13

792 36 13
                                    


Hindi ako mahahatid ni Papa sa bahay nina Mama ngayong Sabado. Kailangan niyang magmadali sa opisina dahil may importante daw silang gagawin. Ang layo ng bahay nina Mama para mahatid pa niya ako doon.

Kaya heto ako, nasa taxi. Ang traffic, pero ayos lang. Kahit hindi ako hinatid ni Papa, every ten minutes tinatawagan niya ako. Naipit din pala siya sa traffic. Nakailang tawag na siya, pero hindi pa din ako dumadating sa subdivision nina Mama.

Hindi ko na pinapasok ang taxi sa loob ng subdivision. Ayoko madagdagan ang pamasahe ko. Kaya sinabi ko nalang sa guard ang pangalan ni Mama at pinayagan na akong makapasok sa gate nila.

Mga three minute-walk lang naman ang bahay nina Mama sa labasan ng subdivision. Hindi masyadong mainit at medyo mahangin ngayon, kaya ang saya ko dahil hindi ako mabibilad sa araw.

Nakikita ko na ang gate ng bahay nina Mama at patakbo na sana nang may tumawag ng pangalan ko.

"Ree!"

"Ree!"

Lumingon ako kung saan ito nanggaling at tumambad sa'kin si Kuya, na kahit nasa kabilang parte siya ng kalsada ay kitang-kita ko pa din na naliligo siya sa pawis.

Ang arte talaga ng balat.

Tumawid ako at kahit pawis siya, niyakap ko pa din siya.

"Ba't ka nandito? Pawis ka tuloy!" Pabiro kong sinabi habang pinupunasan ang noo niya gamit ang kamay ko.

"Naglalaro kami ng taguan. Ang boring kasi sa bahay, nasa trabaho kasi si Mama."

Mukhang busy din sa trabaho si Mama, wala 'yung trabaho kapag Sabado e, unless kung marami talagang dapat asikasuhin.

"Ha? Wala ka namang kalaro ha." Nilibot ko ang mga mata ko at kami lang talaga ang tao dito.

"Ano ba 'yan. Ako kasi ang taya kaya lahat sila nagtatago."

"Ang laki mo na, naglalaro ka pa din ng ganyan." Sagot ko.

"Aba! Ano akala mo sa'kin? Senior Citizen?!"

"Tsaka nas'an ba 'yung magaling mong tatay, ba't hindi ka niya hinatid dito? Nahiya ba pagmumukha n'on? O baka abala sa babae niya?" Tanong niya ng pataray.

Kumuha ako ng bimpo mula sa dala kong bag at binigay ito sa kanya.

"Kuya. Papa mo pa rin si Papa. 'Wag mo siyang pagsalitaan ng gan'yan, please? Tsaka wala na ngang babae si Papa. 'Wag kang mag-alala." Tugon ko.

Kahit anong pakiusap ko at kahit anong pagpapaumanhin ni Papa, galit pa din si Kuya sa kanya.

Hinawakan ni Kuya ang mga pisngi ko, "Sabihin mo lang kung may nangyari doon ha? Hindi ako magdadalawang isip na upak--"

"Hoy Doyoung! Hindi mo pa ba ako hahanapin? Ilang minuto na ako kinakagat ng mga kung ano-ano sa likod ng puno!"

Lumingon ako sa likod ko at nakita ang kung sino mang taong nagreklamo kay Kuya.

Parehas kaming nagulat sa aming dalawa.

"Ree?!"

"Jeongwoo?!"

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon