(CHANDRIA)Hi guys! Ako si Chandria Magbanua lumaki ako sa mahirap na pamilya wala akong tatay at hindi rin sila legal na kasal ng aking nanay ang tanging kasama ko sa buhay ay ang aking ina si Nanay Dehliarie Magbanua ang nanay ko ay nagtitinda sa palengke ng basahan na tinatahi niya katulong ang aking kuya na si Vincintino sa paglalako at pagbebenta nito. Sinikap ko at nagaral ng mabuti nung nalaman kong may pa iskolar sa isang prestihiyosong eskwelahan dito sa maynila kung saan kilala ito at pag nakagraduate ka dito ay madali kang makakahanap ng trabaho. Wala na akong balak magkolehiyo hindi na kaya sa hirap ng buhay namin. Isa akong scholar simula second year ko hindi rin madaling makakuha ng iskolarship dahil 98% ang kailangang mong average. Mahirap talaga dahil ang lahat nang nagaaral duon ay puro anak mayaman at ako ay para lamang basura sa mga mata nila. Pero hindi ko nalang pinapansin iyon dahil ang importante sa akin ay libre ako sa tuition fee na ang halaga ay pwede ka nang bumili ng isang magandang bahay! at pati ang ibang mga bayarin kaya ang swerte ko. Ang prinoblema ko lamang ay ang uniform na ubod butas sa bulsa din ang halaga. Ang buong uniporme ay nagkakahalaga ng 30 thousand pesos! kasama na ang checkered dark blue above the knee na skirt, puting blouse na may burda at tatak ng pangalan ng eskwelahan namin saka ang ribbon na kulay asul pati itim na sapatos at pang P.E na iniporme binayaran ko yun mula sa ipon ko at nangutang para sa kulang.
Bilang pandagdag sa baon ko,pambayad ng utang at pangkain naming pamilya nagtratrabaho ako HINDI SA ISANG BAR ngunit sa isang kainan at taga deliver ako ng pagkain. At naging usap usapan ako ngayon sa iskwelahan dahil nakunan ako ng litrato na nasa loob ng bar na punong puno ng mga lalaking nagiiniman ang totoo ay nag dedeliever lamang ako noong oras na iyon. Ang sabi sabi ay ang nagpakalat daw noon ay si Dhale Marie Gonazales ang apo ng dating presidente kahit na hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni Dhale ay hindi ko din magawang sisihin siya dahil wala namang proweba at hindi magandang magbintang nalang base sa mga sabi sabi hindi ba?
Sa araw araw na pag pasok ko sa Heartians Academy ay puro kutsa,panlalait at pangmamaliit nila sa akin na ikinasanay ko na. Ngunit may nakilala ako iba sa kanilang lahat isang anghel ata ang lalaking iyon. Kilala siya sa buong school ng Heartians Academy si Edrian Juancho Flores gwapo,mabait,palakaibigan sa lahat hindi siya badboy at yung masungit kung kaya't wag na kayong magtaka kung bakit palagi siya pinagkakaguluhan at tinitiliaan ng mga babae. Dagdag mo pa ang sikat ding mga kaibigan niyang si Ricco at Donald. Si Edrian lang ang tanging may balak kumausap sakin kaya naman sa tuwing kinakausap niya ako ay nahihiya ako at nauutal utal pa.
Oras na ng uwian at palabas na ako ng gate ng aming school naglalakad lamang ako pauwi samantalang ang halos lahat dito ay nakasakay at sinusundo ng mga sari sarili nilang mamahaling sasakyan na dumadaan sa aking harapan. Mga 35 minutos din ang nilakad ko simula school hanggang dito sa inuupahan naming maliit na apartment.
"Nay! Nandito na po ako!" Sigaw ko pag pasok ng pinto ng aming bahay.
"Oh Cha! Wala pa dito ang nanay mag saing ka muna!" Sagot naman ng kuya ko habang nag tatali ng mga kumpol ng basahang ilalako niya.
Agad akong nagbihis para magsaing at magluto nadin ng ulam para sa hapunan. Mag alas siete medya na ng gabi ngunit wala pa ang Nanay kung kaya't pinuntahan na ito ni kuya sa palengke. Noong matapos akong magluto ay agad kong inahin ang aming kakainin sa mesa habang iniintay ang pagdaling nila kuya at nanay. Maya mayap at nagbukas din ang pinto at nakarinig ako ng pag ubo.
"UBO* *UBO"
"Nay! Sabi ko naman ho sa inyo wag na kayo magtrabaho kung hindi maganda ang pakiramdam niyo" Pag alalay naman ng kuya Vinci ko sa aming nanay at agad naman akong tumakbo upang tulungan si kuya.
"Nay! kumain ho muna kayo upang makapagpahinga na kayo pagkatapos....naghanda na ako ng pagkain" Pagkakasabi ko habang dahan dahan naming inuupo ni kuya ang Nanay sa harap ng mesa.

BINABASA MO ANG
Kontrabida Princess [MayWard]
FanfictionSa isang storya o palabas hindi mawawala ang isang kontrabida sa mga buhay ng bida. Sa prestihiyosong paaralan ng mga mayayamang kabataan sa pilipinas Heartians Academy nagkatagpo ang bida at ang kontrabida Kilalanin si Dhale Marie Gonzales apo ng d...