Pudding

12.5K 97 3
                                    

"Babe"

"Mmmm"

"I love you"

Yan ang mga katagang palagi nyang binabanggit sa'kin. Sa t'wing magsasama kami walang oras na hindi nya nasasabing mahal niya ako. Ang mga katagang yun ang nagpapalakas sa kin at ng bibigay sa' kin ng dahilan na magpatuloy sa buhay. Ngayon nandito ako sa paborito naming lugar inaalala ang masasayang bahagi ng nakaraan naming dalawa. Mga ala-alang kahit masaya ay may lungkot at panghihinayang . Kung maibabalik ang panah 87on at papapiliin ako kung mamahalin ko sya o hindi mas pipiliin ko parin na mahalin sya kahit ganito ang naging katapusan.

"Sam!"

" Oh bakit?"

"Anong bakit??? Hoi gaga kanina kapang nakatunganga diyan nuh! Akala nga namin tinangay na naman ang kaluluwa mo!"

"Sorry" hingi kong paumanhin. "Alam niyo namang di ko mapigilan ang sarili ko" at may luha na namang nais kumawala. Pinigilan kong umiyak at ngumiti na lang. Para di na sila mag-alala.

" Girl alam namin na mabigat at masakit parin sayo ang lahat nang nangyari. Masakit sa'min na nakikita ka naming nasasaktan at nagkakaganyan everytime na pumupunta tayo dito. Pero girl almost 5 years na mula nang mawala siya. Sa tingin ko kailangan mo nang mag-move forward at I'm sure kung nasan man si Nathan ngayon ayaw niyang maging ganyan ka."

Tama si Erian. Kailangan ko nang magmove-forward. Kailangan ko nang tanggapin na kahit na anong gawin ko di na maibabalik pa ang nakaraan. Kailangan kong maging malakas dahil ako nalang mag- isa. Kailangan ko 'tong gawin para sa sarili ko kahit sobrang sakit.

" Sam, kung kailangan mo nang kausap nandito lang kami para sayo. Anytime you can call us. Anytime."

"Salamat Cris. Salamat sa inyong dalawa dahil palagi kayong nandyan para sa'kin. Salamat sa pagaalala sa'kin."

"Ohhhhhh girl you make me cry." at kunwaring nagpupunas ng luha kahit wala naman ang OA talaga nitong ni Erian.

Natawa nalang ako sa ginawa niya.

"Gaga ka talaga." at niyakap ko silang dalawa.

Nathan kung nakikita mo ko ngayon, tulungan mo akong makamove-forward ha? Tulungan mo kong makabangon at magpatuloy sa buhay.

"Hayyy ano ba nagdadrama na naman tayo." kunwaring nagbabagot na sabi ni Cris.

"Hoyyy ikaw lalaki alam mo panira ka talaga sa moment nuh?? Sarap mong pakain sa buwaya"
"Kung nadadramahan ka, eh wag Kang sumali. Alis!" Pagtataboy ni Erian.

"Hoi babae na parang di naman babae tumahimik ka nga ang lakas lakas ng boses mo para kang megaphone nasisira na ang eardrums ko dahil sayo."

"Aba't lumalaban ka na ngayon??"

At parehong humiwalay na sa yakap ko  ang dalawa para magbangayan. Hayyy itong dalawang tuh talaga parang aso't pusa.

"Ohh sige na Tama na" paghihiwalay ko sa kanilang dalawa baka kung saan pa tuh mapunta kung di ko pa inawat.

" Alam niyo kung di ko kayo kilala mapagkakamalan ko kayong magnobyo't magnobya na nag-aaway."

"What?!" wow sabay pa  talaga sila  ha?

"Siya?? Nobyo ko?? Like are you fucking serious?? No way over my sexy breathtaking gorgeous body." Singhal ni OA.😂😂

"Huh! Asa ka na jojowain kita?? Mas gusto ko pang jowain si Bakekang kaysa makasama ang Isang katulad mong mukhang palaka!"

" At tsaka FYI di ka sexy at di ka breathtaking okay?? Wag Kang feeling."

"Hoi, makapal ang mukha na parang bulldog sexy ako at breathtaking sadyang di mo lang nakikita dahil bulag ka at manhid ka!"

I Fell Inlove With My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon