"Kuya, nakita mo ba si Xa--- ano nangyari?" Napahinto ako nung makitang tumutulo yung luha ni kuya.
"Arhia...pasensiya talaga pero-- patay na si Xavier, patay na yung boyfriend mo..." Sambit niya ng may halong paghikbi.
Napatingin ako kay kuya halos di ko na maramdaman ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko... Hindi maaari... Umiyak ako hanggang sa napaupo na ako sa sahig.
"Siya yung nagdonor ng kidney mo... Mas pinili niyang ikaw ang mabuhay Arhia. Mahal ka ni Xavier."
Napahinto ulet ako at bigla na lang nandilim ang lahat.
Muli akong nagising at muling Napa iyak dahil wala na talagang Xavier ang bumubungad sa harap ko sa tuwing ako'y nasa hospital.
"Kuyaaaa!" Umiyak ako habang yakap yakap ni kuya.
"Shhh tahan na... Di ka iniwan ni Xavier, meron pa siyang parte diyan sa sinapupunan mo..." Napahinto ako at napatingin kay kuya.
"Buntis ka Arhia..."
![](https://img.wattpad.com/cover/212177973-288-k838131.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Is A Sacrifice
Historia CortaNot all the person that you expect to be with you from the rest of your life will live.