1

10 0 0
                                    

"Kuya! Bili mo ako ng balloon, o di kaya ice cream, ay hindi! Lollipop na lang para mura," ika ko habang naglalakad kami ni kuya sa park.

I was 8 years old that time and kuya was 10 years old. Napaka immature ko talaga kasi bini-baby ako ni kuya. Well, I had no choice kasi ako yung pinakamamahal niyang Prinsesa at siya din ang pinakamamahal kong Prinsipe.

Napakalmot siya ng ulo sa pagkainip saken. Kanina pa kasi ako nagdidemanda sa kaniya.

"Diba alam mo namang wala akong pera?" Tanong niya at tumango ako. "Pero bibilhan kita, lollipop nga lang..." Sabi niya saken at nagliwanag naman ang mga mata ko ng nadinig ko yung sinabi niya.

As time goes by, marami kaming memories na nagawa for the matter of fact na busy lagi kila mama at papa sa opisina.

Tanging si kuya lang ang nandyan palagi sa gilid ko.

Si kuya lang gumigising saken sa tuwing pasukan.

Si kuya lang nakapapangiti saken.

Si kuya lang nakaiintindi ng nararamdanan ko.

Siya lang ang palaging gumagabay saken simula nung pagkabata ko.

Si kuya lang lahat...

"Arhianne! Magising kana... Jusko po sa ilang taon na pagpapalaki ko sayo di ka parin gumigising ng maaga?" Sigaw ni kuya habang papasok sa loob ng kwarto ko. Napangiti naman ako dahil sa na imagine ko naman yung mga mukha niya pag nainip.

"Woy magising ka na! Senior high ka na Arhia!" Sabi niya saken.

"Kahit na! Paaralan parin naman yung babalikan ko! Same old same ol-- ARAY!" napaputol ako sa sinasabi ko ng ihampas niya saken yung unan.

"Pumili ka? Bumangon ka at pumasok o bumangon ka at pumasok?" Tanong niya saken at napaupo ako sa kama na magkasalubong ang dalawa Kong kilay.

"Malamang bumangon, maligo, kumain, tsaka pumasok..." Sagot ko sa kanya at pilit niya din namang itago ang bumubuong ngiti sa kanyang mga bibig.

"Ewan ko sayo... Basta bangon ka na baka gusto mo maglakad papunta sa paaralan." Sabi niya habang papalabas sa kwarto.

Agad-agad di naman akong nag-ayos.  si kuya magsalita, ginagawa niya talaga yan eh. Well I'm not the typical girl na makikita niyo but babae parin naman, sadyang hindi lang marunong maglagay ng lip tint pero nagdi-deodorant padin.

Love Is A SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon