3

19 0 0
                                    


What should I do?

Hindi ko alam kung dapat ba na magpakita ako sa kanya to let him know that I heard him talking to someone. Or should I just go and act like nothing.

And who is that baby he is talking? Imposible na ang anak namin 'yon because he's in his room and no need to call him through phone.

While in my deep thoughts, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Gio. Sa una ay bakas sa mukha nito ang pagkagulat pero kaagad din itong nakahuma na animo walang inaamo na kung sinumang baby nya kanina sa cellphone.

"Gem, may kailangan ka?" Cool na tanong nito.

"Sinong kausap mo?" I asked. Diretso akong nakatingin sa mukha nya to see what his expression would be.

"Ahh, katrabaho ko lang."

"And her name is Baby?" May diin ang huling salita ko.

"Yeah." Lumunok ito kahit wala naman kinakain at lumakad lagpas sakin.

"Ang swerte naman ng Baby na yan at dis oras ng gabi ay pupuntahan mo." Nakataas kilay kong sabi. "And why would you need to go see her at this hour?" Wala na, hindi ko na mapigilan ang bunganga ko. Sigurado ako na umpisa na naman ito ng away namin.

"It's about work.."

"Oh really?" Putol ko sa sasabihin pa nya. "Gaano ba kaimportante yang work na yan para hindi maipagpabukas? At kailangan pa talagang lambingin mo?" Nanggigigil kong tanong na may kasama pang pagduro sa dibdib nya.

"Trabaho 'yon Gem! At oo importante 'yon kaya kailangan na asikasuhin ko kaagad!" Bulyaw nito sa akin na lalong nakapagpainit ng ulo ko.

"Ang sabihin mo babae mo ang kausap mo at kailangan mong romansahin dahil magkagalit kayo!"

"Hindi ko babae 'yon!" Tinalikuran nya ako. "Wala akong panahon makipag-usap sayo. Nakakasawa yang bunganga mo." He said while walking away from me.

Huminga ako ng malalim. I don't want to cry pero kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko. This is just too much. Nauulit na naman ang kalokohan nya. Ganitong ganito lagi kapag nahuhuli ko sya na may ibang babae.

Gusto ko na syang iwan but I feel pity for my son. I grew up from a broken family and ayoko na maranasan 'yon ng anak ko. As long na kaya kong maayos ang meron samin I will try to mend it, to mend us.

Unti-unting pumatak ang mga luha ko. All I did was to understand him, pakinggan ang mga paliwanag nya kahit hindi naman ganoon kaacceptable ang mga rason nya, still, tinanggap ko. Tinanggap ko for my son at dahil sobrang mahal ko sya.

Mariin kong pinahid ang mga luha ko bago ako dumiretso ng banyo.

Kapalit-palit ba ako? I asked myself.

Do I deserve all of this? I cry again. Ang sakit sakit na kasi. Wala naman akong matandaan na niloko ko sya since nang magsama kami pero bakit ganoon? Ito na ba 'yong karma sakin kasi babaero ang magaling kong ama at heto, ito ang balik sakin? Ako naman ang niloloko!

I washed my face at kinuha ang cellphone sa bulsa ng short ko.

"Let's meet."

...

"Hindi ko talaga maintndihan yang kumpare mo, pangit na ba ako?" Bryan just laughed.

"Wag mo akong tinatawanan Bry ha. Ginagawa ko lahat para ma-maintain ang ganda ng katawan ko. Kahit hindi ako katangkaran sexy naman ako. Sexy naman ako di ba?" Tumayo ako sa kinauupuan ko at umikot pa sa harapan nya. Kung anong suot ko kanina sa bahay, 'yon na lang din suot ko ngayon. Short shorts and a sleeveless top. Nakapambahay nga rin ako ng tsinelas e.

Nandto kami ni Bryan sa unit nya, 20 minutes drive lang from our house. Nasa school ang anak ko at nasa trabaho naman ang babaero kong asawa.

"Kilala mo ba ang babae nya Bryan? Tell me, mas maganda ba sya sakin? Mas sexy ba? O baka nagkukwento sya sayo na mas magaling ang babae nya kesa sakin on bed?" Itinuro ko ang sarili ko. I'm drinking right now but hindi ako lasing at hindi ko alam kung san ako nahugot ng lakas para magtanong sakanya ng mga bagay na to.

Hindi matawaran ang halakhak ni Bryan sa tanong ko. "You're drunk." He said habang iiling-iling. Tumayo rin sya and kinuha na ang mga nasa lamesa para ligpitin ang mga nakahain na alak at chichirya. "Tama na ang inom mo." Hindi sya umiinom, hinayaan nya lang talaga ako kasi mapilit ako na uminom.

"I'm not drunk!" Inagaw ko ang bote ng beer na may kalahati pang laman.

"Give me that!"

"No!" Inabot nya ang bote pero hindi ko binitawan. Sa halip nakipag-agawan pa ako sa kanya.

"Ibigay mo na at matulog ka na lang." He hissed at pilit inaagaw ang bote sakin.

"Sagutin mo muna ang tanong--Aay!" Nawalan ako ng balanse dahil sa pag-iwas kay Bryan. Napaupo ako sa sofa with him na nakasubsob sa dibdib ko.

Hindi ako nakakilos mula sa pwesto namin, ganoon din sya. Parang may kung anong kuryente na nakakakiliti ang dumaloy sa balat ko.

Nakatungo ako sakanya na nasa dibdib ko at kitang kita ko ang marahang pagtaas ng tingin nya sa mukha ko. Ang kaninang masaya at nakakainis nyang mukha ay tila naging mapang-akit ngayon kahit hindi naman sya nakangiti sakin. Seryoso lang sya na parang may gustong sabihin sakin na hindi ko maintindihan.

Gusto ko mang salubungin ang nakakapaso nyang tingin pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil napanuod at nabasa ko na to e. Umiwas ako ng tingin at marahan syang inilayo sakin.

"I-I should g-go." Nang makalayo ng konti sakin si Bryan ay inunahan ko na syang makatayo. Medjo nalula pa ako pero hindi ko 'yon ininda. Feeling ko, kapag nagtagal pa ako dito may kung anong mangyayari na pagsisisihan ko lang din sa huli.

Gio's face suddenly appears on my head, nagsikip ang dibdib ko and suddenly I feel like having a revenge. Revenge sa mga panloloko nya sakin, but as I'm thinking about those revenge, mukha naman ni Eli ang nag-appear sa isip ko. Si Eli ang anak ko.

"Gem..." Bryan called my name at hinarap ko sya.

I feel like crying, kaya nga ako nagpunta dito para makausap ko sya pero parang wala naman nangyari. Wala akong nakuha na impormasyon sa kanya. Parang nagmukha lang akong tanga.

"I'm sorry Gem." Naramdaman ko na lang ang braso nya sa bewang ko na niyayakap ako.

***

Sa mga readers po ng Raped and Impregnated. Sorry po kasi nawala sya dito sa account ko. Nabura po ata. 😭😭

Can You Blame Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon