EPILOGUE

119K 2.2K 227
                                    



NAGISING siya sa kalagitnaan ng gabi ng marinig ang mahinang pag-iyak ng anak niya, he name him Luther Dane, his mom's name sounds boyish kaya okay lang na ipangalan niya ang anak niya sa nanay nito. Tumayo siya at pinuntahan ang bata sa crib kung saan ito natutulog and smile bitterly to himself.

He is alone. She left. He misses her wife so much pero alam niyang kailangan niya itong pakawalan para sa ikasisiya nito.

His six months old baby looks like him but his eyes were the same with his mother. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa desisyong pakawalan ang asawa niya, ang hirap na wala ito sa tabi niya.

"You missed your mommy little sport?" he asked his son as he cradle him on his arms. Mahirap ang mag-alaga ng bata na siya lang mag-isa pero inalalayan naman siya ng mga magulang ni Dane. Palaging nagpupunta sa bahay niya upang tulungan siya. "I missed her too pero dapat sanayin na natin ang sarili natin. Hindi pwedeng mamimiss natin siya dahil mararamdaman niya iyon at baka malungkot siya kung saan man siya naroroon ngayon." Hinaplos niya ang pisngi ng anak niya na tahimik na, hindi ito umiiyak pero hindi rin naman ito natutulog.

Iba pala talaga ang feeling na may anak ka, kaya siguro hindi sinuko ni Dane si Luther dati dahil alam nitong mararamdaman din niya ang nararamdaman nito noon. Mas nauna nga lang ito dahil ito ang ina at nasa katawan nito ang anak nila. Pero kahit ganoon pa man at kung may maiiba sa kwento ng buhay niya, he will still choose Dane. Hindi niya sasabihin sa anak niya because right now his son is his life, he doesn't want him to feel that he is unwanted. He will keep his little secret by himself.

Napatingin siya sa malaking picture na nakasabit sa gitna ng kanilang master's bedroom, ang dapat ay silid nila ngayon ng asawa niya. Pero wala ito... at nandito pa siya. Narinig niya ang pag-ungot ni Luther, ibinaba niya ito sa crib nito pero parang hindi lang ito mapakali.

"You feel her too?" nakangiting tanong niya dito. Kapag ganitong hindi ito makatulog ay alam niyang inaaliw ito ng nanay nito kung saan man ito naroroon ngayon. "You want your bed?" kinarga niya ulit ito at lumabas sa silid nila. Doon kasi niya pinatulog si Luther dahil silang dalawa lang naman pero may sarili itong nursery room na sila mismo ni Dane ang umayos bago pa ito umalis sa kanila. Luther loves personal space dahil natutulog lang ito at umiiyak kapag nagugutom lang. Mahilig kumain ang anak niya.

Ibinaba niya ito sa bed nito na parang crib din, malikot kasi ito sa pagtulog at kaya nitong sakupin ang buong queen size bed. Pagkababa na pagkababa niya sa anak ay agad nitong nahanap ang favorite spot nito at pumwesto na at saka natulog na rin. Pinagmasdan muna niyang maigi ang anak niya bago siniguradong nakalock ang lahat ng bintana upang hindi ito malamigan. Wala itong yaya dahil gusto niyang hands on siya sa pagpapalaki sa anak niya, iba pa rin kasi kapag iyong magulang ang nag-aalaga. He went out at babalik na sana sa silid niya ng mapansin na bukas ang ilaw sa may kusina.

Nakalimutan yata niyang i-off kanina dahil sa pagod niya, tahimik na bumaba siya ng hagdan at nagpunta sa kusina. He is about to turn-off the lights when he caught a glimpse of a familiar figure near the sink.

Heto na naman... heto na naman ang malakas na pintig ng puso niya habang nakatingin sa pamilyar na bulto na iyon. Nakatalikod ito sa kanya at marahil ay hindi napansin ang pagbaba niya kaya mabilis niya itong nalapitan at kinulong ito sa mga braso niya. Mukhang nagulat ito dahil nabitawan nito ang hawak nitong baso at kumalampag sa sink mabuti nalang at hindi nabasag.

"Tatay ano ba!" natatawang hinampas siya ng asawa niya.

"Oh God, I missed you. Akala ko bukas ka pa babalik." Humarap ito sa kanya at saka tiningnan siya. He can't believe it, she is indeed back. His wife is back and he misses her too much.

Marked Series 7: Fall for Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon