An AU where SB19 starred in an ABS-CBN drama for two months. Coincidentally, Sharlene San Pedro was one of the actresses. Within those two months, Justin and Sharlene found themselves loving each other. Unfortunately, it was still forbidden.
"Mahuli dun sa itaas pangit!" Kantyaw ng isang dalaga sa kaniyang kaibigan. Ang mga mata niya'y kumikislap, at ang sikat ng araw ay binabalot siya na para bang siya'y isang matamis na panaginip.
Napa-bungisngis ang binatang kasama. Tsinito ang kaniyang mga mata, maputi at makinis ang kaniyang kutis, hindi halatang Pilipino ang kaniyang lahi.
Tumakbo pataas ng burol si Sharlene, ang dalagang nabanggit. Hinihipan ng hangin ang buhok niya habang siya'y tumatakbo, at maririnig mo ang tawa niyang kay tamis.
Hinabol siya ni Justin, ang kaibigang lalaki sa kwentong ito. Sumabay ang tinig niyang malalim sa matamis na tawa ng binibini -"Hintayin moko!"
Kinuha ni Justin ang balabal na nakapatong sa balikat ni Sharlene, iniangat ito at inasar siya. "Nasa'kin na 'to! Hahaha, ako habulin mo!"
Parang mga bata ang dalawa habang naghahabulan sa malawak na damuhan, patungo sa burol sa kabilang banda.
Naabutan din ni Justin si Sharlene, at ipinatong nito ang kaniyang braso sa balikat ng dalaga.
"Ang ganda ng view," sambit ng lalaki sa tainga niya. "Oo nga eh," natawa si Sharlene. "Ang ganda."Tanaw mula sa tuktok ng burol ang hekta-hektrayang taniman, ang mansyong kanilang tinitirhan para sa ngayong bakasyon, at ang ilog dun sa kabilang ibayo kung saan naglalaba ang mga asawa ng mga magsasaka. Nakikita rin dito ang mga ulap na para bang isang talon mo lang ay maabot mo na sila. Maya-maya lamang ay makikita na rin dito ang paglubog ng araw.
Ngunit hindi dito nakatingin si Justin. Nakatingin siya sa babaeng iniibig - ang babaeng hinangaan mula pagkabata hanggang sa ngayon. Ang unang babaeng minahal. Naging mapait ang kaniyang ngiti.
Aalis na siya ulit bukas, at kasama dito ay magpapanggap na siyang muli na hindi niya nakilala ang babae sa loob ng dalawang buwan at minahal ito. Magpapanggap siyang isa lang siyang hamak na tigasuporta, na walang nangyaring romansa sa pagitan nila.
At si Sharlene nama'y babalik sa pagiging mailap, at sa pagkukunwaring hindi niya ginustong halikan ang mga labi ng kaibigan, na hindi niya ito kilala bilang higit pa sa pagiging katrabaho. Magkukunwari siyang hindi niya naranasan ang magmahal ng buong-buo, at masuklian ito ng higit pa.
Humiwalay sa yakap si Justin, at lumingon si Sharlene upang tignan ito. "Jah? Anong problema?" Tanong niya.
"Wala, Shar... Wala... It's okay," pagsisinungaling ng kaibigan.
Napailing si Sharlene."Bukas ka na lang magsinungaling. Anong problema, Jah?"
"Kailangan ba talaga natin itong gawin? Bakit di pwedeng hanggang dulo tayo? Bakit kailangan natin itago yung lahat ng nangyari ngayon? Alam naman na ng mga kuya ko, ng mga kaibigan mo. Kahit si Sir Robin alam na. Bakit hindi pwede?""Jah, binalaan ka na. Sinabihan na tayong maghiwalay or else matatanggal ka sa kompanya. Hindi ko magagawa yun sa pangarap mo, Justin. Isa pa... Maraming conflicts kapag ako ang minahal mo."
"Pero mahal naman kita ngayon at wala namang nangyari!"Napalunok si Sharlene sa isinambit ni Justin. "Mahal mo'ko?" Tanong nito, at ang mga mata niya'y naghahanap ng katotohanan sa kaniya. Tumango si Justin at inilapag ang isa sa mga kamay ni Sharlene sa tapat ng puso niya. Ang bilis at ang lakas ng tibok nito...
"Oo, mahal kita. I love you, Shar. So bakit di pwedeng tayo na lang? Gusto mo rin naman ako, di ba?" Nagmamakaawa na ang tono niya. Ngumiti ang babae.
"Oo, mahal din kita... Pero kailangan kitang bitawan eh. Para sa'tin din naman, para sa pangarap natin. Sa pamilya. Sa mga fans mo, at sa fans ko. May mga bagay pa tayong dapat isipin, Jah. Bata pa naman tayong dalawa, may panahon pa."Tumingin sila sa mata ng isa't isa, magkahalong pag-ibig at pangungulila ang lumalangoy sa mga ito. Napangiti si Justin. Naiinitndihan niya. Malungkot, masakit, pero naiintindihan niya.
Ipinatong niya ang kamay sa pisngi ng dalaga, at pinunasan ang isang luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata.
Nasasaktan din siya... Umiiyak din siya."Wag kang umiyak, I understand. Mahal na mahal kita Shar, kahit saglit lang naging tayo. I don't know kung kailan tayo ulit magkikita, pero sana tandaan mo lang 'to... I'll always support your happiness."
Habang ang araw ay unti-unting lumulubog ay unti-unti ring lumalapit ang mga mukha nila sa isa't isa. Napatigil si Justin, isang sentimetro na lang ang agwat ng kanilang mga labi.
"Pwede ba kitang...?" Tanong niya habang kumakabog ang puso. Tumango ang babaeng mahal, ngumiti ng kay tamis, at ipinikit ang mga matang magagaganda.
Nagtagpo ang kanilang mga labi at para bang naglaho ang lahat maliban sa kanila. Tanging ang tibok ng puso ang kanilang naririnig, ang agos ng dugo sa kanilang mga katawan, ang pakiramdam ng malalambot na labing nahalikan sa unang pagkakataon.
Iniangat ni Sharlene ang kamay at inihaplos sa panga ng binata, habang binubuhos ang kaniyang pagmamahal sa loob ng isang halik.
Huling-huli na 'to.
Di na mauulit.
Bukas ay mawawala na siya.
Sulitin mo na.At nang magwalay sa sila ay may mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang magpapaalam na sila bukas.
Sa gilid ng kanilang paningin ay nakita nilang lumubog na ang araw. Simbolo ng katapusan ng isang araw ng kasiyahan, ng isang buwan ng pagtatago, ng dalawang buwan ng pagmamahal.Nginitian nila ang isa't isa.
"Goodbye, Justin. Thank you sa... Lahat."
"Hahaha, you're welcome. Thank you din. I... Sige na po, Ms. Sharlene. Mauuna na po ako."Hindi niya kaya sabihin ang mga salita. Hindi niya kayang magsabi ng "goodbye" kagaya ng dalaga. Hindi siya ganon kalakas.
YOU ARE READING
SHARTIN Imagines
FanficA compilation of my #SharTin imagines 💙. Hoy kung ayaw nyo ng SharTin please wag basahin. Wag din po sana ibash si Sharlene San Pedro or Justin De Dios. Hindi po kasalanan ni Shar na crush siya ni Justin, at hindi rin po masama magkaron ng crush. S...