5

7 1 0
                                    


Tulala ako habang nakatingin sa number ni Bryan na nasa contacts ko. It's been two weeks since we last talked and ganoon na rin katagal na nakikipagtalo ako sa sarili ko kung kokontakin ko sya. Nagpupunta naman sya dito sa bahay pero sina Gio at Eli lang kinakausap nya.

And things with Gio, ganoon pa rin. Nagtatabi kami pero madalas kaming mag-away. Ang cellphone nya na dati alam ko ang lock code, ngayon hindi na. At hindi ko na rin nahahawakan man lang. Unti-unti na rin naman akong nawawalan ng pakialam.

Nabitawan ko ang cellphone ko nang bigla itong magring at si Bryan ang caller.

"Anong meron at nagparamdam sya sakin ngayon?" Tanong ko sa sarili habang ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung sasagutin ko ba o hindi.

Nakatitig pa rin ako sa cellphone ko na tunog lang ng tunog sa sahig.

Sa huli hindi ko rin iyon sinagot. Nakailang tawag sya pero hindi ko nilimot ang cellphone ko.

Nang mapagod na siguro, text na lang ang dumating. He sent me a message with an address on it. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumikip ang dibdib ko upon seeing the address.

Walang pagdadalawang isip akong nagbihis kaagad at sumakay ng taxi. The address isn't familiar for me kaya ipinakita ko ito sa driver ng cab kung alam nya and thankfully yes.

Tumigil kami sa isang house like restaurant, hindi mo kaagad ito mapapansin kung hindi mo talaga sasadyain.

After makapagbayad at makababa sa sasakyan, my heart beats fast. Wala akong ideya sa kung anong makikita ko sa loob pero ang puso ko, halos hindi na ako makahinga sa tindi ng kaba.

Nanatili pa ako ng ilang minuto sa harapan before I decided to get in. Cozy ang loob ng restaurant, hindi ganoon kadami ang upuan pero puno. May nagkukwentuhan pero mahina lang na animo ayaw ipaparinig sa katabing table.

Inilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na likod ng isang lalaki. Kahit gaano pa sya kalayo sakin, alam kong sya 'yon.

Akala ko wala na e, akala ko kaya kong tanggapin at harapin kung sakali man na mapatunayan ko na nagloloko talaga sya.

But why am I feeling like this? 'Yong puso ko, parang sinasaksak ng libo-libong kutsilyo.

Gusto kong magbakasakali na lunch meeting lang ito with their client, so I decided to wait a few more minutes. I don't want to jump into conclusion kasi baka ako lang naman talaga itong nananakit sa sarili ko.

But as time passes by, lalo lang pala akong masasaktan. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako habang nanunuod kung gaano sila kasweet, kung paano sya subuan ng babae na kaharap nya. Kung paano nya punasan ang gilid ng mga labi ng babaeng kaharap while using his thumb at kasunod 'non ay mumunting halik ang igagawad nya sa labi nito.

Naninikip ang dibdib ko sa kaganapan na nasa harapan ko. It hurts like fucking hell!

My body is shaking sa sobrang galit kay Gio at awa naman para sa sarili ko. At kahit katal ang katawan ko, I managed to get my phone from my bag and take a photo of them. Para pruweba sa katarantaduhan na ginagawa nya, para hindi na sya makatanggi pa.

Madali akong lumabas ng restaurant, hindi ko kasi alam kung anong pwede kong magawa sa kanilang dalawa kapag nagtagal pa ako don. Mabuti na lang at madali akong nakapara ng taxi.

Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko nang dahil sa nasaksihan ko.

Si Bryan. I told to myself. Tatawagan ko sana sya to ask kung paano nya nalaman na nandoon si Gio but I don't feel like talking to anyone now.

Nang makarating sa bahay, sa kwarto ni Elli ako dumiretso and cry. Umiiyak ako while looking at my sons face. I feel pity for him, sobra akong nasasaktan para sa anak ko. What did we do para gawin nya samin to? Hindi ba sya naaawa sa anak namin? Or naisip man lang ba nya ang pwedeng maramdaman ni Elli if he finds out that he have another woman?

Selfish asshole!

I cry and cry hanggang sa makatulog ako.

---

"Mommy... mommy" Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi mula sa maliit na kamay ni Eli.

Kahit mabigat at masakit ang loob ko, I greeted him with a smile. "Good morning baby." Bumangon ako sa kama and kiss him on his forehead.

Nakasuot na sya ng school uniform. "Papasok na po ako sa school." Nakangiting paalam nito sakin at ginawaran ako ng halik sa pisngi.

Parang may kung anong tumusok na naman sa puso ko. Hindi ko talaga lubos maisip kung papano nakakayang lokohin ni Gio ang anak namin. Cheating on me also means that he's cheating on our son.

"Sige, mag-iingat ka at wag magkukulit sa school ha?" Bilin ko sa kanya. Ibinuka ko ang mga braso ko at sinalubong naman nya 'yon ng yakap. Tears escape from my eyes ,pero madali ko ring pinahid nang marinig ko ang reklamo nito.

"Mommy nagugusot na po uniform ko." Saka ko narealize na mahigpit na pala ang pagkakayakap ko sakanya.

"Ay sorry baby." Pinilit kong tumawa. "Sobrang bango kasi ng baby ko e, kaya hindi napigilan ni Mommy na mayakap ka ng mahigpit." Hinalikan ko ulit si Eli sa noo. "Sige na, baka malate ka pa. Ingat ka, okay?" Tumango naman ito and headed to the door.

"I love you baby." Pahabol ko dito.

"I love you too Mommy." He replied bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nang makalabas si Eli, bumigat na naman ang pakiramdam ko. Wala akong ganang kumilos, pakiramdam ko kahit anong gawin ko walang saysay. Nakakapanliit lang ng sarili, because I know to myself na hindi naman ako nagkulang bilang asawa kay Gio. But still, he managed to cheat on me. Hindi pa rin sapat lahat kaya naghanap sya ng ibang babae.

Humiga na lang ulit ako sa kama, nagbalot ng kumot at umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can You Blame Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon