heart's recall
Louisa POV
Nagulat ako na kinawayan ako ni Christian at kinawayan ko rin siya pabalik. Pagkatapos niya maka order sa counter ay nilapitan niya ako at sinabi saakin na
" Ikaw diba yung nakasabay namin mamili ng coffee crumble? Taga Ramon Tolentino College ka din pala. Anong year mo na? " Tanong ni Christian .
" Ay hahaha oo ako nga yung naka sabay mo nun. Grade 12 na din ako " sagot ko.
" Kabatch lng pla kita grade 12 din ako eh. Anong strand mo?" Tanong niya saakin
" ABM-B ako. Ikaw ba? Anong strand mo?" Sagot ko.
" STEM - B ako, sa kabilang hall niyo lng yung room namin" sagot niya.
Nag paalam siya saakin na uupo na siya. Doon sa upuan kung saan naka upo si Renz at keisha. Habang nag uusap kami ni Christian ay hindi ko namalayan na umalis na pala ang ex ko kasama ang babaeng mahal niya ngayon. Alam ko bitter pa den ako sakanila pero ganun talaga pag hindi pa din matangap na ipag papalit ka ng taong mahal na mahal mo sa iba na nandiyan lng , na kaklasse niya pa at tropa.
Ng maka tapos na kami sa pag kain ay biglang humirit pa si Nikka na oorder daw siya ng maiinom para may mainom daw siya papasok sa school.
" Hay naku si Nikka ang takaw talaga eh " natatawang sabi ni Joane.
" Si nikka pa ba, kaya gasul tukso sakanya sa room eh. Matabang maliit hahaha." Dugtong ko sa sinabi ni Joane.
Nakuha na ni nikka ang order niya. Bago kami lumabas ay kumaway ako kay Christian upang mag paalam na papasok na kami. Kumaway din naman siya pabalik saakin. Habang nag lalakad kami papunta sa school ay nakasalubong namin ang kaibigan ni Nikka na taga STEM A at ka batch din namin sa school.
"Uy! Joy, saan punta mo sis?" Tanong ni nikka.
" Uy! Kamusta na? Papunta lng ako diyan sa may salon may kukunin lang na naiwan ko." Sagot ni Joy
" Ito sis stress na sa Accounting. Nga pla si Joane, Anne ,May at Louisa,mga kaibigan ko at kaklasse." Sabi ni Nikka.
" Hi Joy " sabi namin sabay kaway.
" Oh sige na mauna na ako sainyo baka ma late na den kayo" pag papaalam ni Joy.
Ng dumating ang lunch ay inaya ako ni Nikka na pumunta kila Joy.
" Louisa, tara punta tayo kila joy. Doon sa kabilang hallway. Baka lng naman gusto mo makita si Christian. Hahaha." Sabi ni nikka.
"Ay grabe, Crush ko lang naman siya di ko siya gusto jowain grabe ka Nikka" sabi ko.
Sumama ako kay Nikka at nakita ko nga si Christian nasa room nila. Katapat na katapat lang ng room nila Joy ang room nila Christian. Sobrang nagulat ako dahil ang dami pala na gwapo sa mga Stem. Hindi ko naman kasi sila pinapansin noon dahil kay Renz.
" Nikka, ang dami palang gwapo dito lakad niyo naman ako sa isa sa mga kaklasse ni Joy." Bulong ko kay Nikka. Kinilig sa tuwa siya dahil sa sinabi ko.
"Sure sure sis, ayun oh si Joshua Dominic Bautista halos same kayo ng interest . Ano lakad na ba kita?" Sabi ni Nikka.
" Ay hahaha kikilalanin ko muna siya fren at pag na typan ko siya sabihan ko kayo na ilakad ako " sagot ko kay nikka.
Hinanap ko ang kanyang pangalan sa social media ko pagka uwi at Sa kasamaang palad ay hindi ko mahanap hanap ang kanyang social media. Kaya't tinawagan ko si Nikka para tanongin ano ang pangalan ni Joshua sa social media niya. At ang sabi ni Nikka ay JD daw ang name ni Joshua sa social media. Ng nahanap ko na ay dali dali akong nag friend request at nag Hi sakanya.
Louisa: hi
Joshua: Hello, ikaw ba yung kanina na na kasama ni Nikka na kaibigan ni Joy?.
Louisa: oo ako nga yun. Gusto ko nga pla kase makipag kaibigan sayo.
Joshua: ay sige lng. Nice to meet youHindi na ako nakapag reply dahil bigala akong nautusan ni mommy na mamili sa tindahan at nalimutan ko na den na kausap ko siya nun. Ng kinagabihan ay may kumakatok sa pintuan namin. Ng mabuksan ko ang pintuan ay tumambad saakin ang pagmumukha ni Renz.
" Louisa,... " Naudlot na sabi niya dahil pinag saraduhan ko siya ng pinto sa gulat na pumunta si Renz sa bahay namin. Tawag ng tawag si Renz saakin mula sa labas. Naiyak na ako dahil hindi ko alam ano ang nararapat kong gawin. Sa sobrang kulit niya ay piang buksan ko muli ng pinto.
"Oh?! Bakit naparito ka?!" Masungit na tanong ko.
" Louisa, nandirito ako para manghingi sayo ng sorry at nais ko ibalik sayo ang ID mo noong grade 10 ka." Sabi niya saakin.
" Salamat" sagot ko at sabay sara ng pinto.
Kasabay ng pag sara ko ay tulumo ang mga luha ko. Naalala ko nanaman ang mga masayang ala ala na aming pinag samahan. Kagaya nung aming unang pagkikita.
Nangyari iyon mahigit isang taon nakakalipas noong October 11. Araw iyon ng aking kaarawan . Nag punta si Renz sa harap ng school ko upang ibigay niya ang regalo niya saakin at kitang kita ko ang saya ng kanyang mga mata noon. Iyon ang aming unang pag kikita. Madalas lng kami bago noon na magka chat lamang.
Isa pang ala ala na biglang bumalik saakin ay yung panahon kung saan isinama niya ako sa lunch date nila ng kanyang pamilya sa isang kilalang restaurant sa aming probinsya. Mayroon iyong maraming branches at sa lugar nila Renz ay may malapit na branch neto. iyong resto na iyon ang isa sa aking pabiritong kainan lalo na nung bata pa ako. First time ko makapunta sa branch na iyon malapit kila Renz. Sobrang tuwa ko nung makita ko gaano ka laki ang branch na iyon. May 2nd floor tapos may band pa minsan pag gabi. Sobrang tuwa ko kayat napa yakap na lng ako kay Renz.
Nag tatakbo ako paakyat sa aking kwarto at doon binuhos ko lahat ng sakit na nadadama ko. Maaaring medyo matagal na din mula nung nagka hiwalay kami pero nandoon pa din yung sakit at hinanagpis ng puso ko sa nangyari. Gustong gusto ko na maging masaya gaya ng saya ko bago ko pa makilala si Renz. Gaya ng mga panahon na kikiligin ako maka usap lng crush ko, o kaya kung makita ko lng yung crush ko. Gusto ko makabalik sa ganung saya.
YOU ARE READING
The Broken Love
RomanceLouisa, a grade 12 student desperate to move on from her broken heart. wishing the pain to be gone