Kabanata 1
“Bigyan niyo naman na ako ng trabaho lord oh!. Masipag naman po ako mapagkakatiwalan at maganda. “ napabugang bulyaw ko sa hangin.
Paano ba naman isang buwan na akong tingga dito sa bahay. Halos ikiskis ko na nga mukha ko sa pader, pero syempre joke lang. Pagkatapos kasi ng mga extrang raket ko hindi na nasundan pa. Baka may balat nga talaga ako sa pwet at minamalas ako.
Sa buhay kasi ngayon kapag hindi ka nagsipag walang mangyayari sayo, kaya kahit anong pagsubok ang dumating laban lang. Lalo na sa mga tulad kong ‘di nakapagtapos ng kolehiyo kailangan talaga ang tiyaga sa paghahanap ng trabaho kaya ‘lord baka naman oh!’
Third year college ako ng huminto sa pag-aaral sa kursong nursing. Dahil nagkaroon ng problema sa financial na gastusin at yun ay ang pagpapa ospital kay nanay. May sakit siya sa puso at kailangan siyang ma-operahan, Kaya mas lumakas ang loob ko na magdesisyon na huminto muna sa pag-aaral at tumulong sa gastusin nila nanay at paunahing pag-aralin ang mga nakababatang kapatid. Maaga kasing nagkapamilya si ate kaya hirap din talaga na pagsabayin ang mga gastusin para sa gamutan ni nanay at sa pag-aaral naming tatlo, lalo’nat si ate lang ang nagtatrabaho samin. Kaya pinangako ko sa sarili ko na once na makaipon na ako ay babalik ako sa pag-aaral at tatapusin ang naunsyaming pangarap. Bata pa naman ako at wala namang limit age sa pag-aaral kaya mas minabuti kong magtrabaho ng magtrabaho. Halos lahat ata ng trabaho at raket na pwede Kong pasukan ay pinasok ko na makaipon lang.
Naranasan kong magtrabaho sa isang sikat na restaurant sa maynila. Napakaganda’t sobrang elegante ang restaurant na iyon, kaya nagsipag ako para maging regular sa trabaho bilang isang waitress. Gugustuhin mo na hindi na maghanap pa ng panibagong trabaho dahil sa mga benepisyo na ibinibigay nila sayo, lalo na sa sweldo. Sa pagkaka-alala ko e, dalawang buwan lang ako doon dahil na isyu ako na kesyo nilandi ko daw yung manager namin, kaya super bait daw sakin tapos pinagbintangan pa ako na ninakaw ko daw yung kwintas ni nessa. Jusmiyo! insecure lang sakin yung dalawang bruha na ‘yun, e yung iba nga naming mga katrabaho maayos naman pakikisama sakin silang dalawa lang ni bren-damage yung hindi.
“ hoy! Eve ginayuma mo siguro sila sir jigs no. “ galit na bulyaw sa akin ni Brenda ng makapasok ako sa locker-room.
“Ano bang nakain mo Brenda? kasi kung anu-anong paratang ang binabato mo sakin na wala namang katotohanan.“ asik ko sa kaniya.
Tumikhim lamang ito at tiningnan si nessa sabay tumawa silang dalawa. ‘ E may mga sapak pala sa ulo ‘tong mga to e. ‘ sa isip-isip ko.
“Alam mo…..” lumingon siya kay nessa. “ Pa-inosente pa ‘to e kala mo santa. Huhuthutan mo lang naman si sir e, Malandi ka! “ wala ng ano-ano at ayon nagrambulan kami sa loob ng locker room na ikinagulat nila sir . Kapal ng mukha niyang panget na sabihan akong malandi e, siya naman iyon. kung alam niya lang….. Kaso hindi, kaya ayon binibintang niya kalandian niya sakin.

BINABASA MO ANG
My Heart Can See You
General Fiction"The best and most beautiful things in this world cannot be seen or even heard, but must be felt with the heart." - Helen Keller "Not only the eyes can see how genuine our love is, but our heart can see it too." Si Hope ay isa sa mga taong nais mag...