"Parang kay bilis ng'yong pag-alis
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Sa'n nagkamali? Pwede bang bumawi?
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Masyado pang maaga"Unang pag-alis mo ay ang pag-ghosting mo sa akin dahil nga nakilala mo si Roxanne.
Teka lang? Nagkamali nga yata ako na tinanggihan kita nung nagtanong ka na ihahatid mo ako pero grabe naman yun. Mas pinili mo yung isang tao na bagong kilala mo pa lang. Sabagay, naging pakipot ako.
Pwede bang bumawi? Paano pa? May iba na. Kayo na. Nagroroadtrip pa kayo. Kinakaon mo sya at inihahatid dito sa bahay nung Tito niya na kapitbahay namin. Ang ano nga lang, ayaw nila sa iyo dahil asbag ka daw at minsang pinagmumura ka nung tiyuhin niya. Nga laang, hindi personal. Hindi harapan.
Masyado nga sigurong maaga na umasa akong may chance tayong dalawa. Pero maganda na rin na maaga pa lang, alam kong wala na.
Pinilit kong mag-move on kahit hindi naman naging tayo.
March 2019
Nausisaan ko, naka-block ako sa iyo. Nakulitan ka siguro sa akin dahil sa mga patama ko sa MyDay ko. Pero after a week, na-unblock ako at na-unfriend na din. Sadlayp.MOVE ON
Ilang buwan kang nag-lie low sa pagpunta dito sa amin dahil nga sa inyo ni Roxanne.
Sa ilang buwan na iyon, may mga nakilala ako. Si Jun-jun, si Veic, tapos bumalik yung dati kong crush, si Jhanful. Yes, I entertained them pero wala ehh.
Si JunJun, priority ang Family niya at aalis papunta sa Japan for work. Ayaw ko naman ng LDR.
Si Veic, iba ang religion. Alam ko naman na hindi dapat hadlang yun pero iba eh. Iba. Sya naman yung tipong sobrang bait kaya parang nakakakonsensya kung gagawan mo ng masama. Hindi sa sinasabi kong masama akong tao pero sa sobrang bait niya, feeling ko hindi ko deserve ang kabaitan niya.
Si Jhanful naman, husto laang magparamdam pag walang nililigawan, pero pag meron, nawawala na lang bigla. Kaya its a big NO, N. O.!
Balik tayo kay Phol.
Nabalitaan ko na lang ulit na wala na daw kayo ni Roxanne dahil hinanap si Roxanne ng kanyang Lola dahil iniwan daw niya ang anak niya sa Lola niya at sumama na daw sa boyfriend na bago. Katrabaho niyo din daw pero di naman namin alam kung sino.
Tapos may niligawan ka naman daw na OJT ninyo sa pinagttrabahuhan niyo. Kaso, may jowa si OJT na siyang nagpapa-aral sa kanya. Kaya ayon, ligwak ka naman. Sabi naman sa iyo, dapat sa akin na lang. Sure win ka na. Ikaw lang ang iibigin at gugustuhin.
Nagsimula ka na ulit pumarine sa may amin para tumambay at mag-inom pagtapos ng trabaho.
Padaan daan. Madalas kong nakakasalubong. At dahil dun. Bumalik ng solid ang nararamdaman ko.
August 10, 2019
Birthday ng Kuya Kulot. Invited ulit kayong mga katrabaho niya. Maagang dumating yung kumpare mo, pero ikaw, lampas 11am na ata.Nung dumating ka, saktong kinakanta ko yung kanta ko para sa iyo.
"Ako'y alipin ng pag-ibig mo,
Handang ibigin ang 'sang tulad mo.
Hangga' t ang puso mo'y sa akin lang,
Hindi ka na malilinlang,
Ikaw ang Ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin."
Sa pagdating mong iyon, hindi tayo nagpapansinan. Walang bago, ikaw pa rin ang gusto ko. Kahit ang tanga tanga ko.Kinanta ko rin yung "Sa Ngalan Nang Pag-ibig",
"Ikaw mula noon,
Ikaw hanggang ngayon"Linyang binigyang diin ko para malaman mong para sa'yo yan. At nakita ko na napangiti ka nung binanggit ko yan.
Alam kong nakakaramdam ka na. Alam kong nahahalata mo na. Pero wala na sa akin yun.
Eh ano kung babae ako? Ini-add ulit kita sa facebook.
Ikaw naman ang hindi nag-accept. Pa-fame ka. Kaya after one day, ni-cancel ko yung friend request ko.
August 16, 2019
Ini-add ako nung Kumpare mo, si Roy. Type ata ako. 😂😂 Kaso ikaw nga ang gusto ko. At alam na alam yun ni Roy.Aminin man at sa hindi, kaya ko naman ina-ccept yun kasi alam kong close kayong dalawa. Mas may tendency na mapalapit ako sa iyo kaso, hindi rin pala.
Anoooo naaaaaa???
YOU ARE READING
Masyado Pang Maaga
Cerita PendekInspired by the song of Ben and Ben, Masyado Pang Maaga. However, it is true-to-life story. 😞😞😕😕