Kasalukuyan na kaming kumakain ng snacks namin sa canteen. Nag uusap lang sila ng kung ano-ano habang ako naman ay tahimik lang na kumakain ng strawberry cheesecake.
Inisip ko yung alok ni Dave sakin. Matagal tagal na din akong hindi nakapagkanta sa stage; sa harap ng maraming tao.
Tinignan ko ang BANDBOYS. Bandboys yan ha. Hindi badboys. Nag aasaran lang sila at tatawa tawa pa. Nakisali na rin si Nico sa kanila. Bahagya naman akong napangiti.
Ang cute nya tumawa. Namumula ang pisngi. Hahahaha
"Huy! Anong ngiti-ngiti mo jan?!"
"Ay! Putanginamez ka!" bahagya ko pang naiangat ang pwet ko sa gulat nang biglang nagsalita sa Qentron sa tabi ko!
"HAHAHAHAHA! Ang cute mo magulat! Hahahahahaha!" kantyaw nya sakin.
"Tangina mo! Nananahimik ako dito eh!" malutong kong mura sa kanya.
Ibinalik ko naman ang paningin ko sa kinakain at sinimulang kainin ulit ito.
"Ang lutong nun ha. Hahahaha pero ano iniisip mo? Kanina pa kita tinitignan. Parang anglalim ng iniisip mo? Hihihi," then he shrugged and ate the last piece of his cake.
"Malalim ba? Sisirin mo!" sabi ko habang ngumunguya.
"Yaaakkk! Kadiri ka! Ano ba! Kababae mong tao ganyan ka ngumuya?! Kitang kita ko kinakain mo!" sita nya sakin na parang nandidiri pa.
Siniringan ko sya tsaka ko nilunok ang nasa bibig ko.
"Ang OA mo! Ganto ako kumain pag ikaw kaharap ko!"
"Oooyy! LQ!" rinig kong pang-aasar ng bandboys.
Tinignan ko sila ng nakakunot ang noo. Lahat sila ay nakangisi samin habang tumataas-taas pa ang mga kilay nila. Tinignan ko si Nico na nakatingin na din samin na nakakunot din ang noo.
"Away mag asawa to, wag kayong makisawsaw," sabat naman ni Qentron.
Binalik ko ang paningin ko kay Qentron at nakangisi na rin sya ngayon na parang asong nauulol.
"Asawa mo mukha mo," bulong ko saka sumimsim sa juice ko.
"Asesss! Bilisan nyo jan at 5 mins nalang magsisimula na naman ang klase natin," si Drex.
"Wait, last na subo na lang," sabi ko saka inubos ang cheesecake ko.
"Anong isusubo mo?" tanong ni Qentron habang nakangisi pa rin.
"Tigilan mo nga ako! May usapan tayong wag tayong PDA! Kaya tara na!" naunang lumabas ang bandboys samin na pinagbabati na ng mga guuurrrllssss.
Duh, anglalandi. Pwe!
Sumunod na ako sa kanila at ramdam ko namang nakabuntot na sakin si Qentron.
Pansin ko ang pananahimik ni Nico. Di naman to ganito. Ang ingay nga nito at laging nang aasar.
"Anglalim na naman ng iniisip mo," biglang salita ulit ni Qentron saka ako inakbayan.
YOU ARE READING
Fall For You (On-Hold)
Teen FictionWe were best friends ever since we were kids. His Mom and my Dad were best friends, too. Kaya ganun nalang talaga kami ka dikit sa isa't isa. Pero... Noon lang yun. Hindi na ngayon.