CHAPTER 3

2.9K 67 11
                                    

Mia POV

Napabangon ako dahil tumama Ang sikat ng araw sa mukha ko ,

Shtt Ang sakit ng ulo ko , hangover ? nakainom ba ako kagabi hay dunno,

Ano nga nangyari kagabi ?parang nagkaroon ako ng amnesia ,

Napatingin ako sa polo na suot ko at naamoy ko Ang pamilyar na pabango,ohh Alam ko na Kong anong nangyari ,kaya pala parang pamilyar Ang pabango na ito hanggang ngayon iyon parin ginagamit nya ,

Hay iling ano naman ,eh Kasi ako pumili ng pabango nya noon,akalain mo Yun makalipas ang ilang years iyon parin Ang ginagamit nya ..baka nabangohan lang talaga sya.

Pero.. bakit sya nagpakita ngayon na nakamove on na ako sakanya dapat Hindi na sya bumalik,masaya na Ang buhay ko kahit ganito walang pag ibig na proproblemahin kada araw ..

Nag buntong hininga nalang ako at bumangon sa higaan ,so anong balak Kong gawin ngayon araw ,amboring naman Kong mananatili lang ako dito sa bahay

Tawagan ko nalang si Andrew ,baka may naisip syang magandang gawin

*Ring

*Ring

Nakadalawang ring ako bago nya ito sagutin

"Hi baby" bungad nya agad , napairap nalang ako sa kawalan

"Drew ,masyal Tayo,nabuburyo na ako dito sa bahay" napanguso ako at pumunta sa bintana at binuksan ito ,tumambad saakin Ang ilang mga building na nakatayo ,

"I'm dreaming right,?"napangiwi ako sa sinabi nya

"Anong panaginip ka dyan,sipain ko balls mo eh" naiinis Kong sambit

"Easy bebs Hindi Tayo magkakaanak Nyan,Hindi ko Lang akalain na isang Mia Ventura umaalok mamasyal"napairap ulit ako sa kawalan mahilig din mang inis to eh

"Punta ka nalang sa condo ko" Hindi ko inantay ang sagot nya ,pinatay ko agad ang tawag dahil paniguradong iba iba Yung sasabihin nya

Pumunta nalang ako sa bathroom upang maglinis ng katawan feeling ko ang lagkit na ng katawan ko

Ng matapos ko maglinis ng katawan ko ,nagpasyahan Kong suotin Ang isang red na floral dress at pinaresan ito ng black na sandals...

Ilang minuto Lang narinig Kong may nag doorbell ,sa pinto ko kaya inaasahan Kong si Andrew iyon

Binuksan ko ito at Hindi nga ako nagkakamali

"Hi baby" niyakap nya ako at hinalikan sa pisnge

"Ano ba drew" bumitaw sya ng yakap saakin at nakasimangot,tss so childish...ok sasabihin ko sa inyo na bestfriend kami ni Andrew okay,para malinaw walang malisya Ang mga ginagawa namin,

Bestfriend with benifits? Nahh kahit kailan Hindi ako ginalaw ni Andrew ,dahil hangang salita Lang iyan

"By the way bebs ,sinama ko Ang gwapo Kong cousin so Logan  Harris " napatuod ako ng may lalaking naglahad ng kamay sa harapan ko,

Feeling ko namumutla ako ngayon ,Logan Harris? Ang lalaking minahal ko ng sobra noon,andito ulit sa harapan ko nakalahad Ang kanyang kamay parang Wala kaming nakaraan , napailing ako ,Mia treat him like stranger wag kang magpapahalata

"Harris" nakangiti nyang sambit,nag ngiting palagi ko nakikita noon nong kami pa,pero Hindi na iyon mangyayari pa

"Mia" tinanggap ko Ang kamay nya ,at parang may kuryenteng dumadaloy sa buo Kung katawan ng maglapat ito

Naramdaman Kong pinisil nya Ang kamay ko ,kaya agad ko itong binawi at ngumiti ng peke

"Let's go" umiwas ako ng tigin ,at naunang maglakad ,.

"Baby wait"narinig kong tawag ni Andrew pero Hindi ko iyon pinansin ,patuloy Lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko Ang elevator

Syempre hinintay ko sila,

"Ang bilis mo naman maglakad bebs"hinihingal na sabi ni Andrew , tinignan ko Ang kasama nya na prente lang nakatayo , hinihintay namin Ang elavator, papunta sa floor namin

*Ting

Nauna na akong pumasok sa loob,at pinindot Ang ground floor, tumingin ako sa salamin dito sa elavator upang tignan Ang mukha ko,pero napaiwas ako ng tigin doon ng Makita Kong tinitignan nya ako ....

Napatayo nalang ako ng matuwid at tumingin Kay Andrew na naka headset na ngayon

..

*Ting

Narinig kong tunog ng elavator sa 4 floor palang kami ,hudyat na may papasok dito,ng magbukas ito may grupo ng mga kalalakihan at pumasok sa elavator ,napasiksik naman ako sa dulo nito at humawak sa railings dahil ako Ang siniksikan nila

"Hi ,miss are you free?" Napatingin ako sa lalaking katabi ko ngayon,at hinawakan nya ako sa braso ,tumaas Ang mga balahibo ko, Hindi ko ito gusto,Kung gugustuhin ko man dapat gusto ko ,gets nyo?

"Noo" mataray Kong sambit,at inagaw Ang braso ko

"Miss ,Alam Kong gusto mo naman eh ,sige na"pagpupumulit nya , tinignan ko si Andrew na naka headset parin hanggang ngayon at tumitipa sa phone nya ,kaya Hindi nya napansin Ang ginawa ng lalaking ito

"She said no ,so back off dude" napitlag ako ng may humawak sa beywang ko

"Bakit boyfriend ka ba nya?" Maangas na sabi ng lalaki

" No," napayuko nalang ako ,parang nadissapoint ako dahil sa sinabi ,nya pero bakit Wala naman kaminb relasyon kaya ,Tama na ok

"Because I'm  her husband ,so better back off to my wife"malamig nyang tugon at mas lalong hinigpitan Ang pagkakapit nya sa beywang ko ,

Parang meron akong kakaibang nararamdaman ,Hindi ko Alam Kong so iyon ,pero nararamdaman ko meron talaga Hindi ko Alam

"Sorry dude I thought  ,Wala syang boyfriend or husband  ,meron pala Sayang"sabi mg lalaking muntik na akong bastusin

*Ting

Sakto namang tumunog Ang elavator ,kaya nauna ng lumabas Ang mga grupo ng lalaking iyon

Lumalayo na ako sakanya ,gusto Kong magpasalamat pero may pumupigil saakin

"Anong nangyare?" Nagtatakang tanong ni Andrew ,ng tinanggal nya na Ang headset nya ,nakalabas na kami ngayon sa elavator at lumalakad papunta sa parking lot

"Nothing"matipid Kong sagot at nauna ng pumasok sa sasakyan ni Andrew


_________

Yiee nag ud ako dito ,sorry sa lame update

_lovelots

Possessive StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon