Chapter Seven

101K 2.2K 119
                                    

"ANO?" kunot-noong tanong ng kapatid niya na karga si Damon.

"K-kuya kanina ka pa ba?" nag-aalalang tanong niya, para tuloy siyang masusuka na rin dahil sa sobrang kaba niya.

"Hindi kadarating ko lang at narinig ko ang huling sinabi mo. Ano ang hindi ko dapat na makita?" biglang dumating si Rayleigh na inosenting nakatingin sa asawa nito. Kinuha nito ang anak sa kapatid kaya nakalapit ng husto ang kapatid niya sa kanya. Sumulyap siya kay Rooke na tila hindi din alam ang sasabihin.

"Ah-wa-wala iyon kuya joke lang iyon." Palusot niya pero alam niyang hindi iyon kakagatin ng kapatid niya pero sa pagtataka niya ay hindi naman ito nagsalita pa. Pero hindi pa rin umaliwalas ang mukha nito para bang may malalim itong iniisip.

"At bakit kayo magkasama?" tanong nito.

"Sinamahan niya akong mamasyal sa resort." At least iyon ang totoo.

"At kailan pa kayo naging close?" shit! Iba na talaga kapag kuya, her brother is kinda possessive. Kahit na iyong friend niyang gay na nangkiss sa kanya noong kinder pa lang siya ay hindi nito pinatawad at sinuntok nito. Paano nalang kaya kapag nalaman nitong nabuntis siya dahil sa isang one night stand?

"Kasi kuya-."

"Wala kasi siyang ibang malapitan kanina dahil natutulog si Yelena and besides I am not busy and I owned the resort so I am the best candidate to tour her around."

Seryoso pa rin ang mukha ni Dale habang tumango-tango, gusto sana niyang mapabuntong hininga sa relief pero alam niyang malayo pa sa relief ang pwede niyang maramdaman.

"Thank you for your hospitability Rooke I appreciate it a lot." Tapos hinila siya ng kapatid niya. "But I would like to warn you, hindi ko pinapalapitan ang kapatid ko sa kahit na kanino kahit bakla pa man iyan o kaya ay kaibigan." Binalingan siya ni Dale, nag-aalalang napasulyap naman siya kay Rooke. "Bumalik na tayo sa cabin Dane and you are not going anywhere without a chaperone."

"Hindi na ako twelve years old kuya."

"But you are still my sister." Insist nito. Nilingon niya si Rooke and whisper sorry to him. Tumango lang ito.

"Nakakahiya kaya iyon kuya." Bulong niya dito.

"Hindi ka dapat mahiya kung liligawan ka nila dapat iyong maayos." Napakunot ang noo nito. "Playboy ako dati Dane and I am fearing na baka ikaw ang tamaan ng karma ko. I can't afford to do that."

Napakagat lang siya ng labi dahil kung tunay man ang sinabi ng kapatid niya, dumapo na talaga ang karma sa kanya because she is already pregnant. She is pregnant before marriage and probably will not marry.

"AYAW mong kumain?" tanong ni Yvonne sa kanya na may pag-aalala sa mga mata nito. Dumating na kasi ito kasama si Reigan kanina.

"Hindi ako nagugutom." Actually nagugutom siya pero hindi siya pwedeng kumain dahil masusuka na naman siya. "Nabusog ako sa kinain ko kanina." Napasulyap si Rooke sa kanya na nakaupo sa mesa na kaharap niya. Hindi sila nag-uusap actually hindi na sila nagtangka pang mag-usap pa sila dahil pakiramdam niya nakabantay ang kapatid niya sa bawat galaw nila. Kaya nga noong makauwi sila ay agad siyang nagpunta sa silid niya upang magbihis at magpahinga. Si Rooke naman ay nagpunta sa opisina nito.

Nang bumaba naman sila for this barbeque dinner ay hindi na sila nagkibuan pa na para silang sira.

"Sayang ang sarap pa naman nitong barbeque."

Marked Series 7: Fall for Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon