**
Biggest apology to myself 'cause I'm a certified promise breaker, Sabi ko di 'ko na sasaktan sarili ko, tatanggapin ko na wala na talaga, kakalimutan ko na s'ya pero ano? ano 'tong ginagawa ko ngayon?
Iniistalk sya't sinasaktan na naman ang aking sarili sa mga posts nyang tungkol sa bago nya.Ako nang iwan, ano bang iniiyak iyak ko?
Ako ang bumitaw bakit ako umaaktong nasasaktan?
Na parang biktima.
Bakit nga ba ganto na lang ako umiyak pag dating sa kanya?
Dahil mahal ko s'ya?
Dahil mahal ko pa s'ya, dahil 'di ko naman talaga ginusto ang nangyari at ginawa ko.
Kung maibabalik ko lang sana yung pangyayaring yun, hinding hindi ako aabot sa puntong bumitaw ako sa taong walang balaw na iwan ako, sa taong mas kilala pa ako kaysa sa sarili ko kaso wala, nangyari na at di ko na mababago pa yun, siguro ngayon nanamnamin ko muna 'tong sakit ng katangahan ko at patuloy kang mamahalin ng palihim hanggang sa mawala na lang din, kung mawala.