2

3 0 0
                                        


Matapos naming kumain ni kuya, inihatid na kami ni Mang Jonah sa paaralan. Siya yung personal driver namin ni kuya simula pagkabata, parang tatay na nga namin yun.

Ilang minuto ang nakalipas at dumating na kami sa paaralan.

"Bye Mang Jo!" Sigaw ko habang papalabas sa kotse. At tumango din naman siya.

"Arhia... Kita lang tayo sa cafeteria mamaya. Tandaan mo yung 7b's?"

Napaawang yung bunganga ko kay kuya, was he kidding? I'm already 17 years old!

"Gosh! Seryoso? Books before boys because boys bring baby's! Oh happy?" I shout in amusement at napailing din naman siya sabay takbo papalayo.

Napabuntong hininga lang naman ako at napangiti. Remembering the times na stress na stress siya saken dahil sa pagpapamemorize ng 7b's na yan.

Lumalakad-lakad ako habang nakatingin sa mapa kung saan mang building ako patungo ng may nagsalita sa likuran ko.

"Ahh diyan pala banda yung room 8..." Napahinto ako at hinay-hinay na nilingon yung lalaking nasa likod ko.

Sana totoong tao siya... Baka minumulto ako, kakapasok ko pa lang naman. Pero buti din at totoong tao siya.

"Wala ka bang mapa? Bat nakikihanap ka din sa mapa ko?" Tanong ko sa kanya na pilit na tandaan yung 7b's. Pero puteks! Ang  gwapo.

"Nawala ko kasi kanina sa daan eh..." Sabi niya habang napakalmot sa batok.

"Eh kasalanan ko ba? Get lost!" Sabi ko ang naglava turn paalis sa kanya.

Diba? Napakataray ni Arhianne... After a long moment of walking, sa wakas nakadating na din ako sa room 8. Teka? Room 8? Jusko po magkaklase kami! STEM student din!

Speaking of the devil, paglingon ko andyan siya. Bilis akong umupo tsaka yumuko sa arm chair. Shez! Sana di niya ako maalala. Pero laking gulat ko ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hinay-hinay kong liningon at... BOOM! Magkatabi kayo Arhianne!

Love Is A SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon