A SharTin Soulmate AU where when one person gets hurt, the other suffers as well.
Matapos makatrabaho ni Sharlene si Justin, naging magkaibigan ang dalawa. Siguro dahil sa tugma ang ugali nila sa isa't isa, o kaya nama'y dahil madali lang naman talaga maging kaibigan si Justin.
Sa tuwing may free time ang binata ay tinutulungan nito ang dalaga sa kaniyang pag-aaral. Kahit ito ay patago - ayaw kasi nilang magkaroon ng isyu - naging masaya dito si Justin. Sa totoo lang, masaya din si Sharlene sa mga nangyari.
Para kasing kilala na nila ang isa't isa ng mahabang panahon, ganon lang kadaling makasama ang isa't isa. Sa hindi inaasahang ikot pangyayari, unti-unting nahulog ang aktres para sa lalaki. Hindi rin niya maipaliwanag, nagising na lanang siyang hinahanap ang mga mata ng binata at may ngiti sa kaniyang labi.
Paminsan-minsa'y nagtatagpo ang dalawa upang makapag-usap. Natutong mag-gitara si Justin mula kay Sharlene, at naturuan naman niyang gumuhit - kahit papaano - ang binibini.
Kahit kailan hindi sila nailang sa presensya ng kaibigan, sa katunayan ay masaya sila.. basta ba'y wala ang mga taong sila'y inaasar. Ngunit hindi naman laging masaya ang buhay.
Kaarawan ni Sharlene noon. Dumayo ang SB19, na naging malapit na rin sa babae, sa kanilang tirahan upang batiin at maki-saya sa araw na iyon.
Maliit lamang ang selebrasyon, simple dahil ito ang hiniling ng dalaga. Niregaluhan siya ni Justin ng isang kwintas, mukhang mamahalin at may isang locket.
"Ad amorem tuum," nakaukit sa ginto.
Hindi sinabi ni Justin kung ano ang ibig sabihin nito, at nang matanong ng aktres ay tumawa lang siya at sinabing, "Huwag mo muna alalahanin. Mema lang yan, ano ba."
Pero sa tindi ng tibok ng puso niya, sa ngiti at pagkinang ng mga mata ni Justin, alam ni Shar na may mensahe ang mga salitang banyagang nakaukit sa regalo.
Nang mapagabi na at lumamig na ang simoy ng hangin, nagbisikleta ang dalawa. Nakalayo na sila mula doon sa ingay at tawanan. Wala nang tao sa daan, at sila na lamang ata ang naroon. Madilim na.
"Shar... Sorry, pero... Feeling ko..." Nauutal at namumula si Justin. Lumakas ang tibok ng puso ni Sharlene. "Ano yun?"
"Feeling ko may crush pa rin ako sayo eh. Actually... Actually feeling ko mahal na kita. Hindi ko ipu-pursue at pwede na nating kalimutan ito bukas, pero gusto ko lang na malaman mo. I love you, Binibini. Na... Na mas higit pa sa kaibigan."
Para bang ninakaw ang hangin mula sa kaniya. Napangiti si Sharlene sa kaibigan.
"Justin... Mahal na-"Biglang lumaki ang mga mata ni Justin pero hindi ito nakatingin sa kaniya. "Shar, ilag!"
Tinulak niya ito.
Napasigaw ang babae at tumalsik sa may damuhan. Nang imulat niyang muli ang kaniyang mga mata, tumigil ang mundo.
Di kalayuan sa kinahi-higaan ni Shar ay nakahandusay ang katawan ng kaibigan. Sirang-sira na ang bisikleta ng hiram mula sa kuya ni Sharlene at umaagos ang dugo mula sa mga sugat niyang tinamo. At kahit mula sa pinagkakalagayan ni Sharlene ay nakikita niyang may mga bali siya sa katawan.
"JUSTIN!" Tumakbo siya, kahit masakit ang katawan. Hindi rin naman siya nakaligtas mula sa mga galos, ngunit mas kailangan ng atensiyon ni Justin.
"Kuya..." Tawag ng dalaga sa natulalang drayber ng sasakyang nakabangga sa kanila. "Kuya humingi ka ng tulong, please. Kuya, yung kaibigan ko baka mamatay kuya..."Natauhan yung manong at sinabing, "Kotse ko, dadalhin natin siya sa ospital. May... May contact ka ng family niya? May load ako, wait lang... Dalhin muna natin siya sa ospital."
Tinulungan ng lalaki at ng kaniyang kaibigan na maiangat si Justin at maipasok sa sasakyan.Humarurot ng takbo ang kotse papunta ng ospital. Salamat na lang sa Diyos at ang mga tao'y nasa loob na ng bahay at wala na ang traffic. Hhabang sila ay naglalakbay, sinusubukan ni Sharlene na linisin ang mga sugat nila at patigilin ang dugong umaagos mula sa sugat sa ulo ng binata.
Naiiyak na siya ngunit pinipigilan. Hilong-hilo na rin sa pagod, takot, at sakit pero pinipilit na magising.
[Fast forward. speed tayo dito HAHAHAHA]
Lumabas na ang mga resulta. Bali ang kaniyang binti, may fracture at cracked at ribs, may bali din sa kaniyang braso. Pero ang pinakamasakit doon ay ang head injury.
Comatose.
May posibilidad na hindi na magising si Justin. Nang malaman ito ng mga kagrupo, naiyak na lang sila at napamura. Handa namang magbayad ng piyansa at pampagamot yung nakabangga, kaya wala na silang magagawa. Aksidente ang lahat.
Pero pakiramdam ng aktres na siya ang may kasalanan. "Kung hindi lang ako tumingin sa kaniya. Kung hindi lang ako pumayag sa pagbike ng gabi. Kung hindi lang ako distracted edi sana hindi nagkaganito. Edi sana ligtas si Jah."
Masakit. Lalo na sa nung inulit niya ang mga salitang nabanggit ng kaibigan bago mangyari ang aksidente, "I love you, Binibini."
Naiisip din niya yung mga salitang hindi niya natapos sabihin, "Mahal na din ata kita."Sobrang sakit ng dibdib niya. Tipong hindi siya makahinga. Pinipilit niya, pero wala. Napaluhod siya, umiiyak. Naalarama yung mga tao, tinignan siya at nagsimulang magtanong kung anong nangyayari sa kaniya.
Pero hindi siya makapagsalita dahil sa lakas ng iyak niya. Yung paningin niya... Nandidilim... na...
"SHARLENE!"
×××
Pagod na siya. Napabuntong-hininga si Sejun habang nakatitig sa "kapatid" na walang malay. Sa katabing kama lang ay nakahiga naman ang babaeng mahal ng bunso, simputla ng niyebe.
Para silang mga tauhan sa isang storyang pantasya. Para silang mga manika. Pero mga tao sila, at ang patunay nito ay ang sabay na pagtunog ng kanilang mga heart monitors.
Napangiti si Sejun, ngunit ito ay may halong pait. Kahit sa trahediya, sila'y magkatugma.
Hindi kinaya ng katawan ni Sharlene yung lungkot. Naapektuhan yung pisikal niyang kalagayan, idagdag pa yung mga injury na natamo ng dalaga...
Tumingin si Sejun sa kwintas na hawak niya.
"Ad amorem tuum..."
Salitang latin, ngunit alam niya ang ibig sabihin nito... "Yours to love."
YOU ARE READING
SHARTIN Imagines
Fiksi PenggemarA compilation of my #SharTin imagines 💙. Hoy kung ayaw nyo ng SharTin please wag basahin. Wag din po sana ibash si Sharlene San Pedro or Justin De Dios. Hindi po kasalanan ni Shar na crush siya ni Justin, at hindi rin po masama magkaron ng crush. S...