(EDRIAN)Halos mag iisang linggo na ang nakalipas nung nag simula ang klase sa bagong school year at ang nangyaring aksidente sa pagitan namin ni Dhale. Hindi na niya ako nilalapitan at sa tuwing magkakalapit kami ay agad akong iniiwasan na para wala ako dito sa mundo.
Anong problema ng babaeng yun? Ni hindi parin magawang mag thank you sakin nakakainis At siya pa ang umiiwas sa akin!
Naka sandal lang ako ngayon sa headboard ng kama ko habang nagbabasa ng paborito kong libro at nakatulala lamang sa isang pahina.
"Hey! hey!?!!....EDRIAN!!!..how's school lil bro?"
"Ahh? Huh? What Ate?"
Nagulat ako sa biglang pagsasalita ng Ate Nikki ko na isang doktora at habang nakaupo sa harap ng salamin at nag lalagay ng kung ano anong pampaganda niya sa muka.
"Tzsss! Nasaan bayan isipan mo ha?" Nagtatakang tanong niya.
"Walaaaaa... ano sinasabi mo kanina?" Pagiiba ko sa usapan.
"I said how's school?" Pagtatanong ng Ate Nikki ko at pagharap sa akin.
"HAHAHA what's that *pfft!! muka kang clown!!! Look at your face!" Biglang pagtawa ko dahil nakakatawa ang itsura na nakatakip sa kanya ang isang puting facemask na ginagamit ng ate sa skin care niya.
"WHATTTTTTT?!! shut up! atleast my face looks younger than yours you're so PANGET!!!!" Inis na reaksyon ng Ate Nikki at binalik saakin ng asar.
"Whatever! I don't need those things I'm naturally handsome hahaha!" Sagot ko nang may pagtawang pang aasar din sa kanya.
"Tsszz! Sure? Sure! Sabi mo eh but seriously are you ok at school?" Seryosong pagtatanong ni Ate Nikki.
"Yes...I'm fine you worry too much Ate! And hindi na ako bata noh!" Sagot ko naman kay Ate Nikki.
"I know but still take care of yourself...ok?" Malambing na pagkakasabi ng Ate.
"Yes... Ate don't worry about me ok kaya ko na ang sarili ko" Nakangiting sagot ko naman at tumango naman siya.
Ang Ate Nikki ko ay sobrang maalahanin pag dating sa kalusugan kaya swerte ako na may maganda akong ate na isang doktora pa. Ang pamilya namin ay puro doktor at doktora ang iba naman naming mga kamag anak ay nurses. Abala ang Mommy at Daddy ko sa pangalaga sa aming Ospital kaya naman hindi na nakakapagtataka kung pagiging Doktor din ang kukunin kong kurso sa colehiyo at susunod sa yapak ng aking pamilya at susunod na mangangala sa aming Ospital.
"Matulog ka na! It's getting late Monday na bukas may pasok ka na ulit!" Pagtayo ni Ate Nikki sa kinaupuan niya dahil tapos na siya mag paganda at saka nag pa alala.
AHHHHHHHH! Shit! I really hate MONDAYS!!!
"Yes Ate Goodnight! I love you!".
"Ok goodnight lil bro! I love you too".
At tuluyan nang nakalabas ng kwarto ko ang Ate Nikki ko. Nasa kabila lang ang kwarto niya kapag may oras siya at dito siya tumatambay sa kwarto ko upang dalawin ako dahil halos isang beses nalang kami nagkikita sa isang linggo dahil sa busy sa gawain sa Ospital. Inipit ko ang bookmark sa librong hawak ko at sinara ito at ipinatong sa maliit na mesa sa tabi ng kama ko. Tinanggal ko nadin ang reading glasses ko at saka humiga at pinatay ko na ang lampshade.
*BZZZZZZZ *BZZZZZZ
Biglang pag vibrate ng cellphone ko sa tabi ko at may chat mula sa groupchat namin sa messenger.

BINABASA MO ANG
Kontrabida Princess [MayWard]
FanfictionSa isang storya o palabas hindi mawawala ang isang kontrabida sa mga buhay ng bida. Sa prestihiyosong paaralan ng mga mayayamang kabataan sa pilipinas Heartians Academy nagkatagpo ang bida at ang kontrabida Kilalanin si Dhale Marie Gonzales apo ng d...