Story #03- Hotel Room
(Ang kwentong ito ay para kay NISSA DENICE BONGAT...)
ISANG nakakatakot at hindi malilimutang karanasan ang aking naranasan sa isang maliit na hotel somewhere in Manila. Hindi ko na papangalanan ang naturang hotel para na rin sa kanilang proteksiyon...
"Ano ba, Kean?!" galit na turan ko sabay tulak sa boyfriend kong si Kean. Nagulat na lang kasi ako nang bigla niyang ihinto ang kotse sa tabi ng isang madilim na kalye. Tapos bigla niya akong sinibasib ng halik. Kagagaling lang namin niyon sa isang bar kaya kapwa medyo lasing na kaming dalawa.
Binigyan ako ni Kean ng hindi makapaniwalang tingin. "'Wag mong sabihin na ayaw mo pa ring makipag-s3x sa akin? One year na tayong mag-syota, Nissa! Tigang na tigan na ako!" Hinampas pa nito ng kamay ang manibela.
"So, iyon lang pala ang gusto mo?" at nang-uuyam na ngumiti ako. "Kung iyon lang naman ang habol mo sa akin, pwes, I am breaking uo with you!"
"What?!"
"You heard me right, Kean! Break na tayo! Ihatid mo na ako sa bahay para makapagpahinga na ako!"
Ngumisi siya. "Nakipag-break ka sa akin tapos you are expecting na ihahatid pa kita sa inyo?"
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Get out of my car... Out!"
Nagulat ako sa sinabi ni Kean. "Hindi mo man lang ba ako ihaha-"
"Out!" nagulat ako sa sinabi niyang iyon.
"Oo na! Bababa na! Jerk!" sabay hampas ko ng shoulder bag na dala ko sa mukha niya. Binuksan ko ang pinto at padabog na bumaba. Malakas ko ring isinara iyon at saka humarurot na paalis ang kotse ni Kean.
Nagpapadyak ako sa inis. Napaka-ungentleman talaga ng bruhong iyon!
Dapat pala nagpahatid muna ako sa bahay bago ako nakipag-break sa kanya. Hay naku! Iginala ko ang aking mata sa paligid. Tanging mga street lights lang ang tanglaw sa daan. Sarado na ang lahat ng establishments at wala akong idea kung saang parte na ako ng Manila naroon. Medyo liblib na yata ang kalyeng ito kaya wala nang nagdaraan na jeep o kahit anong sasakyan. Isa pa, gabing-gabi na rin kasi.
Siguro naman may malapit na hotel dito. Kahit iyong mumurahin lang. Bukas na alang ako uuwi. Chineck ko muna ang wallet ko. Meron pa akong seven hundred pesos at ilang barya. Sana naman ay magkasya ito...
Naglakad-lakad ako at hindi nga nagtagal ay isang maliit na hotel ang nakita ko. Pumasok ako at isang matandang lalaki ang nakausap ko sa reception area nila. Mukhang luma na ang hotel nila. Okey na ito, kesa wala. Three hundred pesos lang ang binayaran ko para sa six-hours kong pag-stay. Buti na lang mura. Ibinigay na sa akin ng matandang lalaki ang susi na may keychain na may nakalagay na: Room #06.
Hinanap ko ang Room #06. Nakita ko naman agad. Isinuot ko na ang susi sa keyhole. Pagkapasok ko ay ni-lock ko rin agad ang pinto at binuksan ang ilaw. Isang kama na may bed sheet na puti, dalawang unan, isang kumot at may electric fan na nakapatong sa upuan na yari sa kahoy. Hindi na masama para sa three hundred pesos.
Pinatay ko na ulit ang ilaw at humiga na ako sa kama. Naisip ko na naman si Kean. Naku!!! Nakakabwisit talaga ang lalaking iyon! Dapat pala sinuntok ko pa siya sa mukha kanina. 'Di bale, 'pag nagkita ulit kami, gagawin ko iyon. Bwisit siya!
Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang text message ang natanggap ko mula kay Kean.
BABE, NASAN KA? SORRY NA... BATI NA TAYO, PLS.
Utot mo, Kean! Hindi ko na siya nireplyan. Pumikit na ako para matulog. Ngunit hindi pa man ako nakakatulog nang makarinig ako ng isang tunog. Tunog ng isang susi na ipinapasok sa isang keyhole. Imposible naman na may nagbubukas ng pintuan ng hotel room ko dahil ang sabi no'ng matanda sa akin kanina ay 'wag ko daw iwawala ang susi dahil wala silang duplicate. Ah... Baka naman sa kabilang room iyong naririnig ko o baka guni-guni ko lang. Pumikit ulit ako at nawala na iyong tunog. Pero ang pumalit naman ay tunog ng door knob na pilit na binubuksan. Nagmulat ulit ako at ganoon na lamang ang kaba ko nang makita kong gumagalaw ang doorknob ng pinto!
Sa sobrang takot ko ay nagtalukbong ako ng kumot. Sumilip ako mula sa kumot upang makita ko ang nangyayari sa aking paligid. Tumigil ang pag-ikot ng door knob at marahang bumukas ang pinto ng aking hotel room.
Isang bulto ng babaeng may mahabang buhok ang nakita ko na nakatayo sa bungad ng pintuan. Nakikita ko siya dahil sa ilaw sa may hallway. Sino ba siya? Nagtayuan na ang balahibo sa buong katawan ko. Halos maihi na rin ako sa sobrang takot ng mga oras na iyon.
Sinilip ko kung ano ang sunod na gagawin ng babaeng iyon. Ngunit nanatili lang siyang nakatayo doon. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin. Maya-maya ay bigla siyang naglakad at umupo sa gilid ng aking kama. At talagang doon pa siya umupo sa may tabi ko. Ngunit hindi ko naramdaman na gumalaw ang kamang aking kinahihigaan nang umupo siya. Nanginginig na ang buong katawan ko. Hindi maalis-alis ang tingin ko sa kanya upang malaman ko kung ano ang susunod niyang gagawin.
Sa pag-upo niyang iyon ay doon ko nakita ang kanyang hitsura dahil mas malapit na siya sa akin. Maputla ang kanyang mukha at nanlalaki ang kanyang mga mata. Kulay itim ang suot niyang damit at may kulay itim din na belo sa kanyang ulo.
"Alam kong gising ka..." Bigla akong napasigaw nang magsalita ang nakakatakot na babae. Parang nakakulong sa isang kabaong ang kanyan boses. Ume-echo iyon sa buong hotel room at nanunuot sa aking tenga.
Agad kong kinuha ang aking bag at nagtatakbo palabas ng hotel na iyon. Takot na takot ako at pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. Kinuha ko ang aking cellphone at dinayal ang number ni Kean. Magpapasundo na lang ako sa kanya at makikipagbalikan. Makikipag-break na lang ulit ako sa kanya pagkahatid niya sa akin!
GOOD NIGHT!
BINABASA MO ANG
Soju's Bedtime Stories
Horror(NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB) Mga maiikling kwentong dapat mong basahin bago ka matulog...