Chapter 2

35 2 0
                                    

"We met," ani Qentron na deretsong nakatingin sa mga mata ko.

Owemji this can't be happening! Dito nga pala nag aaral ang isang to!

"Uh, hi?" tanging naisagot ko na lang.

"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Deven na nakaturo pa saming dalawa.

"She's my girlfriend, dude," sagot naman ni Qentron saka nya ito tinignan.

WTF? Ba't nya sinabi yoooon?

Namumula naman akong napatungo nang makita kong nakatingin na silang lahat sakin.

"Ayiiieeee!"

Nagulat pa ako nung sabay-sabay nila kaming tinutukso. Kelangan ba talaga sabay? Saka ako nag angat ng paningin at tinignan si Nico kase hindi ko narinig ang boses nya na nakisabay sa kanilang panunukso.

Nakakunot lang ang noo nya na para bang asar na asar sya habang nakatingin lang sa sahig.

Anyare ba dito?

Binaling ko kay Qentron ang paningin ko at nanlaki pa ang mata ko nang makitang nakangiting nakatingin sya sakin!

Patuloy naman kaming tinutukso ng mga gunggong!

"Ikaw pre ah? Di mo man lang sinabi na ganto pala ka chic at kaganda GF mo. Kung di mo lang yan GF, linigawan ko nayan. Plano ko pa naman sanang ligawan sya nung makita ko sya kanina. HAHAHAHAHA!" si Jelord.

"Ha! As if naman papatol ako sayo? Womanizer!" mataray kong sagot na nakapamewang pa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawanan nilang lahat

"Anong...." Nagpupuyos namang tanong sakin ni Jelord.

Inirapan ko lang sya saka bumaling ulit kay Nico na tatawa tawa na rin. "Dito na ba room natin?" tumango sya saka sya pumasok sa room. Sumunod naman kami sa kanya.

"HAHAHAHA! Akin lang kase sya, Jelord! Di sya pumapatol sa isang 'womanizer'" panggagaya sakin ni Qentron saka lumapit sakin at umakbay.

Inirapan lang naman sya ni Jelord saka sumunod sa kanila.

"Isa ka pa!" kinurot ko sya sa tagiliran. "Bat mo ba sinabi agad? Ha? Diba may usapan na tayo?"

"Eh sa balak kang pormahan ni Jelord kanina eh! Nakita ko kayo sa harap ng bulletin board kanina at nakita ko kung pano sya tumingin sayo!"angil naman nya

"Tss whatever!"sabi ko saka ibinaba ang braso nya sa balikat ko saka umupo sa last row kasama ang 'Badboys'.

Matagal ko nang boyfriend si Qentron. Like.... more than five months? Yep. Nasa Dechile pa lang ako nanligaw na sya sakin.

Naging boyfriend ko sya kase napressure ako sa mga kaibigan ko dun! Kesyo sagotin ko na daw kase complete package na raw!

Di ko naman talaga sya type eh. Crush, oo. Pero yung feelings na feelings talaga? Yung tipong papunta na sa love yung dating pagka crush mo? Hindi ko naramdaman sa kanya yun.

Yes, gwapo sya, hot, matalino at talaga namang malakas ang karisma sa mga babae at mga bakla. Pero talaga namang di ka na makakaramdam pa ng kahit na ano sa iba kapag may nauna na sa puso mo.

Qentron is aware about my feelings towards him. And he's okay with that. As long as sa kanya daw ako kahit na pansamantala lang daw.

Wala syang alam kung sino ang nasa puso ko. At wala akong balak sabihin sa kung kanino!

"Huy! Tulala ka jan?" si Qentron. Di ko sya pinansin.

Isa isa nang nagsidatingan ang mga paniguradong kaklase namin.

Kinuha ko ang phone at earphones ko saka ito isinalampak sa aking tenga at nagsimulang mag soundtrip.

Nagkwekwentuhan na ang Badboys except kay Nico na parang natutulog na.

Nararamdaman kong niyuyugyog ni Qentron ang balikat ko.

"Huuuuuuuuuuyyyyyyyyyy!" Inis kong tinignan sya.

Di ko pa rin sya pinansin at yumuko nalang sa desk. Ilang minuto pa ang lumipas at di ko na naramdaman pang ginugulo ako ni Qentron.

Nakaramdam ako ng kalabit at agad ko namang itinaas ang ulo ko.

"May teacher na," sabi sakin ni Ed. Agad ko namang tinanggal ang earphones sa tenga ko at isinilid ko ang phone sa bag ko.

Agad namang nag ayos na rin ng upo si Nico at nasa harapan lang ang paningin nya.

"Good Morning class! I'm Miss Cyrah Lorenzo, your adviser," pagpapakilala samin nung teacher.

She's cute and she's a petite. Petite na may curve at talaga naman bet na bet ang umbok ng kanyang pwetan.

She has this nice wavy hair na naka ponytail.

"Good morning, ma'am," sagot naming lahat.

"Okay! Since kilala nyo naman na ako, kayo naman ang magpakilala sakin. Simulan nyo sa name, address, age, and hobby. Let's start with you." dagdag pa ni Ma'am sabay turo dun sa babae na nasa first row.

At nagpakilala nga silang lahat by row. Hanggang sa ako na ang magpapakilala. Ang pinakalast na magpapakilala.

"Good morning, everyone. I'm Hazel Anne Garcia, from Camiguin Island. I moved here in Manila for my college and my parents are also working here. I'm 17 years old. My hobbies are singing and playing guitar."

"Cool! You play guitar and you sing, too?" komento ng kaklase ko. Tumango naman ako bilang sagot.

"How are you related to Mr. Harry Garcia, Hazel?" tanong sakin nung teacher ko.

"He's my father, ma'am." sagot ko naman.

"Oh, okay," tugon ni ma'am saka ngumiti sakin.

"Why do you ask, ma'am?"

"Your father is a friend of mine when we were college," sagot ni ma'am sakin at tumango tango naman ako.

Umupo na ako at nagsimula naman ang klase namin sa first period.

Lumipas ang oras at ibang subject na naman. At as usual, introduce yourself na naman.

Break na namin nang magkakausap usap ulit kami ng Badboys.

"So Hazel, kumakanta ka pala?" tanong ni Dave sakin nung tinatahak na namin ang daan papuntang canteen.

"Yes," kaswal kong sagot sa kanya.

Naunang lumakad ang iba naming kasamahan kaya kami lang ang naguusap.

"You know, we're currently seeking for a vocalist."

Napahinto ako sa paglalakad at ganun din sya.

"May banda ka?" I asked amazingly.

He nodded. "Actually, we're called BANDBOYS not BADBOYS. Ewan ko kung pano naging badboys yun. Maybe because we really are the badboys."

Sabi nya at napatango tango naman ako.

"Soo, are you in or out?"

"Hmmm pag iisapan ko." sabi ko at nagpauna nang naglakad.

"Okayyy." dinig ko pang sabi nya saka sumunod sakin.

Wala naman sigurong mawawala kung sasali ako diba?

Fall For You (On-Hold)Where stories live. Discover now