Hazel's POV
"Arrggghhh! Nico! Antagal mooo!" sigaw ko agad pagkasagot ni Nico.
Well, tinawagan ko si Nico. Sundo ko sya ngayon kase mula ngayong araw na to, ay iisa na ang aming papasukang paaralan!
"Teka lang! Eto na! Papunta na! Punyeta kang babaita ka!" He yelled back over the phone. -,-
Bakla
"Bilisan mo! Babalatan talaga kita ng buhay pag nag antay pa ulit ako ng 10 minutes! Bye!" sigaw ko rin pabalik sa telepono saka pinatay iyon.
Nakasimangot akong humahalukipkip habang salubong ang mga kilay at naka crossed legs na nakaupo sa sofa.
Badtrip yung baklang yun! sabi ko sa isip ko.
Ayoko talaga sa lahat ay yung nalelate ako lalong lalo na't first day of school!
Yep. First day of school namin ngayon. I'm already a Senior High School student. Grade 11, sa strand na Accountancy and Business Management. ABM for short.
I spent my 4 years of Junior High School at Dechile University. I don't like it there na kase ang mahal ng tuition! Nakapasok lang ako sa DU kase scholar ako.
Actually, my parents can afford my tuition pero I don't want to be a burden. Kaya nag transfer ako sa Glinch University.
Di kami mayaman, di rin mahirap. Sakto lang na maafford lahat ng needs and wants namin.
"Oh? Di ka pa nakaalis, nak?" tanong ni mama pagkakita nya sakin na nasa sofa pa rin.
"Inaantay ko pa po si Nico, Ma. Sasabay ako sa kanya since pareho na kami ng school."
"Ay oo nga. Mag si 7AM na oh?"
Napatingin naman agad ako sa wall clock.
6:47AM
"Sa labas nalang po ako maghihintay , Ma. Papunta na naman 'yon." sabi ko sabay tayo at isinukbit ang bag ko sa aking balikat.
"O sige. Ingat kayo." sagot nya sakin saka ako hinatid sa labas.
Sakto namang pagbukas ko ng gate ay sya namang dating ni Nico.
"Grabe! Ambagal mo naman! Bakla ka ba?! Mas babae ka pa kumilos saken, eh!" agad kong bulyaw sa kanya.
"Sasakay ka ba o bubulyawan mo lang ako buong araw?" sarkastiskong sabi nya sakin sabay tanggal ng shades nya.
"Good morning po, tita!" bati nya kay mama.
"Good morning, Nico" sagot naman ni mama sa kanya.
Tsk. I rolled my eyes at pumanhik na sa CONVERTIBLE CAR nya. Taray! Bigtime talaga tong gagong to.
"Ma! Alis na po kami!" sigaw ko kay mama saka kumaway.
"Okay! Ingat! Nic, extend my regards to your Mom and Dad!" Pahabol pa ni mama sa kanya. Tsk.
"I will, tita. Una na po kami" at pinaharurot na nya ang sasakyan nya. -,-
Tahimik lang kami sa daan. Nang maya maya pa'y...
"Alam mo na anong section mo?" biglang tanong nya sakin habang nasa daan pa rin ang paningin nya.
"Di pa, eh" I shrugged.
YOU ARE READING
Fall For You (On-Hold)
Teen FictionWe were best friends ever since we were kids. His Mom and my Dad were best friends, too. Kaya ganun nalang talaga kami ka dikit sa isa't isa. Pero... Noon lang yun. Hindi na ngayon.