34

656 43 15
                                    


Alas diyes na ng gabi. Tapos na kaming maglaro, magtaguan sa loob ng guest room habang nakapatay ang ilaw, at kumain ng mga marshmallows.

Nasa kalagitnaan na kami ng movie na pinapanood namin. Nasa mga kani-kanilang foams na ang lahat at nang bumangon ako, mukhang wala nang gising.

Papatayin ko na sana ang tv nang nakita kong gising pa pala si Jeongwoo. Nasa gitna namin si Won, magkalapit nga ang mga foams nila.

"Manonood ka pa ba?" Bulong ko, mukhang hindi niya ako narinig pero nabasa naman niya ang bunganga ko.

Umiling siya at ngumiti.

Sa takot na magising ko sila, hindi ko na lang pinatay ang tv at bumalik na lang sa foam ko. Nanood na lang ako kahit sumasakit na ang mga mata ko.

Lumapit naman si Jeongwoo sa'kin. "Magkakasakit ata tayo sa lalamunan sa dami ng marshmallows na kinain natin."

"Buti pa ako, hindi ako masyadong kumain n'on. Uminom kaya tayo ng tubig sa baba? Baka kami pa ang sisihin kung magkasakit ka." Pabiro kong sinambit.

Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan at pumunta na kami sa kusina.

"Tulog na din pala si Mama. Ang dilim na dito e." Sabi ko nang nasa hagdanan na kami.

Kinapa ko ang switch at pinailawan na ang kusina. Umupo si Jeongwoo sa kinaupuan niya kanina noong kumain kami at ako naman ang kumuha ng tubig para sa'min.

"Hindi mo man lang sinabi sa'kin na So na pala ang apelyido mo." Panimula niya.

"Kalimutan na natin 'yon. Okay? Kadiri kaya."

Bumalik ako sa kusina at sinimulan nang hugasan ang baso ko.

Bigla akong nakarinig ng lalaking kumakanta, si Jeongwoo lang naman ang tao dito maliban sa'kin. Ang hina ng boses niya, pero rinig ko pa din.

"Everyday here is watching you
'Cause you feel like home
You're like a dream come true
But if by chance you're here alone
Can I have a moment
Before I go..."

Huminto siya nang nakita niya akong pinapanood siya. Sayang.

"'Yung tubig, nasasayang." Sabi niya. Agad ko namang napansin iyon at dinalian na sa pagbanlaw ang baso.

"Sorry. First time ko kasing marinig 'yung singing voice mo. Ang ganda pala."

"Kakantahan kita palagi kapag naging Mrs. Park ka, pero malabo 'yon kasi asawa mo na si Junghwan diba?"

"Kahit hindi ko asawa si Junghwan, hindi mo pa rin ako magiging asawa."

Not now Jeongwoo, ang babata pa natin.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon