Nung hapon din'g iyon ay hinatid din ako ni Nico sa bahay. Sinalubong naman agad ako ng maldita kong kapatid.
"Huy ate! Ano tong nabalitaan ko?! Boyfriend mo raw si Qentron?! Totoo ba?!" si Adrena, kapatid ko.
"Oh baket? Me angal ka?! Tabi nga dyan at dadaan ako! Haharang harang ka sa pintuan, baket? Pinto ka ba?! Tabe!" sabi ko saka ako dumeretso sa sofa.
"Hala! Matagal na kayong magsyota?! Aba'y duling yata ang Qentron na yun! Ano kayang nagustohan nya sayo?!" nakapamewang nyang saad saka sumunod sakin sa sofa.
"Ano ba pake mo? Six months na kami." sabi ko para tumigil na sa kakadada tong isang to. Cold to palagi eh. Ewan ko anong trip nito ngayon.
"Hala sya..."
Di ko sya pinansin at isinandal ko nalang ang ulo ko saka ako pumikit.
Wala naman akong masyadong ginawa kanina pero ba't pakiramdam ko pagod na pagod ako?
"Dren, alis na ako ha? Baka hinahanap na ako sa bahay. Bukas nalang natin ipagpatuloy."
Nagulat ako nung biglang magsalita si Mich. Best friend ng kapatid ko.
Nagmulat ako. Di ko man lang napansin si Mich na nandito rin pala sya.
Nakuuu kakalat na naman ang tungkol samin ni Qentron.
"Sige, text mo ko pag nakauwi ka na ha?" si Adrena.
"Sige. Una na po ako Ate Anne." paalam nya sakin at tinanguan ko naman sya.
"Ingat!" sabi pa ni Adrena saka sya bumaling sakin na nakapamewang na ulit.
Tinignan ko sya nang nakakunot ang noo. Nakataas naman ang isang kilay nya.
Pasiring na inalis ko ang paningin ko sa kanya saka ko kinuha ang selpon ko.
"Si Mama?" tanong ko.
"Andun sa kusina. Nagluluto."
Di na ako sumagot at pumanhik nalang ako sa kwarto ko. Di naman na ako kinukulit ni Adrena kaya nasa peace of mind na ako.
Naligo ako at nagbihis saka ako bumaba papuntang kusina para tulungan si Mama sa pagprepare ng hapunan.
Sakto namang dumating si Papa, kasunod si Nico.
Nagmano ako kaagad kay Papa na halatang pagod na pagod galing trabaho. Kinuha ko sa likuran ni Papa yung bag nya saka ko tinignan si Nico na nasa pintuan pa rin. Nakangiti lang sya sakin.
Honestly, naiilang na ako sa kanya. Kase, dating sweet naman talaga kami sa isa't isa pero.. simula kase nung naging boyfriend ko si Qentron ay medyo lumayo ang loob nya sakin.
Sa bakasyon ay di sya pumunta dito sa bahay na usually naman talaga nyang ginagawa kada bakasyon. Ramdam kong umiiwas sya sakin.
Sa totoo lang ay ngayon pa lang ang unang pagpunta nya dito sa bahay ngayong taon na ito.
"Oh Nico? Nanjan ka pala. Pasok ka, pasok. Etong si Anne naman, ba't di mo pinapasok si Nico?" natauhan ako nang magsalita si mama sa likuran ko.
YOU ARE READING
Fall For You (On-Hold)
Teen FictionWe were best friends ever since we were kids. His Mom and my Dad were best friends, too. Kaya ganun nalang talaga kami ka dikit sa isa't isa. Pero... Noon lang yun. Hindi na ngayon.