"Pati pa ba doon hindi ako tinatantanan?" Paulit-ulit na tinatanong ni Azaella sa kanyang isipan ng maisipan niyang pumunta sa Starbucks para naman makapagrelax siya. Hindi yung puro stress nalang ang nasa isip niya.
"Are you alone?" napatingin si Aza sa nagsalita sa harapan niya. Agad naman niya ito tiningnan mulo ulo hanggang paa. "Hmm.. Pwede na din ang itsura, mukhang hindi jeje" Sa isip naman ni Azaella. Hindi mo naman makikita sa pananamit nito na suot ang mga damit ng jejemon. Halatang pang mayaman ang damit na suot suot niya.
"Who are you ?" pagtataray ni Azaella sa lalaking nasa harapan niya.
"Ouch ! Hindi mo na ba ako kilala?" pagtatanong nang lalaki kay Azaella.
"Kung kilala kita edi sana hindi na ako magtatanong. At sino ka ba para tandaan ko ang pangalan mo? Kung EX kita sorry boy pero hindi ako nagseseryoso" Agad na inayos ni Azaella ang gamit niya at nilagay sa kanyang shoulder. At handa na sanang tumayo ng magsalita ulit ang lalaking nasa harap niya. At hinarangan niya si Azaella kung saan corner ito kaya hindi nakaalis si Azaella.
"I told you, hindi ako nagseseryoso sa mga lalaki. Kaya kung nandito ka para hilingin na makipagbalikan ako sayo pwes mag MOVE ON ka na at pwede umalis ka sa harapan ko? Kasi ayaw ko makipagbolohan at makipagchit-chat sa mga nonsense na tao"
Pero sa sobrang daming sinabi ni Azaella ay parang ayaw parin siya pakawalan ng lalaking nasa gilid na niya. Naasar na siya ng sobra-sobra. Kaya ayaw niya talaga sa mga lalaki dahil lolokohin ka lang naman. Ihahanda na sana niya ang kanyang mga kamao upang makabwelo ng suntok.
"Hep ! Alam ko kung ano ang gagawin mo my little couz !" Hindi maprocess ni Azaella ang mga katagang pinahiwatig ng lalaki sa kanya. Pinsan? Kailan pa ako nagkaroon ng pinsan?
"Yeah ! Im your cousin. Your sexy and hot cousin. At hindi naman require saakin ang magmove on sa katulad mo." Agad-agad na nagproseso sa utak ni Aza ang sinasabi ng lalaki, It cant be !. hindi siya makapaniwala na sinabihan niya ang pinsan niya ng ganun. Pero siya si Azaella ayaw niya na makita siyang talunan. Kaya umaarangkada na naman si PRIDE.
"So? Baka nga nagkukunwari ka lang na pinsan ko. Kasi you look like na hindi mapagkakatiwalaan." Agad na tinabig ni Azaella ang tagiliran ng lalaki na sinasabi na pinsan kuno daw niya. At nagpatuloy siya sa paglakad hanggang nasa tapat na siya ng pinto. At hahamakin na sana niya hawakan at buksan ito ng biglang may sumigaw ng buong pangalan niya na nagpa-init ng kanyang ulo.
"AZAELLA VIVIAN ANNE SAMONTE-MAXILLA" Ngayon niya lang ulit narinig ang kanyang buong pangalan niya. No one knows it. Kahit sa internet walang makakaalam nito. Kahit ang iba niyang kaibigan ang alam lang ay Azaella. Ang tanong may kaibigan nga ba siya? Yan ang paulit-ulit na sumasagi sa isipan niya.

BINABASA MO ANG
The Bad Girl Memories
RomancePaano kung ang isang pangyayari gusto mo ng makalimutan ay biglang bumalik ? Paano kung dahil dito ay nagbago ang ugali mo? Paano kung dahil dito nalayo sayo ang mga tao? Paano kung maalala mo ito, maibabalik pa rin ba ang ugaling meron ka noon kays...