(EDRIAN)Nakasunod si Sherrilyn kay Dhale sa pag labas at kaming naiwan sa loob ng room ay napatulala sa lakas ng pag sigaw ni Dhale. At agad naman akong inakbayan ng kaibigan kong si Donald at hinila papalabas ng room kasunod namin si Ricco
"Calm down pre!" Mahinahong pagkakasabi ni Donald sa akin.
"Ugh! Nakakainis kasi huli pero nag sisinungaling parin!" Inis naman pag sagot ko kay Donald.
"Hey bro! Mali din kasi ang ginawa mo wala tayong proweba na si Dhale nga ang nagpa send ng picture ni Chandria!" Dagdag naman ni Ricco.
"Anong proweba pa ang kailangan? Lahat naman kayang gawin nung si Dhale! porket apo ng dating presidente ay wala ng kinakatakutan iyon!" Sagot ko naman.
"It's wrong parin bro! na to accuse someone dahil lang sa background niya and why are you concerned about Chandria do you like her?" Pag sermon ni Donald at nagtanong na ikinagulat ko.
*Lunok... Do I like her???? Do I like her??? Do I REALLY?????????!!!!
"I don't know??? Maybe yes, maybe not?" Tanging sagot ko.
Sa totoo lang ay maski ako ang sarili ko ay hindi ko din alam kung ano bang nararamdaman ko kay Chandria. Since second year ay she always get my attention dahil lagi siyang pinagtatawanan at usap usapan sa school namin. Our first encounter ay nung nadulas siya at napayakap sa akin dahil pinagtripan ng isang matabang bully na estudyante si Chino hindi alam ni Chandria na binuhusan ang sahig ng baby oil ang tiles kung kaya't nadulas ito at sakto namang padaan ako sa harap niya sa pagkakataong yun ay tumama siya sa katawan ko at napayakap sa akin at simula noon ay palagi ko na siyang tinutulungan sa tuwing may mang tritrip kay Chandria.
"PFFTT! Anong walang kwentang sagot yan bro? Hahaha! You obviously like her!" Pagtawa naman ni Donald kasabay pa ng pagpalo sa likod ko.
"Grabe iba ang taste mo sa babae pre! Hahaha!" Dagdag namang pang aasar pa ni Ricco.
Bumaba kami ng hagdan at nag tuloy sa restaurant ng school namin yes sa normal na school ay ito ang tinatawag na canteen. Maayos, napakalaki ng loob nito atsobrang ganda para talagang isang tunay na restaurant. Sa pag pasok mo palang ay sasalubungin ka na ng tugtugin mula sa violin. Hindi mo na kailangan makipag unahan sa mga table dahil ang bawat isa ay may sari sariling table at upuan na other meaning parang reserved sit para sayo. Well sama sama kaming tatlo ng kaibigan ko at naupo na kami sa aming table No. 7.
"Good morning! young masters your foods will come shortly todays menu are special Korean dishes hope you'll enjoy it"
Agad na pagbati sa aming tatlo ng waiter nginitian lamang namin itong tatlo bago umalis hindi ko makita sa loob si Chandria ngunit nakita ng mata ko si Dhale sa kabilang sulok at malapit sa nag violin. Kumakain sila ni Sherrilyn sa table kahit na malayo ang pagitan nila dahil parehas nasa bawat dulo ng lamesa nakaupo ng magkaharap at nakakapanibago dahil sa unang pagkakataon ay may kasabay na si Dhale kumain. Kilala ng si Dhale ng lahat bilang apo ng dating presidente kung kaya't malayo at mahirap makipagkaibigan sa kanya dahil siya ay nasa mataas na estado. Nasanay akong nakikita siyang mag isa sa bilog at maluwag na lamesa kumakain. Hindi ko namamalayan na matagal na pala akong nakatingin kay Dhale habang pinapanuood siya kumain.
"YOOOOHH!!!! Why are you looking at my Dhale? HA?!" Agad akong napansin ni Dhale.
Your Dhale? Lakas din nang tama ng mokong nato sa evil queen nayon! TSSKK! Sorry bro! pero hindi ako support na maging girlfriend mo ang babaeng yan!
"Ohh! she's eating with someone it's a rare sight!" Pagsasalita din ni Ricco at habang binaling ang tingin kay Dhale.
Biglang lumapit ang violinista sa tabi ni Dhale at kinakausap ito habang inaabot ang violin na hawak niya.
BINABASA MO ANG
Kontrabida Princess [MayWard]
FanfictionSa isang storya o palabas hindi mawawala ang isang kontrabida sa mga buhay ng bida. Sa prestihiyosong paaralan ng mga mayayamang kabataan sa pilipinas Heartians Academy nagkatagpo ang bida at ang kontrabida Kilalanin si Dhale Marie Gonzales apo ng d...