Bryan Lacson:
Kumusta kayo ni pare?Gemalyn Cruz:
Bakit?May alam ka ba?
Bryan Lacson is typing
Gemalyn Cruz:
Please if you know something sabihin mo sakin.Bryan Lacson:
Oo may alam ako, pero ayokong sabihin sayo.Gemalyn Cruz:
At bakit?Bryan Lacson:
Hindi ako ang taong sisira sa pamilya nyo.Gemalyn Cruz:
Yeah right. Pero sa mga nalaman ko at sa mga sinabi mo, nagkaron ng lamat ang pagsasama namin. Nawala tiwala ko sa kanya.Bryan Lacson:
Believe me, mahal na mahal ka ni pare. At syempre ganon din ang anak nyo.Gemalyn Cruz:
Sira ulo ka ba? May mahal ba na niloloko?Sabihin mo na sakin ang alam mo please..
Bryan Lacson is typing
Gemalyn Cruz:
Bakit ba kinukonsinti mo yang kumpare mo gayong alam mo naman na pwede kaming masira sa ginagawa mo?Bryan Lacson:
Siya ang tanungin mo.Hindi ko sya kinokunsinti. Ayoko lang na ako magiging dahilan para magkasira kayo ng tuluyan.
Gemalyn Cruz:
Ewan ko sayo!Matutulog na ako.
Bryan Lacson is typing
I turned off my data at ibinaba sa bedside table ang cellphone ko.
Gosh! Maloloko ako sa magkumpare na to.
Hindi na ako nag-usisa pa kay Gio. Ayokong mag-aaway na naman kami at makita ng anak namin. All I need to do now ay kumalap ng sapat na ebidensya na may ginagawa nga syang kalokohan. At si Bryan ang taong nasa isip ko para makatulong sakin.
But how?
How am I able to convince him? Hindi nya ilalaglag ang kumpare nya.
Ugh!
I hate them both!
...
"Ano nakausap mo na?" Si Charie.
Nandito ako ngayon sa bahay nya. Nag-halfday lang ako sa trabaho dahil hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko, kung anu-ano kasing tumatakbo sa utak ko. Nasa school naman si Eli kaya wala rin akong kasama sa bahay kung titigil ako don.
BINABASA MO ANG
Can You Blame Me?
Short StoryMadaling sabihin para sa kanila na kumapit lang ako and isipin ko ang maaaring maging bunga ng magiging desisyon ko. Because they never knew how it feels to be cheated on!