Renz's Melancholy
Renz POV
January, yung buwan kung saan nakipag hiwalay na saakin si Louisa. Sobrang sakit na mapagod na siya saakin. Alam kong napaka sama ko para saktan ko ang taong mahal ko. Oo, nasasaktan ko siya ngunit hindi ko sadya iyon dahil sobrang nahihirapan rin ako na pigilan ang aking galit. Mahal na mahal ko si louisa kahit minasan makulit siya at di nakikinig saakin. Inaamin ko din na oo, nagka gusto ako kay keisha pero sandali lamang iyon at mahal ko si louisa.
Isang araw ay nag mensahe saakin si keisha na sasabay daw siya saakin papasok.
"Uy! Renz! Agahan mo pasok ah. wala daw si maam Garcia kaya 10:00 pa pasok natin tapos kain na din tayo ah? HAHAHA" pagkaka mensahe saakin ni keisha.
" Opo! Aagahan ko na para sayo. Malakas ka saakin eh. Sa may plaza tayo magkita ah" pagakaka reply ko sa kanyang mensahe.
Ng inaantay ko siya ay napaisip ako kung ano ang nagawa kong mga pagkakamali kung bakit sumuko na si Louisa saakin. Na bakit ganun na lng niya ka gusto ako iwan. May iba na ba siya? Sobra na ba yung mga kasalanan ko sakanya? Sobra ko ba bang sama. Habang iniisip ko ang mga ito ay hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Keisha.
"Uy! Renz! Tulala ka nanaman. Iniisip mo pa den ba si Louisa? Ayieee balikan mo na kasi" pag biro saakin ni keisha.
"Di ko siya naiisip ah. Ikaw kaya naiisip ko yieee HAHAHA" pabiro kong biro den sakanya.
" Yuck! Di tayo bagay ah HAHAHA iba gusto ko. Hindi ikaw" sagot niya
" Aray naman nag bibiro lang naman ako sayo eh" sabi ko sakanya.
Tumawa siya at sabay sabi na " tara kain tayo doon sa resto malapit sa dati kong school".
Pumayag ako kahit alam ko naman na ang dating school ni keisha ay yung school na pinapasukan ngayon ni Louisa. Inaamin ko din na kahit mahal ko siya ay ayoko na makipag balikan kasi di niya deserve yung pag trato ko sakanya.
Nung nakarating na kami sa resto ay umupo na ako at nag isip ano ang oorderin ko habang si keisha ay kausap niya ang dati niyang kaklasse na nakita namin na nandoon din. Mamaya maya ay nag paalam ako kay keisha na mauna na ako mag order.
" Isang letchon kawali po tas isang lemonade din po" sabi ko sa cashier. Bumalik ako sa upuan namin ni Keisha at nag order na din siya. Ng makabalik siya sa upuan ay tinanong niya ako .
" Mahal mo pa ba si Louisa?". Hindi ko alam kung sasagutin ko ng oo o hindi dahil parang unti unting nahuhulog ang aking loob kay keisha. Hindi ko namalayan ay napatulala ako.
" Uy! Nanaginip ka nanaman ata" pag gulat saakin ni keisha.
" Hindi kale, iniisp ko kasi kung ano mga pinapagawang assignment saatin" palusot na sagot ko sakanya.
" Hindi mo ba minahal si Louisa? At ganyan na lng ikaw? Hindi mo masagot ang simpleng tanong?" Tanong niya saakin.
" Mahal ko naman siya pero may isang babae kasi na parang iba pag mamahal ko sakanya kaysa kay Louisa" sagot ko sakanya.
Napa kamot sa ulo si keisha sa mga sinagot ko sakanya. Ng may biglang may limang babae na pumasok sa resto. Si Louisa, siya ang pumasok ng resto at kitang kita ko na gustong umiyak niya. Hindi ko pinahalata na nakita ko siya. Pero sa kaloob looban ng aking puso ay gusto ko mah sorry sa mga nagawa kong pasakit sakanya.
" Uy... Si Louisa oh yieee lapitan mo na dali" pag biro saakin ni keisha.
" Ano ba?! Shhh wag ka maingay baka makita ka niyan at awayin ka pa" sabi ko sakanya.
Nakikita ko sa mga mata niya na kahit masakit ang puso niya ay nagiging masaya siya sa mga kaibigan niya. Malaya siya gawin lahat ng gusto niya, mag punta saan mang gusto niyang puntahan. Hindi gaya ng kami pa, pakiramdam daw niya ay nasasakal na siya dahil ayoko siya pag suotin ng mga above the knee na shorts at palda pag lalabas. Lalo na pag binawalan ko siya na mag maluwag na mga tshirt. Ngayon pwede na niya suotin lahat ng gusto niya suotin. Wala ng mag babawal sakanya sa mga gusto niya.
"Renz, kumain ka na baka mamayat ka pa. Lagot ako kay Louisa niyan HAHAHA joke lng" sabi saakin ni Keisha. Sa hindi niya alam ay sa tuwing niloloko niya ako kay louisa ay unti unti ng nahuhulog ang loob ko sakanya. Gusto ko sana sabihin sakanya na nahuhulog na ako sakanya ngunit hindi ko maaring sabihin iyon sakanya dahil sa 3 month rule.
" Keisha... Ma... Mah... Maganda ka kamo kaso wlaang jowa HAHAHA " pabiro kong sabi skaanya. Aamin na nga ako sana niyan ngunit yun . Hindi pa tapos ang 3 month rule.
Bago kami matapos kumain ay may nakita akong pumasok sa pintuan at nakita ko na parang napangiti si Louisa. " May iba na sigurong gusto si Louisa" sabi ko sa sarili ko. Mukha naman na ok na den siya at may iba na din siya. Mahal ko siya pero tama na nasasaktan ko na siya at nasasaktan na din ako sa relasyon namin. Nakita ko na kinawayan siya ng lalaki at kumaway siya pabalik, alam ko ng may iba na nga si Louisa. Alam kong matatag si Louisa at alam kong kayang kaya niya na mawala ako. Masaya na den ako para sakanya na naging masaya kahit wala na ako sa piling niya.
Ng matapos kami ay umalis na din kami ni keisha sa resto. Inaya ko siya na pumasok na at doon na lng kami sa campus tumambay. Ayoko na den kasi makita pa si Louisa at baka maiyak lng ako dahil na aalala ko ang mga alaala namin ng mag kasama. Nung nakarating na kami sa school ay umupo na muna kami sa mga bench at nag sulat ako ng isang liham para mailabas ko ang aking mga nararamdaman.
Dear Louisa,
Hi Louisa, gusto lng sabihin sayo na mahal kita . Mahal na mahal kita pero dahil nasasaktan ka na dahil saakin ay pinakawalan na kita. Ayoko kasi nakikita ka na nasasaktan atsaka totoo naman na nagkagusto ako kay Keisha at pinigilan ko yun dahil mahal kita. Pero ngayon, mag papaalam ako sayo kung maari bang ligawan ko siya? May iba ka na din naman dibanv gusto at need den natin naka move on sa isat isa kaya kailangan natin na malibang ng kahit papaano kaya ito na yun. May gusto na akong iba at may gusto ka na ding iba. I love you sa huling pagkakataon.Nag mamahal,
Renz
YOU ARE READING
The Broken Love
RomanceLouisa, a grade 12 student desperate to move on from her broken heart. wishing the pain to be gone