Chapter Two

110K 2.2K 198
                                    

At mukhang ito man ay nagulat din ng makita siya pero agad din itong nakabawi dahil ngumisi ito. Bigla siyang napaatras kaya tuluyang nahulog ang box at tumama sa paa niya at muntik na siyang mapasigaw sa sakit. Tinanggal nito ang box sa paa niya at mabilis siyang kinarga papunta sa ikalawang baitang ng hagdan.

"You." Anito sa kanya, hindi siya umimik dahil hindi na nagfa-function ang utak niya. The way he speaks katulad na katulad noong gumawa sila ng kababalaghan sa bar na iyon. Napaigtad siya ng dumampi ang mga daliri ng lalaki sa nasaktang paa niya sinulyapan niya iyon namumula lang iyon. "It's you."

Napakurap siya ng ilang beses dahil akala talaga niya ay hindi na muling magkukrus ang landas nila pero heto sila at magkaharap na magkaharap pa. Ano ba ang ginawa niyang masama at sunod-sunod na problema ang nararanasan niya. Hindi pa nga nasosolve ang isa may sumunod na tapos heto kaharap niya ang isa pa. Hindi ba siya tatantanan ng problema?

"May problema ba Rooke? Anong nangyari kay Dane." Pakiramdam niya ay tumigil ang hininga niya ng dumating si Yelena. Bigla siyang kinabahan baka kasi sabihin ng lalaki—wait, did Yelena said Rooke?

Rooke? The Rooke they are talking about?

Oh jeez! Ang liit ng mundo sa sobrang liit hindi na niya alam kung saan itatago ang mukha niya. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang pisngi ng maalala ang lahat ng ginawa niya. At paano kung sabihin ni Rooke na may nangyari sa kanila na ito ang bumasag sa cherry niya? Paano kung sasabihin ni Yelena iyon sa parents niya?

"Nahulog lang ni--- Dane ang box." She shivers when he uttered her name sexily, alam niyang tunog panlalaki ang pangalan niya pero ngayon lang niya narinig ang pangalan niyang sinasambit na para bang hinuhubaran siya.

"Are you okay Dane?" tumango siya sa tanong ni Yelena. Paano niya sasabihin dito na hindi siya okay? "Is my gift okay?"

"Both were okay." Sagot niya na medyo nanginginig ang boses na parang iiyak na. Kunot-noong napatingin sa kanya ang pinsan kaya tumikhim siya. "Sorry medyo masakit lang ang ulo ko Yelena. Dumaan lang ako dito f-for the gift I need to go now." Paalam niya sa pinsan.

"Ha? Pero dito ka magdidinner hindi ba?"

"Next time nalang." Hindi siya makatingin sa lalaking titig na titig sa kanya. Kaya habang nasa harap pa nila si Yelena ay kailangan niyang magpaalam na at ng makaalis na siya.

"But it's my birthday." Anitong nakanguso.

"B-bukas nalang." Bago pa siya nito mapiilit ay nagmamadaling lumabas na siya ng bahay nito. She heard her calling her name pero hindi na siya lumingon pa, she needs to get away from the place. Nasa may kotse na siya ng biglang may humawak sa braso niya. Napapiksi na naman siya dahil pakiramdam niya ay nakukuryente siya sa hawak na iyon.

"L-let me go." Pakiusap niya, hindi pa rin siya nakatingin kay Rooke. Natatakot siyang baka ipagkanulo na naman siya ng kanyang sarili.

"Dane." Tawag ulit nito sa kanyang pangalan. "Yue Dane Monterde."

"Let me go please." Ang isang braso niya ay hawak nito at ang isang kamay niya ay nakakapit sa pintuan ng kanyang kotse.

"Princess Yue Dane Monterde, got drunk and had sex with a stranger." Mariing sabi nito, nag-init ang mga talukap ng kanyang mga mata kaya mabilis niya itong ikinurap upang hindi tuluyang mamuo ang mga luha niya. "Her first sex."

"Ano bang gusto mo? Please lang kalimutan mo na iyon, it was an accident. Please itago mo nalang iyon." Pakiusap niya dito. Nakita niya ang pag-alsa ng gilid ng labi nito na para bang sinasabi nitong masarap siyang paglaruan.

Marked Series 7: Fall for Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon