, kaklase mo kapatid ko! Nasa third floor yun, dun sa kabilang building."
KABILANG BUILDING PA?!
"A-ah? Okay po, hehe... Sige salamat," nagpaalam na ako. Oo nga pala. Nakahiwalay ang last two sections ng grade ten...
Di ko alam kung bakit ganon ang set up pero ayun. Wala naman akong magagawa diba? Juskupo, late ako nito, sigurado.
Hayyyy....
A few minutes later...
Sa wakas! Nakaabot din, myghad. Hinanap ko agad yung 10-A, tapos katok ako agad.
"Sorry I'm late!"
"...Good morning, Miss. Class, is there any vacant seat for Miss San Pedro?"Isang kamay lang ang tumaas. Napatingin ako sa kaniya. Maputi siya, chinito, mukhang matalino.
Uy. Pag sinu-swerte ka nga naman-
"Baby, no! She'll just make kopya from you~!" May umangal na pabebe. Ay okay, pakielam ko sayo?
"Here, you can take my seat na lang. I'll make tabi with my babe."Wao. Nakakadugo naman yung English mo 'teh. Pero free seat, edi sige! Kaso parang sinipang tuta yung mukha nung lalaki... Ayaw niya ata kay Pabebe hahahah.
"U-uhm... Maia, Ms. Hong gave us a seat plan. Th-this is the only seat vacant."Ay, may ganon pala dito? Seat plan seat plan pa, nababago din yan! HAHAHAHA
Actually, tinignan ko yung mukha ni Teacher Hong. Yikes. Mukhang ayaw niyang mabago yun ah... Nagdeflate yung mukha ni ategirl,
"Ms. San Pedro, take the seat beside Justin. Maia, sit down, please."
Ha! Huyu ka ngayon, akala mo ah!
Namula si Maia, at napaupo na lang. Pumunta ako sa tabi ni Justin, tapos nilapag yung mga gamit ko. May pinapakopya ata...
"Hi.."
I blinked (pun intended po. Blinked. Blackpink fan. Blink. Gets? Alam ko, mais). Lumingon-lingon ako, pero sa akin ata siya nakatingin.
Tinuro ko yung sarili ko. "Ako ba?"
Ngumiti siya ng parang nahihiya. Tumango siya, tapos parang naghihintay para sa sagot ko."Uh... Hello, I guess?"
![](https://img.wattpad.com/cover/211640150-288-k143258.jpg)
YOU ARE READING
SHARTIN Imagines
FanfictionA compilation of my #SharTin imagines 💙. Hoy kung ayaw nyo ng SharTin please wag basahin. Wag din po sana ibash si Sharlene San Pedro or Justin De Dios. Hindi po kasalanan ni Shar na crush siya ni Justin, at hindi rin po masama magkaron ng crush. S...