"Lucas..." awtomatikong sambit ni Aevia pagdilat na pagdilat ng kanyang mga mata. Kinapa niya ang kanang bahagi ng kama pero bakante na iyon.
Ramdam niya pa rin ang init nito sa unan at kubrekama. He was hotter than all men... literally. Mainit ang balat ni Lucas na mas lalong umaalab sa tuwing inaangkin siya nito.
Last night, when he was inside her, the strong blood vessels beneath his skin under his eyes became visible. And his eyes... they were different. Hindi iyon purong itim lang kagaya nang palagi niyang nakikita noon. The white part of his eyes had turned all black, the irises became bloody red and his pupils were as dark as the cruel night.
And the sex with Lucas was... oh damn, it was ecstatic. Ilang ulit siya nitong inangkin. He made her bite him, suck him, lick him. Mariin niyang naipikit ang mga mata. "Lucas..."
Gusto niya itong makita, makasama, mayakap at mahagkan. Gusto niya uli itong makapiling. Nasasabik siyang muling makulong sa mga bisig nito.
Inangkin siya nito at hindi iyon panaginip lang. Tumayo siya at humarap sa malaking salamin. Minasdan niya ang kahubdan. Gumapang na naman ang init sa kanyang katawan nang masilayan ang mga kagat at kalmot nito sa balat niya. Yes, last night was rough but it was good. Really, really good. Akala niya ay mawawala na siya sa katinuan sa sarap na ipinaparamdam ni Lucas sa kanya kagabi.
Hinanap niya ang hinubad na nightgown at muling isinuot iyon saka patingkayad na bumalik sa kuwartong pinagamit sa kanya ni Manang Juanilya. Napaigtad pa siya nang pagbukas niya sa pinto ng silid ay nakaupo na sa butaka ang matanda at nakangiti sa kanya.
"M-manang Juanilya..." Napatingin siya sa lumang orasan na nakasabit sa pader sa loob ng silid. Mag-aalas seis palang ng umaga. Bakit gising na ang matanda? At ano ang ginagawa nito sa loob ng kuwartong iyon? "A-ano hong ginagawa n'yo rito? M-may kailangan ho ba kayo sa akin?"
"Lumapit ka, Aevia. Halika, maupo ka," iminosyon nito ang gilid ng kama.
Iyon nga ang ginawa niya. "M-manang..."
Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang tingin nito sa kanyang leeg at mga balikat. Pinamulahan siya ng mukha at pilit na ikinubli ang bahaging iyon ng kanyang katawan gamit ang makapal at mahaba niyang buhok. Alam niyang nakita nito ang mga marka ni Lucas sa kanyang balat. "M-manang, I can explain. Kagabi kasi--"
"Shush, Aevia, hindi mo kailangang magpaliwanag. Alam kong nandito si Señor Lucas kagabi."
Napanganga siya, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang itugon dito. Naguguluhan na siya. Paano nito nalamang naroroon si Lucas kagabi?
Ngumiti ang matanda. "Alam kong pupuntahan ka niya.""Naguguluhan ako. 'Di ba matagal nang patay si Señor Lucas?"
"Kailanman ay hindi ko sinabing patay na si Señor Lucas."
Sumikip ang dibdib niya. Bigla-bigla ay nahirapan siyang huminga dahil hindi na niya maintindihan kung ano ang mga nangyayari sa kanya. "Ang ibig po ninyong sabihin ay buhay si Señor Lucas Savatierre? Bakit... bakit sabi ng mga tao at lahat ng mga nabasa ko sa libro ay matagal na siyang namayapa? Paanong nabuhay siyang muli?"
"Aevia, hindi mo ako naiintindihan. Kailanman ay hindi namatay si Señor Lucas. Natulog, oo, pero ginising mo siya. Ikaw ang susi."
Natutop niya ang tapat ng puso, alsa-baba ang dibdib niya. "Natulog?"
"Natulog sa loob ng dalawampung taon."
Then flashes of the very first night after she turned twenty came flooding in her head. Ang unang pagdalaw sa kanya ng misteryosong lalaki. Ang unang pag-angkin nito sa kanya sa kanyang panaginip.
BINABASA MO ANG
The Devil's Bride - LUST (Preview)
Romansa**💜Full story available on Dreame💜** Follow me there @ Ingrid de la Torre Archdevil Series 1: L U C A S ❤ Antonina wanted to summon a crossroad demon. But the powerful Lucas Savatierre--the devil--answered her call. She made a deal with the devil...