▪️ONE SHOT #7
~~~~~~~~~~~~~~~
'TAKE ME TO THE SKY'Her POV
I have a boy bestfriend. 3 years of friendship with him is not bad. Syempre 'di namin maiwasan yung tampuhan, galitan, and asaran. And syempre sa tagal nang pagkakaibigan namin, hindi ko talaga maiiwasan mahulog sa kaniya.
He's the type of man na sweet, caring, smart, kind, and attractive. Perfect kumbaga. Pero dagdag na din natin yung pagiging trantado. Sinong babae naman ang hindi mahulog sa kaniya? Crush ng bayan sa University 'yan eh.
Lahat ng secrets nya sinasabi nya sakin, problems and such. Tuwing kinukwento nya yung mga nagugustuhan nya, naiinggit ako. I envy that girl.
"Psst! Kupal!" Tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang papuntang canteen. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniya.
"Oh pandak? 'di kita naabutan sa room nyo Kaya dumeretso na ko dito." Ngiti niya pang sabi.
Kahit na palaasar ka pasalamat ka mahal kita.
"Eto naman! Makapandak ah? Grabehan sis?" Iritang natatawa kong sabi sa kaniya.
Tumawa lang siya tapos ginulo yung buhok ko.
"Tara na sa canteen, pandak." Pagsabi nya nun ay inakbayan niya 'ko at naglakad papuntang canteen.
Isa din na napapansin ng iba sa amin. Parang couple kami tignan dahil sa lagi nga kaming magkasama. Idagdag pa diyan yung lagi niya 'kong hatid sundo at yung pagiging sweet nya.
Pagkaupo namin sa upuan may pumasok na tanong sa utak ko.
"Ahm kupal. May tanong ako." Pagsisimula ko. Simple lang naman yung tanong ko pero kinakabahan ako sa isasagot nya.
Binalingan niya lang ako ng tingin.
"Kung halimbawa na tayong tatlo, ako, ikaw tsaka yung uh recent crush mo nasa iisang bangka na palubog tapos ikaw lang marunong lumangoy. Sino ililigtas mo sa aming dalawa?" Pagtutuloy ko.
His POV
Bigla akong natahimik sa tanong nya.
Actually, yung sinabi kong crush ay peke lang. Siya naman talaga gusto ko eh. Oh scratch that, mahal. Siya yung mahal ko. Natotorpe lang ako na umamin sa kaniya. Baka kase wala siyang nararamdaman sakin at iwasan pa ko. I can't see my future without her.
Tumikhim ako at sinagot yung tanong nya.
"Sino yung ililigtas ko?" Tumango lang siya. "Yung ililigtas ko yung crush ko..." No. Hindi pa pwede ngayon. I rather lie kesa mawala sya sakin. Nakita kong lumungkot yung muka nya. "...kase ayaw ko siyang masaktan, ayokong makita siyang nasasaktan..." Sorry for lying. "...kaya siya yung ililigtas ko. I can't see her hurting. She's my damn world." No. You are my universe.
Tinitigan ko lang yung malungkot nyang muka. Pumikit siya pero ako heto, nakatitig lang sa maamo niyang muka na natutulog.
She's been in a coma for a couple of years because of a massive accident. And, machine na lang yung bumubuhay sa kaniya.I held and kiss her hand.
"Kaya siya yung ililigtas ko kase ayokong may masaktan na ibang tao, ililigtas ko siya pero babalik ako sayo. Babalikan kita para sabay tayong malunod. Sounds cliché pero yun yung gagawin ko. I'd rather die than living my useless life without you." Naiiyak kong sabi. I may be looks like a gay right now but I don't care. Kase mahal ko yung iniiyakan ko.
"Love, I'm sorry kung naging duwag ako dati. Hindi ko man lang nasabi yung nararamdaman ko sayo. And I didn't have a chance to explain my answer kase bigla mo kong nilayuan." I kissed her forehead.
"Bibili lang ako ng coffee sa baba love, ako magbabantay sayo ngayon eh." I smiled at her, peacefully sleeping in her hospital bed.
Lumabas ako ng kwarto niya at dumeretso sa elevator. Nang malapit na ko sa floor kung nasaan yung cafeteria ng hospital. Bigla na lang bumuhos yung mga luha ko dahil nawalan ng kuryente.
Yung mga machines na lang yung bumubuhay sa kaniya, at ngayon na nawalan ng kuryente. Patay yung mga machines. Wala na siya. Nagsisisi ako dahil hindi ako nakaamin sa kaniya. Napaka duwag ko.
Love. Please take me to the sky. Take me to the sky with you, love. Gusto kitang makasama kahit na sa kabilang buhay na lang. I missed the chance of being with you. I'm so sorry for being weak. I love you. Let's see each other soon.
[END]
~~~~~~~~~~~~~~~
~Ms.Kookie