Friday sadness overload. Sinama namin ni Yura si Jeongwoo nang mag-recess na. Kinuwento niya ang lahat.Kinuwento niya na nasanay na siyang sumusunod sa mga utos ni Haruto simula elementary pa lang. Kahit ayaw man niyang gawin 'yon, nagagawa at nagagawa niya pa din.
Si Haruto lang naman ang nand'yan sa tabi niya palagi e.
Gumaan na nga ang loob niya nang magkaibang section na sila ni Haru ngayon, ayon nga, nag-lessen 'yung closeness nila.
"Pero mabuti na lang at nandito kayo, at 'yung mga kapitbahay ko na din sa'min." Ngiti niya.
"Si Kuya Doyoung mo 'yung nagbibigay ng mga ulam sa'min paminsan-minsan. Niyayaya muna siya ni Mama na pumasok sa bahay, ayon, naging kaibigan ko siya."
"Si Won naman, kilala ko na 'yon simula preschool, pero ngayon lang talaga namin nakilala ang isa't isa dahil ayon na nga, magkapitbahay kami."
"Tapos kayo," ngumiti siya.
"Hindi man tayo close masyado, atleast napasaya niyo ako diba."
"Ang soft mo pala Pangulo." Komento ni Yura.
"Dapat sinabi mo na 'to sa'min dati e." Sambit ko.
"Okay lang, atleast nasabi ko na ngayon diba?" Ngiti niya sa'ming dalawa.
BINABASA MO ANG
ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」
Short Story"Crush mo si Haruto diba?" "Paano mo nalaman-" ⋅⋯ ๑ 「박정우 ✿ ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 」 ๑ ⋯⋅ ✿・゚ treasure ✧ jeongwoo ✿・゚ epistolary ✧ narration ✿・゚ filipino ✧ slight english 〔s. 011720 ┆ e. 012220 〕