T

58 3 0
                                    

POV~~CHRISTIAN


"Anong sabi pre?" nandito kami sa bar KO . Nakapalumbaba pa ako ngayon.

"Ayun ! Pinayagan.." walang kagana-ganang sabi ko sa kanila. Medyo maingay lang sa labas, kahit na naka VIP kami. Buo ang tropa. Kaya nagkakaingayan.

"Pare bakit malungkot ka? Eh, pinayagan ka naman pala" sabi ni Ethan saakin. Yun na nga eh. Pinayagan na ako. Pero ..

"Pre... Wag mong sabihin?...." nacurious ako sa gustong tanungin ni Ethan saakin. Yung iba ay nagpaalam at makikisayaw at manggugulo sa mga nagsasayahan doon.

Nang halos makalabas na ang gustong lumabas. Ay tatlo nalang kaming natitira. Ako, Si Ethan at ang laging tulog na si Shaux. Always naman eh. Hindi naman lagi, since nung nakipagbreak sa kanya si suzy at pumunta na ng ibang bansa.Arggh ! Bakit ko pa iku-kwento yun? Sayang lang sa oras kung sasayangin ko lang ang aking mga laway kaka-kwentu diyan sa love story niya. Ito na nga. Kinakabahan ako sa mga tumatakbo sa utak ni Ethan. Minsan kasi nakakakaba kapag siya na  'yung nagtatanong eh.

"Ethan, kasi... Hindi ko sinabi na ako si YOU KNOW "  ang mga chinitong mata ni Ethan ay lumaki. Alam ko naman kung ano ang magiging reaction niya matapos ko 'tong sabihin.

"Pre, ilang buwan o taon natin yun pinaghandaan diba?" pasigaw na sabi saakin ni Ethan, buti at medyo maingay sa labas para hindi lalo mabingi ang tenga ko. 

"Oo alam ko, pero sasabihin ko ba sa kanya agad na Uy ! Azaella ako yung lalaking nang GAGO sayo nung mga 11 years old palang tayo. Pwede ba makipagbalikan ulit?  Gusto mo sabihin ko sa kanya yan? Atsaka inuunahan ako ng kaba."  Biglang tinapik ni Ethan ang aking balikat para siguro pakalmahin ako.  Bat kasi ang GAGO KO noon?

"Chris, hindi ko naman sinabi na yun kagad ang ilabas ng bibig mo. Ang akin lang dapat kinausap mo muna siya ng maayos atsaka sabihin mo na ikaw yung nang GAGO sa kanya noon" Kung ganoon lang sana kadali edi sana sinabi ko na kagad kanina. Nakakainis

"Ano bang pagpapanggap at kasinungalingan ang sinabi mo Chris?" 

"Sinabi ko na magpinsan kami" Ito na naman nagulat na naman siya sa mga sinabi ko.

"Kung tatanungin mo kung bakit yun? Narealize ko kasi na kung sasabihin ko sa kanya yun edi mababaliwala lang ang lahat... At nagpanggap ako na magpinsan kami. 3years ko na siya minamanman at sa loob ng 3 years na 'yun ay alam ko na walang siya kamag-anak na kilala. 'Yun din ang natatandaan ko nung mga bata pa kami na gusto niya makasama ang mga kamag-anak niya. Kaya, gumawa ako ng fake bio at fake account dahil alam ko na ipapa-search na 'yun"  Ayaw ko na mag-explain ng mag-explain kaya diretso sabi na agad.

"Okaaaay.. Paano mo siya napapayag na sumama ka sa building nila?" Napangiti ako. 

"Simpe, sinabi ko na gusto ko maging malakas at gusto ko maghiganti sa ex ko " 

"Naku Chris ! Good luck nalang diyan sa plano mo. Kapag nagkaaberya wag mo akong sisisihin ah" tumango ako sa kanya at dumating na din ang iba ay nag-inuman na kami. Hanggang sa lahat ay lasing na.

Ako si Christian Brent Tripp-Suarez at ito ang aking tunay na pangalan. Ang gago na nangloko at nang-iwan sa minamahal kong babae.

.

.

.

.

AZAELLA VIVIAN ANNE SAMONTE-MAXILLA - Babawiin kita at sisiguruhin ko na maiinlove ka ulit saakin.

----

"Hindi ba talaga kami pwedeng sumama ni Kirk?" Pang nTh time na tanong saakin ni Ethan, ngayon ay papunta na kami sa baywalk. Este ako pala.Ttakasan ko kasi dapat sila. Eh, itong si Kirk natunugan ako

"Hindi nga pwede.. At baka mamaya bangkay na ako. Sabi kasi niya bawal ako magpasama. Kaya, Chupiiii !" sumakay na ako sa kotse at nakita ko si Ethan na nakasimangot.  Habang pinaharurot ko ang sasakyan papuntang baywalk, bigla naman nagtraffic. 

I like the summer rain

I like the sounds you make
We put the world away
We get so disconnected
You are my getaway
You are my favorite place
We put the world away
Yeah we're so disconnected♫

Biglang tumunog yung kanta ng 5second of summer na.. EWAN ko, yung kapatid ko lang na si Cindy ang mahilig diyan eh. Kaya siguro nag-iba yung ringtone niyan. Kaya habang traffic ay tiningnan ko kung kaninong number. 

"UNREGISTERED NUMBER....." 

Agad ko 'tong sinagot at isang babae ang sumisigaw ang bumungad dito.

"Where are you !? " halatang galit 'to. Alam ko na si Azaella 'to. 

"Ano, kasi..." kunwari na-strum ako kaya hindi ko siya masagot

" 'WAG MONG SABIHIN NA TRAFFIC? MYGOD ! Diba sinabi ko kagabi na BREAK THE RULES? YOU only have 15 minutes. Pag hindi ka pa pumunta alam mo na kung saan ka pupulutin at kalimutan mo na magPINSAN tayo. STUPID !" Hindi niya pa ako pinapasalita. Inend niya na agad 'to. Napapangiti nalang ako kahit ganun atleast kahit nagkukunwari ako ay may concern siya kuno sa pinsan-pinsanan niya. Buti nalang at naggreen na at naghanap ng shortcut.

Nang makadating ako may lumapit kagad saakin at sinakay ako sa isang kotse.

"Saan niyo ako dadalhin? Bakit bawal ko makita?" Hindi sila umimik. Tatlong lalaki sila dalawa sa magkabila ko at isang driver.

Hanggang sa may tinakip sila sa ilong ko at unti-unti ako nahimatay

----

12/17/14

Okay hanggang dito muna :) Wait sa announcement ko guys :*

The Bad Girl MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon