Story #05- TV

38.8K 878 131
                                    

Story #05- TV

(Ang kwentong ito ay para kay STEVE CONTEH...)

MARAMI sa atin ang mahilig sa second hand o segunda manong bagay. Damit man iyan o gamit sa bahay. Pero, sa pagbili ba natin ng mga bagay na may nauna nang magmay-ari... nakakasigurado ba tayong wala itong dalang kababalaghan?

-----***-----

BUNSO sa limang magkakapatid si Steve Conteh, labingdalawang taon na gulang. Isang tipikal na teenager. Siya lamang ang nag-iisang lalaki sa mga magkakapatid kaya naman pakiramdam niya ay isa siyang outcast sa kanila. Iba ang hilig ng kanyang mga kapatid na babae sa kanya. Madalas siyang pagkaisahan. Hindi naman niya magawang sumagot sa mga ito dahil sa mapapagalitan siya ng kanyang mga magulang. Minsan na kasi siyang sumagot sa panganay nilang kapatid at siya pa ang napagalitan kahit na mali ang kanilang panganay.

Ang madalas nilang pag-awayan na magkakapatid ang ang panonood ng telebisyon. Hilig kasi niya ang panonood ng basketball sa gabi. Ngunit kasabay ng basketball ay ang pag-ere ng pinapanood na soap opera ng kanyang mga kapatid na babae.

Tulad ng gabing iyon, gustung-gustong manood ni Steven ng TV dahil halos isang linggo nasiyang hindi nakakapanood ng basketball. Inagaw niya ang remote control sa panganay nilang kapatid at inilipat niya ang palabas sa TV sa paborito niyang programa. Agadna nagsumbong ang kanyang ate sa kanilang ina.

"Ano ka ba naman, Steve? Napakawala mong ugali! Nakita mo na ngang nanonood ang iyong mga kapatid!" saway ng kanyang ina.

Walang nagawa si Steve kundi ang magpaubaya.

Kinabukasan, sa kanyang pag-uwi mula sa school ay isang matandang lalaki ang nakita niyang nagtitinda ng lumang TV.

"Second hand na TV! Bili na kayo! Mura lang!" Nakakaanyaya ang sigaw ng matandang lalaki kaya nilapitan ito ni Steve.

"Manong, magkano po iyang TV niyo?" tanong niya.

"Limang daan lang, totoy! Bibilhin mo ba?"

Nag-isip si Steve. Meron naman siyang perang nakatabi. Higit pa iyon sa limang daang piso. Binili niya ang TV. Lahat ng nasa kanilang bahay ay nagulat nang may iuwi siyang maliit na TV. Inilagay niya iyon sa kanyang kwarto.

Agad niyang ineksamin ang TV kung may sira ba ito. At may napansin siyang kulay pulang mantsa sa gilid nito. Parang matagal na ito doon. Kumuha siya ng basahan at kinuskos ang mantsa ngunit hindi iyon natanggal. Inisip na lang ni Steve na isa iyong pintura.

Pagsapit nga gabi, pagkatapos kumain ng hapunan ay excited na nagpunta si Steve sa kanyang kwarto upang manood ng TV. Agad niya iyong inilagay sa paborito niyang programa-ang basketball. Masayang-masaya siya dahil sa unang pagkakataon ay nakapanood siya ng walang mga kapatid na nangingialam sa kanya.

Matapos manood ay pinatay na niya ang TV at humiga. Kailangan na niyang matulog dahil may pasok pa siya kinabukasan...

-----***-----

NAALIMPUNGATAN ng gising si Steve naman maramdaman niya ang biglang paglamig sa kanyang silid. Kahit inaantok pa ay bumangon siya upang patayin ang electric fan na nakatutok sa kanya. Hindi na niya inisip kung bakit biglang lumamig. Matapos iyon ay humiga siyang muli at pumikit upang matulog. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakatulog nang bigla siyang kinilabutan nang may maramdaman siyang tila mainit na hininga sa kanyang tenga!

Napabalikwas siya ng bangon at nahihintakutan na nagpalinga-linga. Wala namang tao sa kanyang silid maliban sa kanya.

Napagawi ang tingin niya sa TV. Napapitlag si Steve nang bigla iyong mabuhay pero dahil madaling araw na ay wala na doong palabas kundi ang kulay asul na screen lamang.

'Naupuan ko ba iyong remote?' tanong niya sa sarili ngunit nakita niya ang remote sa kanyang paanan. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ayaw niyang takutin ang kanyang sarili. Kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. Hinugot na rin niya ang saksak nito. Naisip niya na second hand nga lang pala ito kaya maaaring may sira iyon kaya nabubuhay mag-isa.

Humiga siyang muli. Tiningnan niyang muli ang TV. Napabangon siya nang mapansin niya na may tila kulay puting usok ang namumuo sa screen ng TV. May konting takot na bumangon sa kanyang dibdib nang oras na iyon. Gumalaw-galaw ang kulay puting imahe sa telebisyon hanggang sa maging mukha iyon ng lalaki! Isang galit na galit na lalaki!

Sa sobrang takot niya ay nadampot niya ang remote at ibinato iyon sa TV. Tatakbo sanan siya palabas ng kanyang silid nang makakita siya nang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa pintuan! Kulay pula ang mata nito at ang labis na ikinatakot niya ay nang makita niyang kamukha ito ng mukha na nakita niya kanina sa TV. Malakas siyang napasigaw. Maya maya lang ay biglang pumasok ang kanyang nanay sa kanyang silid.

Pinagalitan siya nito dahil sa kanyang pagsigaw. SInabi ni Steve ang kanyang naranasan ngunit pinagbintangan pa siya ng ina na nagdo-droga. "Pero, 'nay! Maniwala naman kayo! May multo 'yong TV! Hindi ako nagda-drugs! Twelve pa lang ako!" giit niya.

"May multo na kung may multo! Basta matulog ka na, Steve! Nakakabulahaw ka!"

"D-doon na lang po ako tutulog sa kwarto niyo!" aniya.

-----***-----

KINABUKASAN, pagkauwi sa school ay agad na dinala ni Steve ang TV sa isang junk shop. 'Di bale nang hindi siya makapanood ng basketball basta 'wag lang niyang maranasang muli ang nangyari ng gabing iyon. Ayaw na rin niyang alamin pa kung ano ang nakaraan ng TV na iyon. Pero nalulungkot pa rin siya dahil nalagasan siya ng limang daang piso.

GOOD NIGHT!

Soju's Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon