Twenty Five

494 23 1
                                        

Twenty Five

Laine's POV

Iyak lang ako ng iyak sa kwarto ko hanggang sa may marinig akong kaluskos sa may veranda ko.

"Hoy Ellaine! Buksan mo'to!" narinig kong sigaw mula sa veranda. Pinunasan ko yung luha ko at nagpunta sa pinanggalingan ng sigaw. Nakita ko si Yzece sa labas kaya kaagad ko itong binuksan.

"Hoy! Pa'no ka napunta diyan?"

"Nagpasabit ako sa lubid." naniningkit niyang sagot. "Samahan mo naman ako."

"Anong samahan? Kita mo ngang nagda-drama ako dito, eestorbuhin mo pa'ko!" nakapout kong sagot at bumalik na sa loob.

"Aish! Samahan mo nalang kasi ako! Ang dami mong kaartehan. Mamaya mo nalang yan ituloy!" sabi niya at bigla niyang hinila ang kamay ko at pinaharap ako sa kaniya. Pinunasan niya yung mukha ko gamit ang palad niya at marahan na kinaladkad papunta sa pinto ng unit ko.

"Ano ba Yzece! Hindi nga sabi ako sasama sayo!" sabi ko habang binabawi ang kamay ko.

"Please... Samahan mo'ko. Pramis! Nakakapagpagaan ng loob ang pagdadalhan ko sayo..." Sincere niyang sabi. Sheet! Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya. Nabigla yata siya sa ginawa ko kaya nanigas siya sa kanitatayuan niya.

"Thank you... Thank you for staying even if I pushed you away..."

"I'm repaying you.... For staying with me when I was in the abyss of sadness..." sabi niya at niyakap niya rin ako pabalik...

Ganito pala?? Ganito pala ang pakiramdam na malungkot nang may kasama? Just the thought of having someone when I was drowned deep down in the sadness is soobrang nakakagaan ng pakiramdam... Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at nginitian siya ng tipid na ngiti. Inilahad ko yung kamay ko sa kaniya.

"Tara! Dalhin mo'ko sa kung saan mo'ko gustong dalhin."

"Sure! Motel ba o Hotel?" ngising aso niyang tanong. Marahan ko naman siyang nahampas sa dibdib. Takte eh, ang landi-landi. Ahahaha. Anuvahh~ dapat malungkot ako ngayon eh...

Tinanggap niya yung kamay ko at mahigpit itong hinawakan na para bang ayaw niya itong bitawan. Ayieee~ kinikilig ako...

Sumakay ako sa kotse niya. Syempre, hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Duuh~ hindi siya katulad ni Draight na napaka-gentleman pero atleast, masaya ako kapag kasama ko siya. Kahit na mahilig lang talaga siyang mang-asar.

"Handa ka na ba sa honeymoon natin?" ngising aso na naman niyang tanong. But sheet, ang gwapo niyaaa. Sarap pisilin nong dimples.. Waaaaa~

"Takte! Hindi tayo kasal, gagooo~"

Tumatawa niyang pinaandar yung kotse at pinaharurot iyon. Syempre, sanay na ako. Ang bilis talaga niyan magpatakbo ng sasakyan eh. Tsk²!

.

.

.

.

.

.

.

"Wah~" namamangha kong saad. "Bakit dito mo ako naisipang dalhin?"

"Syempre. Pro ako eh." mayabang niyang sabi.

"Seryoso nga." Inis kong sabi at tumingin nalang sa dagat. Waaa~ ang ganda ng simoy ng hangin at nakakagaan ng loob ang bawat hampas ng alon.

"Well... The sea can always calm my mind. It never fails to amaze me.." Napatingin ako sa kaniya. Napangiti ako sa reaksyon niya. Para bang may inaalala siyang magandang memorya at ang ganda-ganda ng mood niya. And he said those words with all his heart.

The troublemaker meets the Bad Boy [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon