-2-

97 5 2
                                        

 Chapter II - Hey Kabit !

 "Argg" unti-unting minulat ni Madeline ang kanyang mga mata habang dinadaing ang hangover na natamo. Agad-agad naman lumapit sa kanya si Aza. At inabot ang isang cup of coffee

 "A-anong gagawin ko dito?" pilit na magsalita ni Madeline sa tapat ni Aza na ngayon ay tinuturo ang tasang may lamang kape.

"Baka titigan mo. Tsk. Inumin mo" sarcastic na sabi ni Aza at agad naman kinuha ni Madeline ang kape dahil halata sa mukha ni Aza na naiinis dahil sa tinanong niya. Napapa-isip si Madeline na nagkakaroon ng concern ang kayang amo na leader ng  Black Trinity. Ine-examine niya ang mukha ng kanyang amo na si Aza kahit masakit ang ulo dulot ng hang over. At agad 'tong napansin ni Madeline.

"Dont stare at me like that Madeline. Kung inaakala mo ay concern ako sa'yo pwes don't expect too much" agad naman tumalikod si Aza at sinarado ang pinto pagkalabas na pagkalabas niya. Hindi na niya inantay na magsalita si Madeline dahil hindi siya nakikinig sa salitang Sorry

Napaisip naman si Madeline,bakit nga ba niya tinitingnan ang amo niya !? Agad naman niyang pinupukpok ang kanyang ulo. Dapat itatak niya sa kanyang isip na hindi nagiging mabait ang kanyang amo dahil halos makapatay na 'to ng mga tao na gusto sumali sa grupo nila. Agad-agad nalang niya ininom ang kanyang kape. Maya- maya ay pumasok si Tristan ang lalaking kinaiinisan niya ng lubusan.

"oh, anong ginagawa mo dito?" pagtataray niya kay Tristan ng biglang pumasok ito. Agad naman siya tiningnan ni Tristan ng nakakaloko. 

"Para makasalo ka" Napatindig balahibo si Madeline sa boses ni Tristan, sa isip isip niya ay sine-seduce siya ni Tristan dahil sa husky voice na 'to

"T-tristan.. S-stop" hindi niya alam kung bakit niya pinipigilan si Tristan. Gayung wala pa naman siyang ginagawang masama. Basta agad agad nalang lumabas 'to sa bibig niya.

"Ano yun babe? Gusto ko lang naman sabihin na makasalo ka eh." tumaas ang mga balahibo ni Madeline sa narinig, Tumayo siya at pumaatras habang si Tristan ay papalapit ng papalapit sa kanya. Hanggang sa ma-corner na si Madeline.

"H-huwag" pumikit nalang si Madeline at lalong kinakabahan.

"HAHAHA" isang malakas na tawa ang biglang inilabas ng boses ni Tristan. Agad-agad naman idinalat ni Madeline ang kanyang mata. Agad naman niyang sinampal at tinulak si Tristan.

"Hahaha.. Sasabihin ko lang naman na kakain na. Tanghali na kaya" napatingin siya sa orasan na nakasabit sa wall ng kanyang kwarto and its already 12:30 pm. "Shit" Sambit ni Madeline.  Wala pa pala siyang breakfast at ngayon muntikan na niya malagpasan ang lunch time.

"Tse ! Alis nga." Agad-agad siyang lumabas ng silid na yun at hindi na nilingon si Tristan na sumusunod na sa kanya papuntang basement para kumain.

Nang makarating siya sa basement ay nakita niya sila Brandon na kumakain na. At may gins sa tabi nila.

"Hi Madz ! " bati sa kanya ni Brandon. Tumango lang siya. At umupo sa lapag. Hindi kasi siya pwedeng sumalo sa table ng mga lalaki kasi nga P.A lang siya ni Aza. Meron naman na nakahain na pagkain sa kanya.

The Bad Girl MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon