**
RPW, Role playing world.
App?
Site?
nah nah.
It's in Facebook, sa kabilang anggulo nito.
RPW, Role playing world. Mundo ng kasinungalingan.
World where you can escape from the reality.Kung papasok ka sa relasyon at nasa rpw ka, mag ingat ka dahil ang mahulog ay s'yang tao. GAME? Yes it is.
Talo ka kapag nagpahulog ka sa matatamis n'yang chats, at sa mga virtual acts n'yang daig pa ang ihi mo kung magpakilig.
rp to rp lang talo ka kapag sineryoso mo.
Mahirap magtiwala rito? Di mo alam kung papaniwalaan mo sila o ano? Kasi in the first place hindi mo naman talaga sila kilala, di mo pa sila nakikita.
At sa totoo lang ibang-iba na ang rpw kumpara ng unang pumasok ako dito.
TOXIC, yan na daw, pero iwan kahit gaano na kagulo ang mundong ito di ko magawang iwan-iwan.
Ilang sakit na ang nakuha ko dito, nawasak, bumababa grado, umiyak na ko ng paulit-ulit, lahat-lahat na naranasan ko pero ewan, hindi ko pa din ito maiwan-iwan.
Dahil sa dami dami ng dahilan para iwan ito nag isstick ako sa iisang rason na sa mundong ito ko lamang napapakita ang totoong ako.
It's my way to escape from the reality, malaya ko dito nalalabas ang lahat-lahat. Kapag galit, masaya, naiinis at kung ano pa man malaya ko itong napapahatid, walang magco-comment ng 'oa', 'papansin' at kung ano-ano pa man.
Yes, magulo na ito pero napapasaya ako nito.
RPW, ang hirap iwan ng mundong ito.