Story #02- Manika

54.8K 1.3K 293
                                    

Story #02- Manika

(Ang kwentong ito ay para kay NIKKI ARMASA...)

Ako si Nikki. Twenty-three years old. Dala na rin siguro ng aking kapilyahan ay mahilig akong magbiro sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking mga kaibigan. Gustung-gusto ko talaga na gumawa ng prank sa kanila! Pero para sa akin ay lambing ko lamang naman iyon.

Minsan nga ay nagbibihis ako bilang white lady tapos tinatakot ko ang mga kapatid ko. Last month naman ay nilagyan ko ng bubble gum ang upuan ng bestfriend ko nang kumain kami sa isang coffee shop. Grabe, ang epic lang ng reaksiyon niya. Natatawa siya na naiiyak!

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaibang saya at satisfaction kapag nakikita ko na matagumpay ang aking mga pranks. Alam niyo 'yon. Basta, 'yon na 'yon!

Isang araw, papatulog na ako ng gabing iyon nang bigla akong tawagan ni Chelsea, kaibigan ko siya at kaklase na rin. Nagtaka ako dahil alas-diyes na ng gabi. Bakit tumatawag pa ang bruhang ito?

"Hello, Chelsea? Istorbo ka sa tulog ko!" Kunwari ay naiinis kong bungad sa kanya.

"Asus! Ang aga pa kaya. For sure, nag-fe-Facebook ka lang diyan!" natatawa naman niyang sagot.

"Ewan ko sa'yo!" sabay tawa ko na rin. "Bakit ka nga pala tumawag? Bayad na ako sa utang ko sa iyo, ha!"

"Luka-luka ka talaga, Nikki! Ano kasi... gusto mo bang mag-sleep over dito sa amin? Wala kasi sina mommy at daddy. Umuwi sa probinsiya kanina lang."

"Ha? Pwede naman sana kaya lang gabing-gabi na. Saka tayong dalawa lang?"

"Gaga! Natatakot ka bang magahasa sa daan? Eh, nasa kailang block lang naman itong bahay namin. Saka tinawagan ko na rin si Danica, pumayag na siya at anytime ay papunta na siya dito. Gora ka na rin, girl! Masaya ito. Manonood tayo ng x-rated films!"

Natawa ulit ako sa sinabi ni Chelsea. "Hoy! Hindi ako nanonood ng ganoon, ha! Sige na, sige na! Pupunta na ako diyan. Magpapaalam lang ako kina Mama..."

"Okey. Bye, Nikki!"

"Bye!" sabay pindot ko ng end button.

After no'n ay nagpunta na agad ako sa kwarto nina Mama. Gising pa siya at nanonood ng TV. Nagpaalam ako sa kanya na kina Chelsea ako matutulog. Pinayagan naman niya ako dahil sa malapit lang naman. Kinuha ko ang aking bag at backpack at doon ko nilagay ang aking pantulog. Nag-ayos na ako at lumabas na ng bahay.

Hindi naman nakakatakot maglakad kahit mag-isa. Marami pang tao sa labas. Papaliko na ako sa block kung saan naroon ang bahay nina Chelsea nang may mapansin akong isang bagay sa basurahan. Isang manika! Nilapitan ko iyon at medyo napangiti ako nang mapansin ko na kamukha niya si Annabelle. Medyo creepy siya, ha... Buhay na buhay kasi iyong mga mata niya. Parang sa totoong tao talaga. Iyong pagkakangiti pa niya, parang sa demonyo.Teka nga... I have a great prank idea! Matatakutin pa naman si Danica. Pwede ko itong ipanakot sa kanya mamaya. Agad kong ang manika at nilagay sa aking bag. Hindi naman siya malaki kaya kasyang-kasya siya doon.

Ilang sandali pa nga ay nasa bahay na ako nina Chelsea. Naroon na rin si Danica at nanonood sila ng isang korean movie. May isang bowl ng french fries sa harapan nila. Tss! Ang hilig talaga ng dalawang ito sa cheesy movies which is ayaw ko. Mas gusto ko kasi iyong comedy at horror. Minsan kasi ay doon ako nakakakuha ng ideas ko para sa aking pranks.

"Oh, halika, Nikki! Nood tayo ng Windstruck," yaya sa akin ni Danica.

"Windstruck na naman? Ilang beses niyo na iyang pinanood, ah," sabi ko sabay upo sa tabi ni Danica. Inilabas ko sa bag ko ang latest book ng 'He's Into Her'. Mabuti na lang at dala ko ito. Kahit paano ay hindi ako mabo-bore.

Natapos ang movie na pinapanood nila. Nakakatawa sila kasi teary-eyed na naman sila. Gusto pang manood ng isa pang movie ni Chelsea pero si Danica ay ayaw na dahil antok na daw siya. Nauna na siyang pumunta sa kwarto para matulog. Bingo! Umaayon talaga sa akin ang pagkakataon para maisagawa ko ang prank na naiisip ko kay Danica. He-he...

Nasa kalahatian na ang movie na pinapanood ni Chelsea nang magpaalam ako sa kanya na iinom sa kusina nila. Pero ang totoo ay hindi lang ako iinom. Kumuha ako ng isang kitchen knife. Inilagay ko iyon sa aking bag. After niyon ay nagpunta naman ako sa kwarto na tinutulugan ni Danica. Buhay ang ilaw at tulog na tulog na siya. Tss... Masyado talaga siyang matatakutin.

Sinimulan ko nang i-set up ang prank ko sa kanya. Inilabas ko na ang manikang nakuha ko sa daan at pati na rin ang kutsilyo. Tinanggal ko ang tali ko sa aking buhok at ginamit ko iyon na pantali ng kutsilyo sa kamay ng manika. Kunwari ay hawak-hawak ng manika iyong kutsilyo. Inilagay ko ang manika sa paanan ng natutulog na si Danica. Sigurado akong maiihi siya sa takot kapag nakita niya iyon.

Humahagikhik na lumabas na ako ng kwarto at tumabi kay Chelsea na nanonood pa rin ng movie.

"Bakit tumatawa ka diyan, Nikki? Akala ko natutulog ka na. Ang tagal mo sa kwarto, ha," puna sa akin ni Chelsea.

"Wala. Nawala ang antok ko, eh." Grabe. Hindi pa rin maalis ang ngisi sa aking mukha.

Maya-maya ay bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsigaw ni Danica mula sa kwarto. Napatayo sa kinauupuan niya si Chelsea.

"Si Danica!" aniya.

"Naku, wala iyon. Natakot lang siguro iyon sa prank na-" Hindi ko na naipagpatuloy ang aking sasabihin nang makita kong humahangos na lumabas si Danica sa kwarto.

Hawak-hawak niya ang kanyang pisngi na puno ng dugo! Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Agad namin siyang dinaluhan ni Chelsea.

"Tulungan niyo ako! 'Yong manika! Papatayin niya ako!" umiiyak na sumbong ni Danica.

"Anong manika?" nalilitong tanong ni Chelsea. "Walang manika sa kwarto ko!"

"May hawak siyang kutsilyo! Nagising ako dahil bigla niyang hiniwa ng kutsilyo ang mukha ko! Umalis na tayo dito!"

Sa sinabing iyon ni Danica ay nagmamadali akong pumunta sa kwarto. Puno ng dugo ang kama. At naroon sa ibabaw niyon ang kutsilyo. Pero iyong manika... hindi ko na siya nakita. Kahit na hinalughog ko na ang kwarto, wala talaga. Hindi kaya nabuhay iyong manika? O sadyang may buhay talaga iyon? Basta, nakita kong nakabukas ang bintana sa kwartong iyon...

GOOD NIGHT... SWEET DREAMS!

Soju's Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon