Chapter Thirteen

96.6K 2.3K 133
                                    

"HINDI ka ba kakain?" untag ni Miggy sa kanya habang nakaupo siya sa may porch ng bahay nito. "Gusto mong papuntahin ko si Nao dito mas maganda siguro kung may makakausap ka." Tinawanan lang niya ang kaibigan. Ilang araw na rin siyang nakatira sa bahay nito pagkatapos kasi niyang sabihin kay Rooke ang kalagayan niya ay parang naging statwa lang ito kaya mas minabuti nalang niyang umalis sa harap nito. Mabuti nalang at nasa labas lang ng bahay si Miggy na papasukin na sana sila kaya mas lalong napadali ang pag-alis niya.

"Busog pa ako Miggy pero kung gusto mo talagang makita si Nao okay lang sa akin na pumunta siya." Nakangising wika niya. Sumimangot ito sa sinabi niya.

"It's not that I like to see her ayokong mabugbog kapag nakikita ko siya I was forced you know because she is the only person whom you can talk with everything right now." Tinawanan lang niya ito.

"Ows? Sige maniniwala na ako sa iyo mas mabuti ng maniwala kasi mas madaling paniwalain ang ibang tao keysa sa sarili mo." Aniya. Hindi ito umimik bagkus ay tiningnan lang ang album na may lamang pictures nilang magkakasama kasama ang kanyang mga kaibigan. Iyong album na iyon ay kuha nito noong naglalaro pa siya ng tennis.

"Namimiss mo ba?"

Hindi siya nakaimik dahil ng tanungin siya nito ng ganoon ay dalawang bagay ang pumasok sa isip niya. Kung namimiss ba niya ang paglalaro ng tennis o kaya naman ay ang lalaking mahal niya.

"A-ang alin?"

"Playing this sport." Turo nito sa picture niya na masayang-masaya siya habang nakataas sa ere ang isang kamay na may hawak na tennis ball at iyong isa naman ay ang kanyang raketa. "Masaya ka noong naglalaro ka pa nito my camera loves you very much especially after every matches. Kahit kasi talo ka sa laban ay pakiramdam mo ikaw pa rin ang winner."

Napangiti siya habang tinitingnan ang mga pictures niya, totoo kasi iyon. A game is about losing or winning pero para sa kanya ang makapaglaro lang ay panalo na siya. She doesn't care if she loses a game or win a game mas mahalaga sa kanya ang makapaglaro. Ang makatapak lang sa court ay masaya na siya at ang makatira lang ng isang bola ay masaya na siya.

"I was so happy then." Aniya dito.

"You were the happiest then but you stopped."

Nawala din ang ngiti sa mga labi niya sa sinabi nito. "Why did you stopped? Is it because of the injuries?"

Umiling siya dahil hindi naman iyon ang tunay na dahilan, iba ang dahilan niya ginamit lang niya iyong dahilan para makatakas siya sa takot niyang muling makapaglaro sa court.

"No, my injuries were healed six months after the accident." Inilagay niya ang palad sa ibabaw ng umbok ng tiyan niya.

"Then why?" umiling siya, babaunin niya sa hukay ang nangyari sa kanya. No one knows what happened, all they know is naaksidente siya and her lips were zipped then. Pero dahil sa nangyari pinigil niya ang sariling maglarong muli and up to now nandoon pa rin ang takot niya.

"Secret." Pinasigla niya ang boses niya. "Tawagan mo si Nao I want to talk to her about the baby gusto ko ring magshopping ng mga baby clothes. Baka kasi hindi alam ni Rooke kung ano ang ipapasuot niya sa anak niya kapag naisilang ko na siya."

Natahimik ulit ito at tiningnan siya alam niyang nalulungkot ito sino nga ba ang hindi pero mas mabuti na ang ganito.

"Bisitahin mo din sina ninong at ninang."

Marked Series 7: Fall for Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon