"Oh at saan ka pupunta?" Bungad ni Kuya nang lumabas ako sa kwarto."Bibili ng pagkain sa Seven Eleven. Hindi ka pwede sumama kasi hindi ka pa naliligo!" Pagtataray ko.
"E naaamoy ko 'yung luto ni Mama. Dito ka na lang kumain!" Kuda niya.
"Tapos na akong kumain ng breakfast! Unlike you tulog mantika Dobi." Simangot ko.
"E ba't ka aalis?"
"Bibili lang ng snacks!" Depensa ko, "Tsaka pumayag na si Mama basta kasama ko si-"
Natahimik akong bigla nang maalala ko 'yung sinabi ni Kuya kay Papa kagabi. Aasarin niya ba ako 'pag nalaman niyang si Jeongwoo ang kasama ko? E siya lang naman 'yung batchmate at schoolmate ko dito maliban kay Junghwan.
"Sino?" Pagtataka niya.
"Si Jeongwoo!"
"Tsaka hindi kami nagliligawan Kuya. Don't jump into conclusions!" Pinangunahan ko na siya sa sasabihin niya.
Natahimik si Kuya.
Napaisip siguro 'yon na narinig ko 'yung sinabi niya kay Papa.
BINABASA MO ANG
ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」
Povídky"Crush mo si Haruto diba?" "Paano mo nalaman-" ⋅⋯ ๑ 「박정우 ✿ ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 」 ๑ ⋯⋅ ✿・゚ treasure ✧ jeongwoo ✿・゚ epistolary ✧ narration ✿・゚ filipino ✧ slight english 〔s. 011720 ┆ e. 012220 〕